Chapter 15

145 20 15
                                    

15: The Plan


“Kamusta…Lerden.”

Kinilabutan ako ng marinig ang boses ng lalaking may hawak na patalim. Gano’n rin ang pagkagulat ni Lerden.

“Dave…” napaatras ako ng magsalita si Lerden. Mukhang sa sitwasyon niya ngayon ay napagtanto na niya kung anong nangyayari. “ Is it you who killed Samson?” nanggigigil na tanong ni Lerden kahit na may nakatutok sakanyang patalim.

“Bakit gusto mo na bang sumunod? Huwag kang mag-alala susunod kana.” Sinusubukang makawala ni Lerden at nanlaki ang mga mata ko ng itusok niya sa leeg ni Lerden ang dulo ng patalim dahilan ng pagdaing ni Lerden at pagdurugo nito.

“Gago ka Dave!” bulyaw ni Lerden kay Dave at pinadausdos ang patalim sa leeg ni Lerden.

“Alam mo buti ngang namatay na si Samson. Lapitin siya ng mga babae ni ultimong babae ko inaagaw niya. At ikaw maraming lumalapit sa’yo pero wala kang tinatalo. Bakit dahil ba sa babaeng hindi mo parin nakakalimutan?” napakunot noo ako sa sinabi ni Dave. Nakakatakot ang itsura niya ngayon at isang maling galaw lang namin ay pwedeng mamatay si Lerden. “At mas lalo ko ‘yong kinakainis. Sa’yo lumalapit sakin hindi. Pero ngayon hindi na. Kailangan mo na lang mabura pati yung isang estudyanteng pakalat-kalat dito sa academy.”

“Dave, don’t let jealousy eat you.” Mahinahong sambit ni Lerden.

“Hindi. Kailangan mo lang mamatay at wala namang makakaalam e, bukod sa ang pagbibintangan nila ay si Ms. Bitter, si Sugar.” Tumawa ito nang malademonyo at nasuklay ko ang buhok ko sa pagtitimpi at inis. “Maganda si Ms. Bitter ano kayang lasa niya? Mapait o matamis?”

Hindi ko na napansin ang biglaang pagkawala ni Lerden sa lalaki at bigla niya na lang itong sinuntok hanggang sa mahiga na ito sa sahig at natapon nito ang patalim. Puno ng galit ang pagsuntok ni Lerden at lumabas na ako sa pinagtataguan ko at balak ko sanang tawagin si Code pero paglingon ko wala ito.

Nakita ko na lang na siya na ang sumusuntok sa lalaki at parang gusto niyang basagin ang mukha ni Dave. Nakasandal naman sa gilid si Lerden at nakaupo habang nakahawak sa leeg niya. Nanlaki ang mga mata ko ng abutin ni Dave ang patalim at sasaksakin si Code.

“Code!” agad akong tumakbo at sinipa si Code. Nilabas ko ang chemical spray na nilagay ko sa bulsa ko at tinutok ito sa mukha ng lalaki. Inispray ko ito sakanya at inapakan ko ang kamay niya. ‘Di nagtagal nabitawan niya ang patalim at nawalan ito ng malay.

“Sleep well.”

Nakahinga kami ng maluwag ng makitang wala ng malay si Dave at nahuli narin naming siya. “It’s just a sleeping spray. “ tukoy ko sa ginamit ko base sa mga mukha nilang nagtatanong.  “Magigising narin siya mamaya.”

Mula sa itaas ng hagdan ay dumausdos dito si Kyra at tumalon papunta saamin.

“I filmed it very well. Inspector Garcia is on the way with the other police.”

Dumating narin ang mga pulis at dinampot si Dave. Nasa baba na kaming tatlo at nakamasid sa paligid. Maraming mag-aaral ang nagsilabasan para makasagap ng balita. Panay na rin ang pag post nila sa social media at pagkuha ng mga litrato. Iba’t ibang ekspresyon ang makikita sa mga mukha ng mga taong nakapaligid saamin. Isa-isa na ring pinapabalik ang lahat sa kanilang mga silid at bumalik sa pagtulog.

“Job well done.” Sambit ni Kyra na nakatingin sa papaalis na mga sasakyan ng mga pulis. Bumuntong-hininga ako.

“It’s over.”

Humarap si Kyra nang may maaliwalas na mukha.

“Thank you Sugar, Lerden and Code for the help. This will make our academy feel safe again.” Tumango lang kami bilang tugon.

“Wala bang pagkain?” palihim kong siniko si Code at napausog ito at sapilitang ngumiti.

“We’ll treat you---“ hindi ko na pinatapos si Kyra.

“So it’s really over. We can now separate ways since we already finished our worked. I already cleared my name.” I cleared my throat.

Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang. Hindi pa ako nakakalimang hakbang ay liningon ko si Lerden na nakahawak parin sa dumudugo niyang leeg.

“Mr. Lerden Kang, your blood is now coating you. Better go to the infirmary to still live. Bye.” Hindi ko na hinintay pa ang magiging tugon o reaksiyon niya. Dali-dali akong naglakad at nilisan ang Brainiac Academy.




