Chapter 25

92 12 7
                                    

25: Suitor

“Please Kyra accept my love for you.” Sambit ng isang lalaki habang inaabot ang isang bouquet ng bulaklak.

“Do you think I’m that easy on you? And please don’t waste my time.” Tatalikod na sana si Kyra ng hawakan ng lalaki ang braso niya.

“Nanliligaw pa lang naman ako.” Inalis ni Kyra ang hawak ng lalaki sa braso niya at naglakad papasok ng silid.

Inis na tumalikod rin ang lalaki at inis na inabot sa ibang babae na nanonood sakanila ang bulaklak.

‘Yan ang naabutan naming eksena ni Code sa Brainiac Academy at nakatayo lang kaming nanonood sa nagaganap na pangyayari dahil kinakalkula namin ang mangyayari.

Nagsialisan na ang mga estudyanteng nanonood at bumalik sa kanya kanya nilang klase.

“May manliligaw na pala si Kyra.” Bulaslas ni Code.

Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng nagsisialisan.

“Oo. Nakita mo naman diba? At kung susubukan mo man sigurado akong gano’n din ang mangyayari sa’yo.” Nakataas kilay kong sambit at bumuga ng hangin.

“Pa’no kong sa’yo?” napatingin ako sakanya.

“Baka gusto mong ikaw ang mag suot nito.” Turo ko sa braso kong may bali.

Bigla siyang ngumiti at gumawa ng finger heart.

“Get lost.” Naglakad na ako papasok sa pintuan at iniwan siya.

Napailing na lang ako.

Sumapit ang lunch break at sabay kaming kumain ni Kyra. Nasa loob kami ng cafeteria at wala pang bakas ng mukha ni Code at Lerden.

“How does it feel to have a suitor?” tanong ko sakanya at biglang gumuhit ang ngiti sa labi niya.

“Even if I rejected him…masaya rin palang magkaroon ng manliligaw. The feeling that you know that someone likes you.” Sagot niya nang nakangiti.

Magsasalita na sana ako ng lumapag ang isang tray sa katabi ko.

“So, bibigyan mo ba siya ng chance?” tanong ni Code at naupo sa tabi ko. Tiningnan niya ako at nginitian. Napairap ako sakanya.

“I’m actually still thinking about it.” Nahihiyang sambit ni Kyra.

“By the way, Kyra sino ba ‘yong nangahas na manligaw sa’yo?” interisadong tanong ko.

“Uhm, he is---.” Naputol sa pagsasalita si Kyra ng si Lerden naman ang dumating at umupo sa tabi niya na kaharap ako.

“He is Martin Lim. A basketball player and a heart player.”  Sagot niya sa’kin. “Hi Sugar.” Bati niya.

Napahawak na lang ako sa noo ko. Sumama naman ang tingin ni Code kay Lerden.

“Don’t let him court you.” Seryoso kong saad.

“Ba’t ikaw ang nagdi-desisyon para kay Kyra?” humarap sa’kin si Code.

Sasagot na sana ako ng magsalita si Lerden.

“Well, Sugar is right. Marami ng pina iyak na babae ‘yon si Martin. He is a known playboy here.” Napapaangat ang gilid ng bibig ko dahil sa pagsagot ni Lerden at tinginan nila ni Code.

“Ikaw nga e may pina iyak ka na rin.” Pangbabara ni Code kay Lerden.

“Wala ka kasing alam.” Malamig na sagot ni Lerden.

Magsasalita na sana ako para pigilan si Code sa pagsagot at magpaliwanag ng si Kyra naman ang magsalita. Napairap na lang ako. Ayaw nila akong pagsalitain.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now