Chapter 7

220 25 1
                                    

07: Sugar's Attack

Palabas na ako ng kwarto at nakasuot ng puting lab coat na uniporme ko. Kung tutuusin mukhang pang doctor ang uniporme namin.

Sinara ko ang pinto ng kwarto at dumiretso sa sala. Nadatnan kong tulog na tulog parin si Code.

Ang amo ng mukha niya pag natutulog. Hindi na siya maputla at malinis na ngayon. Hindi na rin mukhang sinabunutan ang buhok niya. Gulo-gulo nga lang ng konti dahil natutulog siya. Ang tangos rin ng ilong niya at medyo mapula-pula ang labi at maganda ang jawline niya.

Masasabi kong mukha siyang modelo. Baka nga modelo siya tapos pina-salvage at tinapon. My evil thoughts.

"Stop staring at me." napitlag ako ng marinig siyang magsalita at umarte na sa iba nakatingin.

Minulat niya ang mga mata niya at tumayo.

"Ang sama mo hindi mo man lang ako pinahiram ng kumot." Inirapan ko lang siya. "Saan ka pala pupunta?"

"May pasok ako ngayon. So, stay here at 'wag kang lalabas dahil ikaw ay amnesic at baka mawala ka pa at kargo de konsenya ko na naman yan." bilin ko sakanya at binuksan ang pinto. Palabas na ako ng magsalita siya.

"Nanaginip ako kagabi." seryosong saad niya.

"Ako rin." nababagot kong sagot at lalabas na sana.

"Isang taong nakaitim ang sumusunod sakin sa gitna ng dilim." napahinto ako sa akmang paglabas. "Hindi ko makita ang mukha niya."

Nanatili akong nakatingin sakanya.

"I think that person have something to deal with me."



Bumaba ako sa tapat ng school namin.

'Brainiac Academy'

Nakasulat sa taas ng napakalaking gate and pangalan ng school namin. Pumasok na ako at dumiretso sa classroom ko.

Pumasok na rin si Professor Carstein at nagdiscuss.

"Before our session ends I just want to inform all of you that there's another laboratory exploded yesterday." tumingin saakin nang masama si Professor Carstein at maging ang mga kaklase ko.

"Goodbye class." lumabas na si Professor Carstein at nagsimula ng mag chikahan ang mga kaklase ko.

"I guess it's Ms. Lovei's fault again." suhestyon ni Dablyn at nakangisi saakin. Napatingin ako sakanya nang malamig.

Nagtawanan ang iba kong mga kaklase at hindi ko maintindihan kung bakit sila tumatawa kung wala naman nakakatawa.

"Siguro nga." bulong-bulungan sa loob ng silid at hindi ko na lang ito pinansin.

"Baka sa susunod classroom naman natin and sumabog." pang aasar niya pa ulit at nagtawanan ang grupo nila.

"Baka nga." tiningnan ko siya ng diretso sa mata. At natahimik sila.

Napausog siya at halatang nabigla.

Lumipas ang oras at natapos lahat ng klase namin kaya pinalabas na kami.

Palabas na ako ng silid ng makita si Dablyn na inakay ng boyfriend niyang si Clyde at niyakap. Hinaplos din nito ang buhok ni Dablyn na ikinakilig ng babae at ang iba pang nadaan.

Nagtitilian sila sa landiang nagaganap sa harapan nila?

Ngiting-ngiti sila sa isa't isa.

"Lagi mo na lang akong pinapakilig." kinikilig na sambit ni Dablyn at pabirong hinampas si Clyde.

Binigyan kasi siya nito ng tsokolate at bulaklak.

Yan lang kinikilig na siya? Tsk.

"Syempre, ikaw lang kasi ang natatanging babae na nilalaman ng puso ko at ang babaeng nagpapasaya saakin." hinalikan ni Clyde si Dablyn sa noo.

Kilig na kilig ang mga manonood na akala mo nanonood ng romantic movie.

"I love you so much, Clyde. Thank you for being loyal to me. I'm so lucky to have you."

Kailangan talaga sa hallway nila yan gawin? Nakakasira ng araw.

"I love you more. And you will always be the one and only love of my life." mga pakilig na banat ni Clyde kay Dablyn.

Narinig ko na yan. Masyado ng gasgas. Binaling sa’kin ni Dablyn ang tingin niya na nang aasar at tumingin ulit kay Clyde.

Bago pa sila maghalikan ay naglakad ako sa gitna ng hallway palapit sakanila. At ng makita ako ni Dablyn ay tumaas ang kilay into.

"Is this love?" painosente kong tanong na nang-aasar.

"What are you doing here?" mataray na tanong ni Dablyn.

Mamaya kana mainis. Wala pa nga akong ginagawa e.

"You're blocking the way, fools." tangkang susugirin niya ako pero hinawakan siya ni Clyde at pinigilan.

Hinarap ako ni Clyde at tinago sa likod niya si Dablyn.

"Sugar, pwede mo akong insultuhin pero 'wag ang babaeng mahal ko?" pagtatanggol niya Kay Dablyn.

"Wait sinong babae?" medyo nagulat at natigilan siya sinabi ko.

"A-ako syempre sino pa ba?!" sigaw ni Dablyn dahil hindi agad nakabawi si Clyde.

"Shut up. Hindi ikaw ang tinatanong ko." pinandilatan ko siya at inis na inis na siya sakin.