Wala pang masyadong dumadaan na taxi kaya naisipan ko munang maglakad. Napapabuntong hininga ako sa tuwing naaalala ang lahat ng nangyari. Pati ang pagpapatahimik saakin ni Code sa pamamagitan ng halik. Napahawak ako sa labi ko. Biglang parang isang buble balloon ang lumitaw sa harapan ko at laman nito ang mukha ni Code na ngiting-ngiti.

“Arrgh! Leave my mind already!” kung may nakakakita lang saakin ngayon ay mapapagkamalan akong baliw daliw pilit kong  binubura ang halusinasyion ko.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan at parang timang akong nalilito kung saang direksyon tatakbo para makahanap ng sisilungan. Natigilan ako ng makita ang isang payong na transparent o walang kulay.

Agad ding umasim ang mukha ko nang makitang ang may hawak nito ay si Code. Nakaharap siya sakin habang sumisilong sa payong. Taka niya akong tinitingnan pero mas kumunot ang noo ko sakanya.

“Diyan ka na lang ba?” lokong tanong ni Code.

“I don’t like romantic movies pero sa mga movies na napanood ko hindi ganito ang nangyayari. This is reality.” Binulong ko ang huli kong sinabi. Basang-basa na ako maging ang uniporme ko at nakatingin lang sa’kin si Code.

“Hindi kasalanan ang minsang humingi ng tulong.” Nagulat ako sa sinabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at inabot dito ang payong. “Una na ‘ko.” Tumakbo siya palayo sa ilalim ng ulan. Mukhang babalikan niya ang bisekletang naiwan. Napabuntong hininga ako at napatingin sa payong.

“Pinabasa niya muna ako sa ulan bago bigyan ng payong. Napaka gentleman.” Sarkastiko kong sabi.




Kinaumagahan ay naghanda ako para pumasok sa Brainiac Academy. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan kong nakaupo si Code sa sofa at tila nakatulog. Nakabihis na ito ng uniporme ng Brainiac Academy. Gigisingin ko na sana siya ng halos mapalundag ako sa pagkagulat sa biglaan niyang pagbahing.

“Good mor—Achoo!”

Hindi ko alam ang sasabihin sakanya lalo na’t naalala ko na naman ang ginawa niyang paghalik sa’kin. Why am I so affected?

“Hoy, kailangan na nating pumunta sa B.A pinapatawag tayo. Kasama ka.” Hindi ko na siya inantay sumagot at dali-daling naglakad palabas.

Pagdating ko sa Brainiac Academy ay pinagtitinginan parin ako ng mga ilan-ilang mag-aaral. Akala ko pag nahuli na ang totoong killer ay hindi na nila ako pagtitinginan. Sarap nilang paliguan ng muriatic acid. Tsk.

Agad akong nagtungo sa gym dahil base sa mensahe na natanggap ko ay dito ako pinapapunta. Napaatras ako ng makitang maraming mag-aaral din ang nagtipon sa loob ng gym. Hindi na ako sumiksik pa dahil sila na mismo ang nagiwas para makadaan ako. Natanaw ko si Kyra na kausap ang ilang miyembro ng student council at ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay agad ako nitong kinawayan at patakbong lumapit sa’kin. Nang makalapit ay agad niyang hinila ang braso ko.

Nakarating kami sa likod ng flat form na nakalagay sa loob ng gym. Nakita kong nando’n din si Lerden at nakaupo lang sa isang tabi. May bandage na rin ang sugat niya sa leeg at mukhang may malalim na iniisip.

“Just wait here for a few minutes. I’ll be right back.” Hindi ko na nagawa pang magtanong kay Kyra dahil agad siyang umalis at tila abalang-abala.

Napalunok ako dahil kami lang dalawa ni Lerden ang nandito. Nanatili lang ako sa pwesto ko at ‘di inalintana ang kanina pa niyang tingin na nakapukol saakin.

“Pwede bang tigilan mon a yang kakatitig mo sa’kin?” inis ko siyang hinarap. Nakakailang.

“Sinong nagsabi na sa’yo ako nakatingin?” tumayo siya at lumapit sa’kin. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

“Harang ka kasi d’yan sa daanan. May tinitingnan ako.” Linagpasan niya ako at nakita ko kung saan siya nakatingin. Naglalakad sa gitna ang prinicipal ng B.A. Si Principal Thomas Light. As usual, gano’n pa rin ang pananamit niya at ang ekspresyon ng mukha niyang kinatatakutan ng mga mag-aaral maliban sa’kin. Napakunot ang noo ko. Ano bang ginagawa namin dito?

“Your question is the same as mine.” Bulaslas ni Lerden.

“Kailan ka pa natutong magbasa ng isip?” bulong ko sa hangin na mukhang narinig niya dahil napatingin siya sa’kin.

Mula sa likuran namin ay lumitaw  si Code na may namumulang ilong.

