Chapter 45

30 4 0
                                    

45: It’s over

Dinala ako ni Lerden sa malapit na parke matapos kong tumangi na pumunta sa hospital. Agad siyang bumili ng mga gamot at kasalukuyang ginagamot ang mga sugat ko.

“I followed you.” Napatingin ako sakanya habang ginagamot ang noo ko. “Nagmamadali ka at hindi mo ako nakita at nilagpasan. I decided to follow you. Bigla akong nag alala ng may mga dumating na ambulansya. Dumudugo ang noo mo and it looks serious pero hindi ikaw ang sinakay ‘don. You should be the one being treated.”

Nanatili akong walang kibo.

“Tell me sinong gumawa sa’yo nito?” bakas sa mukha niya ang pag aalala.

Makulimlim ang langit at wala masyadong tao dito sa parke. Mabuti naman. Pumikit ako at huminga nang malalim.

Paulit ulit na parang echo na ayaw tumigil ang huling mga salita na sinabi ni Code sa isipan ko. Paulit ulit din akong tinutusok na tila mas masakit pa sa mga pasa at sugat na natamo ko.

“Ayaw na kitang makita.”

“Ang s-sakit…” daing ko.

“Teka hihipan ko.” Hinawakan niya ang ulo ko at hinipan ang noo ko.

“Ang sakit…ang sakit sakit…” impit akong napahikbi.

Tinitigan akong maigi ni Lerden.

Hindi sugat o mga pasa ko ang masakit. Sa loob ng katawan ko may nadudurog, may nawawasak at ang tanging magagawa ko lang ay ang umiyak. Umiyak sa sobrang sakit.

Kinulong ako ni Lerden sa mga bisig niya at mas lalong hindi ko napigilan ang pagtakas ng mga hikbi sa bibig ko.

“Cry all you want. I won’t say anything. I’ll just stay here by your side.”

Mas hinigpitan niya ang yakap sa’kin.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Parang unang beses ko pa lang durugin. Paulit ulit na akong nasaktan pero bakit hindi ko parin magawang masanay?

Matapos kong umiyak ay hinarap ko si Lerden.

“I’m so sorry to see me in this state.” Sambit ko at pinunasan ang pisngi.

Lungkot at pagkabigo ang nakikita ko sa mga ni Lerden na hindi ko maintindihan. Biglang nagbago ang mga tingin sa mga mata nito at napalitan ng galit. Hindi na siya sa’kin nakatingin kun’di sa likuran ko.

Tangkang lilingon na ako ng balaan niya ako.

“If you turn your head you’ll be hurt. I’m afraid this time I can’t stop myself.” Nakayukom ang mga kamao niya.

Kahit na binalaan na ay hindi ako nagpatinag. Lumingon ako at tama nga sigurong hindi na ako lumingon.

Nakita ko mula sa malayo ang nakatayong si Code. Nagsisimula na namang bumaha ang mga mata ko. Gusto ko siyang lapitan at tanungin. Totoo ba lahat ng mga sinabi niya sa’kin? Pero hindi ko magawa. Lungkot ang namutawi sa mga mata kong nangungusap. Tumalikod siya at nag umpisang mag lakad palayo.

It’s over.

Tatayo na sana si Lerden na nakatiim-bagang ng hawakan ko ang pulsuhan nito.

“D-don’t….”

Kinalma niya ang sarili at bumuga ng hangin. Sandali siyang natahimik.

“I think I already know the answers to my questions.” Rinig kong mahinang sambit ni Lerden sapat para marinig ko.

“Huh?”

“You’re being like that because…you’re in love with him.”

Binalot ako ng isang realisasyon at kahit anong takbo ng isipan ko hinahabol parin ako ng mga salita niya.

Bumalik ang kaninang lungkot at pagkabigo sa mukha niya.

“I’ll accept my defeat.” Ngumiti siya nang mapait. “You’re in love.” Natawa pa siya nang bahagya.

Inayos niya ang buhok kong hanggang ngayon ay sobrang gulo parin.

“Even if I’m defeated in this battle I will still be your annoying friend. My love for you won’t change. I regret a lot in everything I’ve done in the past. But, reconciling with you, being with you, bringing back the old you is the thing I will never regret.”

