Chapter 9

223 26 2
                                    

09: Famous without a name

Lulan ng taxi ay bumaba kami ni Code sa tapat ng hospital malapit sa school. Ito ang hospital kung saan siya naconfine. Ito lang naman kasi ang hospital na malapit sa Academy.

"S-sugar?" halatang kinakabahan siya sa tono ng pananalita niya. Nakatingin lang siya ng diretso sa hospital.

"Naduduwag ka ba?" mapang asar kong tanong.

"Hindi ako papasok dyan." matigas niyang sabi. Problema niya?

Seryoso ang mukha niya ngayon at parang hindi pwedeng biruin.

"Ikaw bahala. Hintayin mo'ko dyan." 

Iniwan ko na siya at pumasok ng hospital. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya. Takot ba siya sa hospital? Pinagmasdan ko ang hospital. Maliwanag ang ilaw sa loob at may mga doctor, nurse, pasyente at mga civilian ang nagkalat. May mga inaasikaso, naka wheel chair at inaalalayan. Dumeretso ako sa nurse deck at nagtanong.

"Hi." bati ko. I tried to be nice but I can't force a genuine smile.

  "Hello. How may I help you ma'am?" nakangiti niyang tugon.

"I'm just going to ask if there's a patient named Code who's confined here last month." napakunot ang noo ng babae sa sinabi ko.

"Last name?" ngumiti ako sakanya ng nag-aalangan.

"I don't know." mas lalong nagtaka ang mukha niya.

"Find it please..." pagpipilit ko para lumayas na si Code sa bahay at para mabayaran niya lahat ng utang niya sakin.

"Okay. Please wait." nabuhayan ako ng magsimula siyang magtype sa computer at hinanap ang pangalan ni Code. "Ma'am wala pong naconfine dito last month na ang pangalan Code." nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Are you sure? Please check it again." nagtype siyang muli. Gusto ko na talagang lumayas si Code sa bahay. Kaya I need his information now.

"Wala po talaga, ma'am."

What?! That's impossible. Dito na confined si Code panong wala ang pangalan niya dito?

"Is that so? Okay. Thank you."

Lumabas na ako at nasa hagdan pa lang ako ay ‘di ko maiwasang mapaisip. Pa'nong wala ang pangalan niya kung d'yan siya nanggaling? Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa pagkabigo.

Papunta na ako sa pinag-iwanan ko kay Code ng mabangga ako ng isang babae na nasa cellphone ang tingin.

"Ouch! Ano ba?" inis na sigaw niya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Rebonded ang buhok niya at makapal ang lipstick. Maputi ang balat niya at elegante ang pananamit.

Peste. Siya yung nakabangga sakin. Nilagpasan ko lang siya. Rinig ko pang bumulong siya ng masama patungkol saakin. As if I care.

"Code?" asan na yung lalaking yun? Hindi ko siya makita at dahil madilim na rin. "Code?" ginala ko ang mga mata ko para hanapin siya. "Code!"

Muntikan akong mawalan ng balanse ng biglang hilahin ni Code ang kamay ko mula sa dilim.

"Umalis na tayo dito." seryoso ang pananalita niya kaya nakaramdam ako kaunting kaba sa dibdib.

"Bakit ba?" pilit kong inaalis ang hawak niya. "Bitawan mo nga ako." pero hindi siya nagpatinag.

Hinila na niya ako sa kung saan at pumara ng taxi. Pinayuko niya ako at pinapasok sa loob. Nagsimula ng umandar ang taxi at sa wakas binitawan niya na rin ang kamay ko.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now