“Ano bang gagawin natin dito?” tanong ni Code na bumabahing pero hindi ko na siya sinagot dahil bukod sa hindi ko alam ay nagsimula ng magsalita ang kung sino mang Mc sa harap. Pero mukhang pamilyar sa’kin ang boses niya. Sabay-sabay kaming tatlo na sumilip sa flat form at nakita namin na nakangiti at nakatayo sa harapan si Kyra.

Matapos ang ilang seremonyas at pagsasalita ni Kyra tungkol sa paaralan, admins, students, student council, faculty staffs and principal. Biglang lumingon si Kyra sa direksyion namin at kumindat. Nagtaka lang kami sa ginawa niya at bumalik siya sa pagsasalita.

“Now, Principal Thomas Light please give us your speech.” Binigay ni Kyra ang wireless microphone sa ama niya at lumapit saamin. Nagsalita naman si Principal Light na seryoso pero nakakaagaw ng atensyion.

“Ask me later.” Inunahan na kami ni Kyra na magsalita kaya natahimik na lang kami at nakinig kay Principal Light.

“And as for giving thanks and honor to the heroes who save our school—our Brainiac Academy. Let’s give a round of applause for these brave and intelligent students…Ms. Sugar Lovei.” Nanlaki ang mga mata ko matapos marinig magsalita ang principal.

“Go there. You deserve this.” Anyaya sa’kin ni Kyra ngunit hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko kaya tinulak niya ako papunta sa may flat form. Liningon koi to ng masamang tingin pero naka thumbs up ito sa’kin nang nakangiti. Naglakad na lang ako papalapit sa Principal na may hawak na isang medal. Nanginginig ang mga kamay ko dahil maraming mag-aaral ang nakatingin saakin. At ng isabit na sa’kin ang medalya ay ang lahat ay natahimik. Gulat at hindi makapaniwala.

“Thank you, Ms. Lovei. I think it’s just even because you caused too much trouble in this school. Anyway, congratulations.” Peke akong ngumiti at nakipagkamay sa principal. Tumayo ako sa gilid.

“And now for the bait and the victim who is also part of saving this academy is none other than Mr. Lerden Kang.” Lumabas si Lerden at kahit na may benda sa leeg ay hindi nabawasan ang karisma nito sa mga babae. Nagtilian ang lahat at pinalakpakan si Lerden. Pagkatapos ay tumabi siya sa’kin at bumulong.

“Nakakahiya naman na pag pinicturan nila tayong magkatabi ay nakabusangot yang mukha mo. Try to smile and that will light up your image.”

Napa-irap ako at ginantihan siya ng bulong.

“Whatever.” Hindi ko na lang siya pinansin.

“And the next one. I’ve heard this student is popular in this academy. I’ve ask this man but he refuses to say his surname so let’s just call him by his name…Code!” ngiting-ngiti na lumabas si Code. Tila model na naglalakad na nakapamulsa at mas lalong bumagay sakanya ang suot niyang puting lab coat. May sinabi sakanya ang principal na malabo naming marinig dahil sa malakas na hiyawan ng mga babae.

Mas mukhang nagging concert ito kaysa ceremony dahil daig pa ng mga babae ang tumili at humiyaw sa t’wing lalabas ang kinakikiligan nilang Idol.

Lumapit at tumabi sa’min si Code. 

“Mabibingi ako, sobra.” Reklamo ni Code na mukhang gusting-gusto niya  naman.

“I’m already used to it. Sa t’wing papasok ako dito sa B.A this is always the scene that always happen.” Pagyayabang ni Lerden.

“Your reign has ended. Ako na ngayon.” Pang-aasar ni Code kay Lerden. Code provoked Lerden. Napaabante ito kay Code.

“My reign will never end until I give up the throne.” Sigurado bang yan lang ang pinag uusapan nila?

Bago pa sila magkainitan dahil sa mga mukha nila ay agad akong lumipat ng pwesto at pumagitna sakanila.

“Stop with your nonsense talk kids.” Inis kong sabi at panay ang reklamo nila saakin na hindi sila bata at mas bata ang isa at mas pangit. Hindi ko sila pinansin at nagkunwaring walang naririnig.

“And last but not the least my responsible and beautiful daughter who also saved this academy, a round of applause for Ms. Kyra Light.” Nagpalakpakan ang lahat at nahihiyang naglakad si Kyra palapit kay Principal Light at sinabitan siya nito ng medalya. Niyakap ni Kyra ang ama sa harap ng maraming tao. Tila may kung anong tumusok sa dibdib ko ng makita ang gano’ng sitwasyon.

“I never had a father that can give warmth to a hug like that.” Bulong ko sa hangin at napabuntong hininga.

Matapos ang ilan pang speech ay tinipon kaming apat sa gitna at kinuhanan ng litrato.

“Okay kids, 1, 2, 3 smile!”

Ngunit matapos kaming makuhanan ng litrato ay mula sa malayo ay natanaw ko ang pag flash ng isang kamera. Tinanaw ko  ito pero wala na ang nakita kong kumuha ng litrato. Nagkibit balikat na lamang ako at bumaba sa entablado.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now