Chapter 39

35 4 0
                                    

39: My Happy pill

Patuloy parin akong binabagabag ng mga nalaman ko no'ng isang araw. Kasama ko ngayon si Code at papunta kami ng hospital. Sa tuwing bibisita kami rito ay laging nasa labas si Code.

Dumiretso ako nang mag isa patungo sa kwarto ni Dablyn. Naabutan ko siyang tulala at nakatingin sa kisame.

"Dablyn, kamusta ka?"

Tiningnan ko ang buong kalagayan niya. Parang mas lalo siyang lumalala.

"Dablyn please kausapin mo ako. Alam kong kilala mo kung sino ang killer---ang pumatay kay Clyde. Kailangan mong sabihin sa'kin para mapigilan natin ang mga mas malala pang pwedeng mangyari. Kailangan natin siyang panagutin. Hindi ka magiging ligtas at kami kung nasa paligid lang natin ang killer. Dablyn please...."

Hinawakan ko ang kamay niya pero hindi siya kumurap o gumalaw man lang. Nakatulala lang siya at parang nalulunod sa dami ng mga iniisip.

"Dablyn, nag mamakaawa ako sa'yo..."

Hindi siya sumagot. Napatungo na lang ako at tumayo nang tuwid.

"I will go now."

Paalam ko.

Dismayado akong bumaba ng hospital at sinalubong si Code.

"Anong nangyari? Nakausap mo ba siya?"

Malungkot akong umiling sakanya.

"Umuwi na tayo." Suhestiyon ko.

Buong byahe pauwi ay hindi ako kumibo. Hindi ko magawang kumbinsihin si Dablyn na sabihin sa'kin kung sino ang killer at maaaring mayroon pang ibang madamay.

Hindi ko kakayanin na isa naman sa mga kaibigan ko ang galawin ng killer. Tama nang nailigtas namin si Lerden noon pero ngayon hindi ako sigurado.

Nang makauwi na kami ay agad akong nagtungo sa kwarto ko at humiga. Panay lang rin ang sunod ng tingin sa'kin ni Code. Pakiramdam ko ay ang bigat ng araw na 'to at ang tamlay ng katawan ko. Hindi na ako kumain at natulog nalang.


Nagising ako dahil kumakatok si Code sa pintuan ng kwarto ko.

"Sugar the Squidward!" pang limang beses niya ng tawag saakin.

Bumaba ako sa higaan at inis na binuksan ang pinto.

Lumabas ako at napakunot ang noo. Hindi ko makita si Code.

"Ano ba Code? Pinagtitripan mo na naman ba ako? Kung oo pwes hindi ako interisado---"

"Who's that sexy girl I see over there? That's me standing on the mirror~" napahinto ako ng marinig ang pambasag tengang boses ni Code.

Naglakad ako papunta sa sala at saka ako napatakip ng bibig at nanlaki ang mga mata sa nakita. Nakatayo si Code sa ibabaw ng sofa. Wala naman sanang nakakagulat do'n kung hindi lang sana siya naka head band, naka tiklop ang damit at labas ang pusod. Napatingin din ako sa legs ni Code na nakaangat ang short nito na sobrang ikli. Wow, mas makinis pa nga ata ang legs niya kaysa sa'kin. At halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng makita nang lubusan ang mukha ni Code. Makapal na color blue eye shadow ang nasa mga mata niya, naka kilay ng sobrang kapal, naka foundation na sobrang puti, naka blush on din siyang sobrang pula at ang lipstick na pulang pula na pinatungan pa ng lip gloss kaya kumikintab.

"C-code? Pfft. Anong ginagawa mo?" pinipigilan kong matawa sa ginagawa ni Code na pag arte.

"What's that icy thing hanging around my neck? That's gold show me some respect oh ah~" sumasayaw pa siya at kumekembot.

Bigla siyang bumaba sa sofa at inabot ang kamay ko.

"If I was you I'd wanna be me too I'd wanna be me too" sinasayaw sayaw niya ako at 'di ko mapigilang ngumiti.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now