Chapter 46

28 5 0
                                    

46: Partnership

Nakatitig lang ako sa pagkain ko habang pinglalaruan ito ng tinidor. Nasa cafeteria kami ngayon ni Kyra. Kahit sobrang dami ng tao sa loob ng cafeteria tila wala akong naririnig na kahit anong ingay. Patuloy na nililipad sa kung saan ang isipan ko.

“Sugar?”

Nabaling ang tingin ng patay kong mga mata kay Kyra na nakabusangot.

“Huh?”

“Is there any something wrong? You’ve been spacing out and ignoring me.” Maktol niya.

“I’m sorry.” ‘yon lang ang lumabas sa bibig ko.

“Is there something going on with you and Code?” nabigla ako sa tanong niya.

“Nothing.” I sighed.

“How is he?” nanatili akong tahimik. Not now, please.

“Can he remember now?” panungulit niya pa.

“Why don’t you just go and ask him? Hindi sa lahat ng oras alam ko kung anong ginagawa niya. Wala akong pakialam sakanya. At kung gano’n ka talaga kainterisado ask him yourself, not me who has nothing to deal with him.” I blurted out.

Tumayo ako at naglakad palabas ng cafeteria. Nilandas ko ang isang tahimik na hallway. Gusto kong mapag-isa pero nabigo ako nang isang kamay ang pumigil sa braso ko.

“Sugar, did Code rejected you?” Kyra asked. I was stunned by her question and I don’t know how to respond.

Namalikmata lang ba ako? I’m not sure but there’s something in her eyes. Is she happy about something? Feeling victorious?

I erased those thoughts when she hugged me.

“Sugar, I know you’re deeply hurt.” Humiwalay siya sa yakap. “You have to do something to ease that pain.”

“What?”

“Continue your antidote of love.” I was taken a back.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Masyado akong distracted kaya hindi ko naipagpatuloy ang paggawa ng antidote. I cannot miss what I have promised.

Tiningnan ko si Kyra. Naghihintay siya ng mga sasabihin ko.

Kung natapos ko lang kaagad ang antidote na plano ko ay hindi ko sana mararamdaman ang lahat ng ito.

Mas lalo pa akong nakumbinsi ng sabihin ni Kyra ang mga salitang ayokong marinig.

“Ah, I saw your Dad yesterday. He’s holding a bouquet of flowers with little boy walking beside him. He looks happy.”

Nayukom ko ang mga kamao ko at ramdam ko ang pagtusok ng sariling kuko sa palad ko.

“I’ll finish it.”

I can’t live miserable. I can’t live in pain, anger and despise. Nabuhayan ang ekspresyon ni Kyra at hinawakan ang kamay ko

“Then, I want to help you. Will accept me this time to join your project?”  



Suot ang lab gown at googles ay sinimulan kong muli ang antidote of love. Hawak ang tray ng mga samples na nakalagay sa maliliit na tubes ay humarap ako at pinatong ito sa mesa. Napatingin ako sa taong nasa harapan ko na ngiting ngiti.

“Kyra, you forgot to wear your gloves.”

“Oh.” Napatingin siya sa dalawang palad niya at bahagyang natawa. “ I must be so happy that I even forgot to wear my gloves.”

I smiled at her. My lips seemed to be smiling but my eyes do not cooperate.

“Let’s start.”

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now