Chapter 8

199 24 2
                                    

08: Dead at Brainiac Academy


Kinaumagahan ay nag ayos ako ng sarili para pumasok sa B.A. Habang nagsusuklay ako ng buhok sa harap ng salamin ay nakaamoy ako ng kakaibang usok. Usok na ibang iba sa usok na lagi kong nalalanghap sa loob ng laboratoryo. Hindi ko napigilan ang ilong ko na singot-singotin ito. At nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung saan ito galing.

Agad kong tinakbo ang kusina at naabutan ko ang isang lalaki na nakatalikod sa direksiyon ko at kaharap ng kawali. Si Code. Napatingin din ako sa mesa na may nakapatong na Hotdog, Egg, at Bacon.

"A-anong ginagawa mo?" salubong na kilay kong tanong sakanya at humarap siya sa'kin. Medyo magulo ang buhok niya at halatang bagong gising lang ito at suot-suot niya ang apron ko na kulay asul.

"Ano sa tingin mo?" napairap ako sa sagot niya. Tuluyan niya ng pinatay ang stove at maya-maya'y pinatong ang isang bowl na naglalaman ng sinangag. Umupo siya at nagsimulang sumandok ng pagkain at sumubo. Napapikit ako ng mariin at kinakalma ang sarili.

"Binigyan ba kita ng permiso na makialam sa mga gamit ko?" hingang malalim Sugar. Maaga pa para mangsabunot. Tiningnan niya ako na parang walang pakialam.

"Balak mo atang gutumin ako dito. Hindi mo ako pinapakain kaya ako na lang ang nagpresentang magluto para naman magkalaman ang tiyan ko, 'diba?" bumalik ulit siya sa pagkain at ninanamnam ito.

Tinungo ko ang kwarto ko at ng makabalik sa kusina ay hinarap siya.

"All of what you've eaten yesterday and today have corresponding amount that you need to pay." sambit ko habang kinakalkula ang lahat ng kinain niya sa hawak kong calculator. "And that's all listed." sabi ko matapos ma-total lahat lahat.

"Mukhang pera." walang alangan niyang sabi at nagpatuloy sa pagkain.

"Mukha kang pulubi." inirapan ko siya at tangkang papasok sa kwarto.

"Hindi ka ba kakain?" bigla niyang tanong. Tiningnan ko siya na 'are-you-serious-look at tinalikuran. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas sa pinto.

"Hoy! Sugar yung kaso ko 'wag mong kalimutan!" sigaw niya at nilingon ko ito at nakita kong nakadungaw siya sa pintuan.

Oo. Hindi ko kakalimutan dahil gusto kong lumayas kana sa pamamahay ko.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad at sumakay ng taxi. Bumaba ako sa Brainiac Academy at pumasok ng gate bitbit ang bag ko.

Pagpasok pa lang ay kitang-kita na ang mga magaganda at makukulay na bulaklak at mga santan sa gilid ng mga pader. Tama lang din ang sikat ng araw kaya hindi na ako nag abala pang magdala ng payong.

Patungo na ako ng classroom ko ng mapansin ko sa gawing kanan ng pavement malapit sa dorm ang tatlong sasakyan ng mga pulis at nagkukumpulang mga estudyante para makiusyoso.

Bakit may mga pulis?

Nakakita ako ng estudyanteng papunta rin sa mga kumpulang tao para makibalita. At mga estudyanteng paalis na may suot na natatakot at nadismayang mukha.

"Excuse, bakit may mga pulis? Anong nangyari?" dulot ng kuryosidad ay napilitan kong tanungin ang dalawang estudyanteng pabalik. Mukhang mga freshmen.

"Ah, may natagpuan po kasi kaninang umaga na patay duon sa Boy's dorm. Nagulat na nga lang po kami ng biglang may dumating na mga pulis at nalaman naming may patay do'n." sagot saakin ng babaeng estudyante at tinuro ang mga sasakyan ng mga pulis at Boy's dorm.

"P-patay?" gulat kong tanong.

"Opo. Nakakatakot nga e. First time yata na nangyari 'yan dito." tinanguan ko ang isa pang babaeng estudyante na sumagot sakin at napatingin sa building kung saan naroon ang mga pulis. "Sige. Salamat." umalis na ako at iniwan sila.

