Chapter 36

62 8 1
                                    

36: Sugar to the rescue

Naglalakad kaming apat sa garden at nag uusap-usap.

“It seems quite for a while since Martin’s case.”

Napatingin ako kay Lerden at napaisip. Tama nga naman siya wala akong naririnig na kahit anong balita sa kaso niya.

“Nakausap mo na ba si Inspector Garcia?”

Umiling siya bilang sagot sa tanong ko.

“I haven’t heard any news.”

Bumuntong hininga siya. Napatingin siya sa relos niya.

“Guys, I still have class in biology. I got to go.” Paalam niya at tumango ako at kumaway.

“Una na rin ako may tinatapos pa akong painting sa Art room. Bye bye Squidward and Patrick!” agad siyang tumakbo ng iyukom ko ang kamao ko at tiningnan siya nang matalim.

“Sugar, I have business in Chemistry. Pupunta ako sa laboratory sasama ka?”

Umiling ako.

“Kailangan kong pumunta sa library. I need to borrow books.” Sambit ko at pinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.

“Okay! See you later!” agad na naglakad paalis si Kyra at sinundan ko ito ng tingin at nadako ang mata ko sa nadaanan ni Kyra na si Dablyn.

Nanginginig ang mga mata nito at tila may malalim na iniisip. Nakakapanibagong tingnan siya na walang kahit anong kolorete sa mukha. Lalapitan ko sana ito ng tingnan niya ako na para bang may sinasabi ang mga mata niya.

Ayoko ng gulo ngayon kaya nag lakad na lang ako paalis at iniwasan si Dablyn na sinundan pa ako ng tingin.

Tumungo ako sa library at pumasok at kumuha ng iba’t ibang makakapal na libro na kailangan kong pag aralan. Lumapit ako sa librarian na may katandaan na at may suot na salamin at mapayat.

“Mrs. Gomez, I will borrow these books.”

Kinuha niya ang log book at binagsak sa mesa niya. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Kung wala lang ako sa library sumigaw na sana ako.

“Library card?”

“Just a moment.”

Kinapkap ko ang bulsa ko at hinanap ang library card ko. Pati sa bulsa ng labcoat ko ay tiningnan ko pero wala.

Saan ko ba kasi ‘yon nilagay? Nasa bulsa ko lang naman ‘yon kanina ah.

“Library card?” ulit ni Mrs. Gomez na mukhang naiinis na.

“Mrs. Gomez, I will just come back later.” Hindi ko na hinintay ang tugon niya at agad na lumbas dahil baka lumabas ang totoong kulay ng budhi ni Mrs. Gomez. Ilang beses niya na akong nasigawan kaya natrauma na ako.

Bumalik ako sa mga lugar na pinuntahan ko at tinitingnan nang maigi ang daan para hanapin ang library card ko.

“Wait did I drop it on the garden?” tanong ko sa sarili.

Minabuti kong puntahan ang garden at hanapin sa mga nakasuksok na halaman at mga damo. Gumapang na rin ako sa damuhan para maghanap nang mabuti.

Sa kalagitnaan ng paggapang ko at paghahanap ay narinig kong nagsalita si Dablyn. Sinilip ko siya at nakita kong nakatayo ito pero hindi ko makita kung may kausap ba siya o wala.

“You’re a psychopath! Do you think they will not know? I will tell Sugar---”

Naputol siya sa pagsasalita. Anong gusto niyang sabihin sa’kin? Napakunot ang noo ko dahil tila hindi gumagalaw si Dablyn. Nagulat ako nang bigla ito natumba sa lupa na parang isang monumento.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now