"S-syempre si Dablyn." napangiti si Dablyn mula sa narinig sa bibig ni Clyde.

"It's our anniversary today so please stop it already." pagbaba niya ng tono.

"Oh? One year of being a fool and fooled." kumunot ang mga noo nila at tila kaming dalawa lang Clyde ang nagkaka intindihan.

"What are you talking about?" galit na saad ni Dablyn.

"Dablyn you're a fool." kalmado kong sambit.

"W-what?"

"And Clyde, if you are going to do something make sure no one will see." pangpupuntirya ko.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Mahal ko si Dablyn at wala kang ebidensya sa mga sinasabi mo. Si Dablyn lang ang laman ng puso ko." what a cliché.

"I'm not saying anything that needs evidence." pangbabara ko at natigilan siya. "Ano ba ang gusto mong bigyan ng ebidensya? At wala ng ibang laman ang puso mo kundi si Dablyn?"

"O-oo. S-si Dablyn lang ang nag-iisa at wala akong ibang babae..."

Gotcha!

Napahinto siya ng mapagtanto kung anong sinasabi ko at kung ano ang sinabi niya.

"What are you talking about Mr. Enriquez?" natatawa kong tanong sakanya. "Fooling someone by a fool is absolutely ridiculous. Kissing a fool is just about fooling yourself." mukhang nakuha niya ang sinabi ko.

"Hindi ko siya hinalikan! Nagkakamali ka! W-wala akong hinalikan! Kasama ko lang siya kahapon para mamasyal at wala—-"

A fish that is caught by his own mouth.

"S-sinong kasama mo kahapon? At anong pinagsasasabi ng baliw na babaeng 'to?" bulyaw ni Dablyn.

Ako pa ang baliw saaming dalawa? Hah?

"Dablyn let me explain what I'm saying is---" Inaalis ni Dablyn ang hawak sakanya ni Clyde. "Hindi ako nambababae at wala kang ibensiya!" nangagalaiting buntong niya sakin.

"Una sa lahat wala akong sinabing nambababae ka at hindi kailangan ng ibedensya kung sa sarili mo ng bibig mismo ito lumabas."

Napagtanto narin nila ang sinabi ko. Nangingiligid ang luha sa mga mata ni Dablyn at galit na tiningnan si Clyde.

"Let me explain----"

Agad na sumugod si Dablyn papunta sakin at hinila ang buhok ko.

"Walang hiya ka talaga! Hindi mo masisira ang relasyon namin ni Clyde. Papatayin kitang babae ka! Sinungaling ka!" sinabunutan niya ako at pakiramdam ko makakalbo ako dahil sakanya. Pinipigilan ko ang kamay nito pero hindi siya nagpapatinag.

"I'm not the one who spill the beans!" sigaw ko sa gitna ng pagsabunot niya sakin.

Malapit na akong mawalan ng balanse ng may boses na umalingawngaw sa buong hallway at marami na ring estudyante ang nanonood.

"Stop that! Now!" binitawan ako ni Dablyn ng patulak at muntikan pa akong matumba.

Tiningnan ko siya ng masama at saka binaling ang tingin ko sa babaeng naglalakad na suot ang seryosong mukha.

"I already told you that I'm not tolerating this kind of behavior and action." matapang na sambit niya.

"Students that doesn't want to be involve here leave this place." nagsialisan ang lahat ng mga estudyante sa maotoridad niyang pananalita. Tangkang aalis na rin ako ng magsalita siya. "Except Dablyn, Clyde and you Sugar."

"K-kyra...Sugar is the one who started." sumbong ni Dablyn at tinuro ako.

Tiningnan ako ni Kyra ng diretso sa mata.

"What is the problem here?"

"S-sugar is accusing Clyde having another girl." sumbong niya at tiningnan ako nang masama.

"Cylde said it himself." sambit ko ng walang buhay at mas lalo siyang nainis.

"Then?" paghihintay ni Kyra.

"S-she pulled my hair and slapped me." binabaliktad niya ang mga nangyari.

Hindi ako kumibo.

"Did you do that because you think it's a lie?" tanong niya ng seryoso kay Dablyn.

"H-huh? I said Sugar is the one---"

"I'm asking you." hindi na nagawang magsinungaling pa ni Dablyn.

"Yes."

"So, to stop this mess here." pabato niyang binigay kay Dablyn ang isang sobre.

Binuksan niya ito at kinuha ang tatlong litrato.

"I found that on my table." tukoy ni Kyra sa office ng student council. Ito ang mga litrato na kuha nung gabing napahinto ako sa daan na kasama si Code at nakitang nakikipaghalikan si Clyde sa ibang babae.

Nagsimula ng mag unahan sa pagtulo ang luha ni Dablyn at tinapon kay Clyde ang mga litrato.

What a boring scene.

Tumalikod na ako at naglakad.

"Sugar!" tawag sa’kin ni Kyra at pumantay sa’kin ng lakad.

"I'm warning you to not cause trouble again here at Brainiac Academy." she ordered me.

"Hm." iniwan ko na siya at umalis pero bago ako makaalis ay narinig ko pa ang sinabi niya.

"I hope that you can changed your mind."

I know what she meant. Pero sinubukan ko na at ang legendary palpak pagdating sa experiments ay nakuha pa ng problema.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now