Chapter 48

33 5 0
                                    

48: Strangers

Sa gitna ng abala naming araw ay bumisita si Lerden sa laboratory para kausapin ako.

Nakatayo kami parehas at nakatitig sa nakabukas na bintana at pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa ibaba.

“Where’s Kyra?” tanong niya ng mapansin na wala pa si Kyra.

“Pinatawag siya ni Principal Thomas. Mamaya pa ata ‘yon babalik.”

Tumango-tango siya. Mukhang madami siyang iniisip ngayong mga nagdaang araw.

“I came here to visit you.” Mahina niyang sabi. Medyo kinakabahan ako kapag ganyan ang pananalita ni Lerden dahil para siyang laging may bitbit na bad news.

“Pagbibisita ka you should bring something.” I tried to lighten up the mood.

“I really have something.”

“Asan? Wala akong makita.” sinubukan kong hanapin ang sinasabi niya pero nung pumasok siya dito ay wala naman siyang kahit anong dala.

“I have something…to tell you.”

Napaangat ang gilid ng labi ko sa pagkadismaya.

“Akala ko pa naman may pagkain kang dala. Tss.” Uminom muna ako ng tubig bago nagsalitang muli. “So ano ang sasabihin mo? Wait, is it about the case?”

“No. But this is the case about you and Code.” Napasimangot ako bigla sa sinabi niya.

“Case closed.” Nakatingin lang ako sa bintana.

“Can you let me finish what am I going to say?”

Lumunok ako at kahit nagdadalawang isip ay tumango.

“Code met me yesterday.” Simula niya.

“What?” sinamaan niya ako bigla ng tingin kaya napa peace sign na lang ako with a blank face.

“So, nag usap kami. To be honest I really wanted to punch his face that time. But I didn’t because what is he about to say is between the two of you. Ayoko muna siyang patumbahin nang hindi naririnig kung ano ba talaga ang sasabihin niya. I don’t know who that Alice Lewis is. Code said that it is over for them. Code heard about the video.”

Napapahawak ako nang mahigpit sa tumbler na hawak ko habang nakikinig sakanya.

“He said, the marriage and partnership was cancelled. At hindi niya na rin daw kailangan magtrabaho para sa company nila. He said, it’s time to pursue his dream.”

“And what does have to do with me?”

“That dream is you.”

Napahawak ako bigla sa sentido ko. Malinaw ang lahat ng sinabi sa’kin ni Lerden. Sa sobrang linaw ay parang ayaw kong tanggapin.

“Ayos ka lang ba?” alalang tanong niya at inalalayan akong umupo.

“Napapadalas na ‘to.” Bulong ko na narinig din naman pala ni Lerden.

“You must be tired from working with your experiment.”

Hinilot ko lang ang ulo ko.

Binuksan ni Lerden ang tubigan ko at pinainom ako. “Go to the clinic.”

“I’m alright.”

“I know hindi naman kita mapipilit pero kapag kailangan mo ng tulong just call your handsome friend, okay?” nagcall sign pa siya at ngumiti.

“Fine.” Napailing ako at natawa nang mahina.

Hindi rin nagtagal ay napagpasyahan niya ng magpaalam dahil may klase pa siya.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now