Chapter 3

248 31 2
                                    

03: Mixed emotions

"Diretsohin mo nga ako."

Napaangat ang tingin niya sakin.

"Anong kailangan mo?"

Mukhang nagulat siya kaya hindi agad nakapagsalita. Marahan niyang binaba ang kubyertos niya at tumingin saakin.

"Actually, I want something to talk about with you." sambit niya at ipinagdikit ang dalawang palad at tumingin sa’kin ng diretso.

"Spit it."

Napahinga muna siya nang malamin bago nagsalita.

"I want to help you. I want to help you in making the antidote. I want to be your partner. Can I?" medyo nag-aalangan pa siyang sabihin 'yon sa'kin.

Huminga rin ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata.

"Ayoko."

Napakurap-kurap siya at halatang hindi makapaniwala.

"H-huh?"

"Ayoko. Kyra, better find another partner. At alam kong alam mo na mas magaling ka sa’kin kaya you don't need me anymore." lumungkot ang mukha niya sa tinuran ko.

Ayokong pati siya madamay sa kapalpakan ko. Ayos lang sa’kin na ako ang pumalpak.

"B-but we have the same goal. Gusto ko ring gumawa ng gano’ng antidote. Please..." hinawakan niya ang palad ko at agad ko itong inalis.

"We have the same goal but we have a different shot. I'm sorry." tumayo na ako at dinampot ang bag ko at umalis.

Ayokong masangkot sa kahit na sinuman.

Lumabas ako ng cafeteria at tinungo ang garden. Nakakita na naman ako ng nagp-PDA. Umirap na lang ako dahil baka mabato ko lang sila ng mga lantang bulaklak.

Napatingin ako sa bulsa ng uniporme ko nang maramdaman itong nag vibrate. Kinuha ko ang cellphone ko.

Isang mensahe ang natanggap ko.

From: Mr. Silanty Lovei

Anak, my anniversary with your Tita Elizabeth is next month. I hope you can come. I miss you so much, darling.

Agad-agad kong dinelete ang message ng magaling kong ama.

Hindi na ako nag-abala pang tawagin siyang Dad o Papa. Nakalimutan ko ng may ama pa pala ako.

Napaupo ako sa isang bench sa garden. Nakasimangot at walang mapaglagyan ng inis.

Sumapit ang hapon at agad kong nilisan ang Brainiac Academy at tumungo sa lugar kung saan nakakaramdam ako ng iba't ibang emosyon.

Naupo ako sa green na landscape na lupa at pinagmasdan ang puntod ni Mama.

'Honey C. Lovei'

Hinaplos ko ang pangalan ni Mama at sari-saring emosyon na naman ang naglalaro sa dibdib ko na gustong-gusto ko ng wakasan.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now