“Lerden….”

Tumayo siya at nilahad ang kamay niya.

“Please accept this hand from you’re defeated and coward friend.”

Imbes na makipag shake hands ay tumayo ako at niyakap siya.

“Thank you for coming back to my life. And you’re not my friend.” Tiningnan ko siya nang mabuti.

“You’re my best friend.”


Matapos ang lahat ng nangyari ay umuwi ako ng bahay. Nakasilip ako sa bintana at nakatingala sa langit.

Sinasadya ba talaga ‘to na kahit isang butuin ay wala man lang akong makita. Pumikit ako at huminga nang malalim at dinama ang malamig na simoy ng hangin.

Sa mga oras na ito kailangan mong magpakatatag, Sugar. Wala kang ibang maasahan kun’di ang sarili mo. Dinilat ko ang mga mata ko at halos mahulog ang puso ko ng makita si Code sa ‘di kalayuan.

Naghahallucinate na naman ata ako. Pumikit ulit ako at huminga nang malalim. Concentrate. Pag dilat ko ay wala na siya. Sana guni-guni ko lang ‘yon. Tuluyan na akong umalis sa bintana at sinara ito.

Napahawak ako sa dibdib ko damang dama ko parin lahat. Lahat lahat.

Naalala ko ang dahilan kung bakit ako pumunta sa opisina ni Code.

Kinuha ko ang sketch pad mula sa bag ko. Nang dahil sa sketch pad na ‘to muntikan pa akong mapatay ng bruhang babae na ‘yon. Tuwing naaalala ko ang ginawa ng babaeng ‘yon ay umiinit ang dugo ko.

Tumayo ako at lumabas ng pinto. Lumapit ako sa isa sa mga basurahan.

Napapikit ako nang mariin at inis na bumalik sa loob ng bahay.

“Ano ba kasing nasa loob nito?” padabog akong umupo sa sofa at inumpisahang buksan ang sketch pad.

Naalala ko ang kondisyon niya para hindi buksan ang sketch pad na ‘to pero nanaig sa’kin ang gigil kaya halos mapunit ang mga pahina sa paraan ng pag buklit ko.

Pinagmasdan ko ang laman nito. Sa una hindi ko maintindihan ang mga sketch niya hanggang sa mga sumunod na pahina naging malinaw sa’kin lahat.

Kusang nagsibagsakan na parang butil ang mga luha ko.

Ang sketch pad ni Code ay parang isang diary na imbes na mga salita ay mga drawing ang laman nito. Nakaguhit dito ang mga araw na magkasama kami. Kahit saan mapa bahay, school, puno, mall o parke. Nakikita ko ang mukha ko kung hindi nakabusangot ay nakangiti. Sa mga guhit niya sobrang aliwalas ng mukha ko. Tila ba sobrang saya ko at walang iniindang problema. Sa mga mukha ko naman na parang pinagsakluban ng langit at lupa sa guhit niya.

Napatawa ako na may halong kirot. Ganyan pala ako kapangit kapag nakabusangot. Pinagpatuloy ko ang pagbuklit ng mga pahina at sa mga sumunod na pahina ay puro mga mukha ko na lamang ang laman nito. Mga nakatingin, hindi nakatingin, natutulog, nagbabasa ng libro, may hawak na laptop, nakaupo sa damuhan, nakangangang tumatawa na halos mawalan na ng mata. Code always observed me.

I can’t convince myself anymore that I’m not in love with that stupid, annoying and amazing specie.

Sariwang sariwa sa’kin lahat ng alaala namin dahil dito sa mga guhit niya.

“Ayaw na kitang makita.”

Napakalupit nga naman ng tadhana kung kailan durog na durog ako ay do’n ko naman malalaman ang totoong nararamdaman ko.

Napahiga na lamang ako sa sofa at napabaluktot na yakap ang mga tuhod habang patuloy paring tumatagas sa mga mata ko ang mga luhang gusto kong matuyo na.

His voice kept on haunting me even on my sleep.

This will be my sweetest nightmare. Having to know you’re in love with someone you cannot have.

I will never dare to assume that he likes me too.

“Ayaw na kitang makita.”

I’m done.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now