Gosh, may natagpuang patay dito sa B.A? Pero, it has nothing to do with me kaya mas mabuting hindi ko na lang ito pansinin. Dumeretso na ako papuntang classroom ng makasalubong ko ang Presidente ng Student council. Huminto ito sa harapan ko at halata sa mukha niya ang pagka stress.

"Sugar, come with me." seryosong saad niya at balak ko pa sanang umangal ng maglakad na siya at sumunod na lang ako.

Saan naman ako dadalhin ng babaeng 'to?

Napakunot ang noo ko ng makitang patungo kami sa Boy's dorm.

"Saan mo'ko dadalhin?" sa halip na sagutin niya ako ay mas binilisan niya ang lakad. Kahit naiinis ay sumunod na lang ako dahil mukhang seryoso siya. Kailan ba siya hindi nagseryoso?

Pagkarating namin doon ay may nadaanan kaming ibang mga pulis na pinapaalis na ang mga estudyanteng chismoso at chismosa.

Finally, huminto na siya.

"Sumama ka sa'kin sa loob." Kunot noo ko siyang tiningnan at hindi ako nito pinansin.

Nakabantay ang mga pulis at nakapagtatakang hindi nila kami inusisa ni Kyra. Pagkarating namin sa ikalawang palapag ay malayo pa lamang ay natatanaw ko na ang mga lalaking pabalikbalik at may mga hawak na camera at plastics. Nang makarating kami ay binati ni Kyra ang mga ito at kinausap ang isang malaking lalaki na may katandaan at may I.D. na suot.

'Inspector Garcia'

Sinulyapan ako nito at nagpatuloy na kausapin si Kyra. Ako naman ay nawiwirdohan na hanggang sa maisipan kong sumilip sa nakabukas na pinto. Dinungaw ko ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko at napaatras. Dilat na dilat ang mga mata ng lalaking nakahiga sa kama at walang damit pang itaas at maraming tarak sa dibdib. May bakas din ng pagluwa niya ng dugo at halos maligo ang buong katawan at kama niya sa sariling dugo. Iniwas ko ang aking tingin dahil pakiramdam ko ay maduduwal ako. Bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko matapos makita ang karumaldumal na sinapit ng kaklase ko.

"She has something to say about this." sambit ni Kyra kay Inspector Garcia at hinarap ako.

"Ms. Lovei," malalim ang kanyang boses at nakakakaba. Hindi na ako magtatanong pa kung pano niya nalaman ang pangalan ko dahil malamang sinabi na yon ni Kyra. "Kilala mo ba si Mr. Clyde Enriquez?"

Matangkad siya at pumuputi na rin ang buhok palatandaan ng katandaan at may hawak na isang binder. Matalas ang mga mata nito at walang balak na magpaligoy-ligoy.

"O-opo. He's my classmate." 'di ko mapigilang mautal lalo na pag naaalala ko ang nakita kong katawan kanina. Magsasalita pa sana si Inspector Garcia ng makarinig kami nang malakas na sigaw!

"Walang hiya kang babae ka! Pumayag ako na pumunta sayo si Clyde tapos papatayin mo lang siya?!" tumakbo kami papunta sa dulo ng corridor at lumiko. Naabutan naming inaawat ng iba pang nag iimbistega sina Dablyn na ang pula-pula na ng mukha at umiiyak at ang isang babae na nakita ko noon na kasama ni Clyde.

"Babae ka lang niya kaya wala kang karapatang pumunta dito at isisi 'to sakin!" pagtatanggol ni Dablyn sa sarili at pilit kumakawala sa mga lalaking nakahawak sa magkabilang braso niya.

"Hindi ba't may motibo kang patayin siya dahil niloko ka niya at dahil dun galit na galit ka kaya ginawa mo 'to!" halos mapaos na rin ang isang babae na puno ng galit ang mukha sa kasisigaw.

"Hindi ko siya pinatay! Hindi ko siya pinatay! Hindi ko siya pinatay!" tuluyan ng humagulhol si Dablyn at napaupo. Nakatingin sa kawalan at tila iniisip kung anong nangyayari. "Pero nararapat lang yan sakanya dahil manloloko siya. Pero hindi ko siya pinatay!" iyak siya ng iyak. Napaatras ako ng inangat niya ang ulo niya at tumingin siya sakin nang matalim. "S-si S-sugar! S-siya ang pumatay kay Clyde!" sinugod niya ako at bago niya pa ako masabunutan ay naharangan na ako ni Inspector Garcia at hinawakan sa braso si Dablyn at pinahawakan sa mga kasamahan niya.

