Chapter 56

20 3 0
                                    

56: The Psycho

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Nagising ako na nakahiga sa malamig na sahig. Pinagmasdan ko ang buong paligid. I’m inside a four corner room that is all white. Maliwanag dito pero walang ibang laman ang kwarto kun’di ako.

Tumayo ako at medyo nahihilo parin. Agad kong nilapitan ang steel door at sinubukang buksan ito pero nabigo ako. Ilang beses kong kinalampag at sinipa ang pinto. Umaasang may magbubukas nito at papalayain ako.

“No one will hear you.” Napatigil ako ng marinig ang boses niya.

Nilingon ko ito at tangkang susugurin ng mapahinto ako at napansin na isa pala itong glass wall.

“Y-you lied!” sigaw ko sakanya.

Nakatitig siya sa’kin sa gitna ng makapal na salamin na nakaharang sa’min. Ibang iba ang Kyra na nakikita ko ngayon. Wala ang bakas ng mukha ng Kyra na kaibigan ko. Parang sinaniban siya ng ibang tao.

“Welcome to my own laboratory, Sugar.”

Binuksan niya ang ilaw sa kwartong kinatatayuan niya at saka ko lang napansin na parang nasa loob kami ng isang laboratory. She’s wearing a lab coat right now.

Pinagmasdan ko ang laboratory. Puno ito ng iba’t ibang chemical at mga kagamitan.

“Anong ginagawa ko dito, Kyra? Kailangan ni Lerden ang gamot!” bulyaw ko sakanya.

Nagulat ako ng bigla siyang humalakhak. Lumapit siya sa salamin at nilapit ang mukha niya sa’kin.

“You really think that I will give it to you?” tumawa pa siyang muli. “Lerden is going to die. Tik-tok-tik-tok-tik-tok.”

Tumalikod na siya at lumapit sa mesang nasa harapan niya. Nakita kong nakapatong doon ang briefcase na may laman na antidote.

“Why are you doing this?”

Hindi ko nakikita ang mukha niya pero ramdam ko ang itim na awrang bumabalot sakanya.

“I just wanted to be love.” Maikli niyang tugon.

Tinangal niya ang isang pulang tela na nakapatong sa isang makina. Halos mapaluwa ako ng makita ang sari-saring puso na nasa iba’t ibang garapon. Napapalibutan ito ng usok na nagbibigay lamig sa mga garapon.

“W-what’s t-that?” nauutal kong tanong.

“These are the different hearts that I got from those people that has the eyes for love lust.” Naglakad siya at dahan dahang pinalandas ang daliri sa mga garapon. “One, two, three, four…I still need five. I will create life. Life that has love. Ironic isn’t it? I really wanted your antidote of love yet I’m trying to make a love potion.” Tumawa pa siya nang mahina.

She’s trying to make love from those hearts? A love potion from killing people?

“You’re sick.” Matigas kong saad.

Isang matalim na tingin ang binigay niya sa’kin.

“I am not.”

“No person on a right mind will do this kind of things.” Nakikipaglaban ang tingin niya sa’kin.

“Do you think people who are sane do things that are right? People always hide behind their mask. People who you think are good are the real monster in this world.”

Nanatili akong tahimik.

“It is just two: You’ll be love or you’ll be ignored. What makes it funny because the one who turned me like this is the person I love. I was an orphan before. At an early age I realized I was an orphan because even my real parents don’t love me. Until one day I was adopted by Lights’. First, my stepmother. I really love her but she can’t show me the affection of a mother. I was verbally abused, slapped, punched, hit---I was tortured by mother. I still seek for love from her heart. She told me that what they can give to me was pity.” 

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now