Chapter 23

59 10 0
                                    

23: First move

Business company. ‘Yan ngayon ang pinagtutuunan ko ng pansin dahil maaring ito ang maging susi para maibalik si Code sa pinanggalingan niya.

“Sugar?” tawag sa’kin ni Code na nakapahalumbaba sa mesa kaharap ako. Habang ako naman ay abala sa pagbabasa sa laptop ko. Hindi ko siya pinansin.

“Oy Sugar?” hindi ko pa rin siya pinansin at nakatitig lang siya sa’kin. Napabuntong hininga siya.

“Hindi ko sinasadyang marinig ang pag uusap niyo.” Napaangat ang tingin ko sakanya. “Okay ka lang ba?”

“Of course.” Binalik ko ang tingin sa laptop at nagpatuloy sa pagbabasa.

“Naging bitter ka dahil sa nangyari sa’yo. You became so much independent. And forgot about love.”

“Love isn’t true after all.”
 
“Love is in the air, love is everywhere~” pakanta niyang sabi.

“Pwede bang manahimik ka na lang diyan? Naghahanap ako ng sulusyon kung paano ka maibabalik sa pinanggalingan mo.” Irita kong sabi sakanya. Pero humalumbaba lang siya at tiningnan ako.

“Pa’no kung ayaw ko ng bumalik?” napaangat ang tingin ko sakanya. “Pa’no kung gusto kong ikaw na lang ang makasama?”

“Gago ka ba?” bulyaw ko sakanya. “Hoy pa’no mo mababayaran ‘yong utang mo sa’kin at hello? After kitang maibalik sainyo you have to give me a token of gratitude. Duh?! Why would I miss this opportunity?”

Napansin ko ang namimilog na pisngi ni Code na parang palaka.

“Hahaha! Sabi ko na ng ba. Bakit ang tigas ng puso mo?” pabiro niyang tanong at hinawakan ang dibdib niya.

Tiningnan ko siya nang maigi na nagpatigil sa kanya sa pagngiti.

“Why is my heart like this? Because I was hurt many times. If there’s love why did my Dad leave my Mom behind? Why did he leave me? And why do people get broken? And why did my heart break into pieces when my only friend left me? And that’s why I want to prove everybody that love is just a chemical reaction to the brain and not true.” Sa inis ay tumayo ako.

“You don’t need to blame love for all that’s happening.” Napangiti ako nang mapait sa tugon ni Code.

“Let me tell you. First my Dad left my Mom. Second my Mom died because she didn’t endure the pain that my father left us because of love and lastly because of that stupid love I become all alone.” Tiinalikuran ko na siya at kinuha ang laptop ko.

“Gusto ko ring mag imbento ng isang chemical substance or antidote that will make a person manhid. Para wala ng masasaktan. Because emotional pain is much harder than physical torture.”

Napailing-iling siya.

“I think I already found out my mission.” Nakangiti niyang sambit at tumayo saka lumapit sa’kin.

“Huh?”

“I will not give up on you. No matter how bitter you are, Sugar.” Nakangiti pa rin siya habang sinasabi ang mga salitang ‘yon. “Good night, Sugar. Sweet dreams.” Tinapik niya ang balikat ko at dumiretso sa sala para matulog.

Naiwan ako na tulala at napako sa kinatatayuan.





Mag lalabing tatlong minuto na akong naghihintay ng taxi pero hanggang ngayon ay wala parin akong nasasakyan. Nakapagtataka nga na ‘yong mga dati kong sinasakyan ay hindi ko napansin na dumaan ngayong araw.

Napalingon ako ng marinig ang pagkalansing ng bisekleta ni Code sa harap ko.

“Anong tinutunganga mo diyan?” nagtatakang tanong ni Code sa’kin. “Wala kang masakyan ‘no?” nagsisimula ng mang asar si Code.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now