"Watch your mouth!" simpleng tugon ko na may tono na naiinis.

"Hindi ba't totoo naman? Galit ka sa pag-ibig at sinira mo ang relasyon naming dalawa! Wala kang ginawa kundi sirain kami! Ikaw ang pumatay sakanya! Ikaw!" matalim na mga tingin ang
pinukol niya sa'kin. "Humanda ka sa'kin Sugar. You will pay for this!"

Hinila na siya ng mga iba pang mga pulis at nilayo saamin. Ilang tanong pa ang pinakawalan ni Inspector Garcia bago niya ako kamayan at umalis.

Pinihit ko ang mga paa ko at napatingin sa relos ko. Isang oras na akong huli sa klase. Bwisit! Lumapit sakin si Kyra at sumabay sa paglalakad.

"Sugar, sorry kung dinala kita dito. Tinanong kasi sakin ni Inspector kung sino yung mga nakaalitan ni Clyde last time." napayuko siya.

"Tapos na." nauna na akong naglakad at iniwan siya.

Bitbit ko parin sa isipan ko ang itsura ni Clyde. Hindi ko maiwasang kabahan na ang kausap ko palang kahapon ay matatagpuang patay ngayon at dito pa sa loob ng Academy. Siguradong malaking problema 'to sa Principal at sa student council.

Problema naman nila yan. Pakialam ko ba?

Napatawa ako ng mahina. Iniisip ko pa lang ang mukha ni Principal Thomas na galit na galit ay natatawa na ako.

Pumasok ako ng klase at usap-usapan ang nangyari. Sinasabi rin nila na ako ang gumawa at halata yun sa paraan ng pag uusap nila dahil nakatingin sila sakin at tinuturo pa ako.

Nagdiscuss lang ang si Professor Carstein at pinagwalang bahala ang nangyari sa isa naming kaklase.

Matapos ang lahat ng klase namin ay gaya ng nakagawian ko ay dumaan ako ng garden. Naglakad-lakad ako saglit. Napahinto ako ng maramdamang may matatalas na mata na nakatingin sakin. Tinapon ko ang aking tingin sa isang babaeng tulala at ngayon nakatingin na sa’kin ng matalim. Sandali ko lang siyang tiningnan bago nilisan ang garden.

Dablyn is crazy. Sa'kin pa niya sinisi ang pagkamatay ni Clyde. Kung pwede nga lang ako na talaga papatay kay Clyde tapos siya naman ang isusunod ko. But I'm not a killer.

Paglabas ko ng gate ay napatingin ako sa lalaking nakasandal sa kotse niyang itim suot-suot ang kanyang lab coat. Panay din ang pagpapacute ng mga babaeng nadaan at kumakaway sakanya. Nakangisi lang ang lalaki. Lumingon pa ako sa likuran ko kung may tao ba at ng makumpirma kong wala ay alam ko ng nasaakin ang tingin niya.

Problema ng lalaking 'to? Dukutin ko kaya yang mga mata niya.

Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad pero hindi pa ako nakakalayo ng marinig ang mga sinabi niya.

"The famous Sugar Lovei is the hot topic here in Brainiac Academy." napalingon ako sakanya. "Ikaw ba yung namatay? Mas pinag-uusapan ka kasi kaysa kay Clyde." and that hit me.

"Whatever." iniwan ko na siya. He's such a jerk!





Pasado alas otso na ng gabi at suot ang hoodie kong itim ay lumabas ako ng kwarto. Naabutan kong nakaupo sa sahig si Code at nagd-drawing. Sinilip ko ito at ‘di ko maintindihan ang ginagawa niya. Puro sketch lang at wala akong makitang imahe.

"Hoy Code!" napaangat ang tingin niya sakin at ilang segundong tulala.

Nagandahan siguro siya sa'kin.

Pero bigla siyang pumikit at hinawakan ang ulo.

"Nakita na ba kita dati?" tanong niya nang hindi minumulat ang mga mata.

"Ewan. Ngayon ko lang nakita yang bwisit mong pagmumukha." agad siyang napatingin sakin.

“Someone wearing a black hoodie…” bulong niya.

"Bakit?" sinamaan niya ako ng tingin. "Magbihis ka may pupuntahan tayo."

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now