Chapter 30

53 10 0
                                    

30: Her genuine smile

“Maligayang pagdating sa San Sergio!” bati saamin ng mga taong naroroon.

Pinagmasdan ko ang buong lugar. Malawak at madaming mga puno at maliliit na bahay na gawa sa nipa. Mayroon ding mga nagtatanim at nag aararo ng kalabaw sa isang sakahan. Napakaganda ng panahon at napakasariwa ng hangin. Malayong malayo sa pulusyon sa siyudad.

Tinipon kaming lahat ni Professor Carstein para repasuhin.

“Okay, my dear future scientist I hope all of you can contribute well in this community and share them your knowledge about life. You don’t know some of you might also learn things from people here.  I expect my students to be a responsible to their attitudes. Okay, that’s enough! Enjoy!”

Pumalakpak kaming lahat at naghiwahiwalay para maglibot. Nakasuot parin kaming lahat ng lab coat kahit na ang init init at suot suot ko ang backpack ko at hawak ang isang notebook at ballpen.

Pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro ng patintero, piko at tumbang preso. Nakangiti silang lahat at mamamalas sa mga mukha nila ang tuwa. Hindi nila kailangan ng mga gadgets para makapaglibang. Nakakatuwa na meron pa palang natitirang mga batang katulad nila.

“Bilog, bilog, bilugan.
Assignment, assignment, suntukan.
Ayan si palaka,
Walang kaawa-awa
A-bukaka. A-bukaka,
Siya ang taya!”  masayang kanta ng mga bata.


“Mga bata halikayo dali!” tinawag ko sila at agad silang nagsilapitan sa’kin. 

Mga batang musmos, inosente at nakangiti. Mga kulay kayumanggi ang balat nila, kulot na buhok, at bilugang mga mata.

“Gusto niyo po ba makipaglaro saamin?” tanong ng isang batang lalaki.

Bumaba ako para makatapat sila.

“Magpapakilala ako sainyo. Ako nga pala si Sugar Lovei galing kami sa school na puro agham ang itinuturo. Do’n ‘yon sa malayo. Nakikita niyo ba yung mga ate at kuya na nasuot ng mahabang puting damit?” tinuro ko ang mga kasamahan kong nag uumpisa ng mag turo sa ibang mga bata.

“Opo.” Sabay sabay na sagot ng mga bata.

“Nandito kami para mag turo sainyo. Papayagan niyo ba ako?” naiilang kong sambit.

“Opo!” nasasabik nilang sagot. Napangiti ako.

Dinala ko sila sa lilim ng isang malaking puno. Pitong bata ang kasama ko. Nilabas ko mula sa bag ko ang isang tela at duon sila pinaupo. Naupo ako sa isang malaking ugat ng puno.

“Anong mga pangalan ninyo?” nakangiti kong tanong at kinuha ang notebook ko para magsulat.

“Ako po si Mae, siya naman po si Joy, si Rose, si Ed, si Lily, si Kaloy, at si Maky.” Tinuro ni Mae ang mga kaibigan niyang nakaupo. Tumango tango ako.

Nakita kong may mga lupa ang mga kamay at paa nila kaya nakaisip agad ako ng topic.

“Okay, we all know the proper hygiene?” tanong ko sakanila.

Umiling sila.

“Proper hygiene ay ang ginagawa natin sa katawan at paligid natin para manatili tayong malinis at malusog.” Tumango tango sila sa’kin. “Tulad ng paghuhugas ng kamay, pagligo at pagsisipilyo dahil kung hindi natin gagawin ‘yon ay magkakasakit tayo. We can experience some diseases.”

“Ate Sugar, ano po ba yung di-sheshes.” Natawa ako kung pa’no binanggit ni Mae ang salita.

“Mga sakit yan!” sigaw ng isang batang lalaki na si Kaloy na nakataas ang kamay.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now