Chapter 17

73 9 5
                                    

17: Code’s nightmare

          Pagkagising ni Code sa clinic at kahit masakit pa ang ulo niya ay agad-agad siyang nag-aya para umuwi. Humingi na lang ako ng gamot sa nurse at lumabas ng Brainiac Academy. Habang nag aantay kami ni Code ng taxi ay hindi maiwasan mapatigin sakanya. Pinagpapawisan parin siya at napakatahimik.

“You know what Code you can tell me kung masama parin ang pakiramdam mo. Ba’t ba atat na atat kang umuwi sa bahay?” hindi ko pinahahalata sa tono ng pananalita ko ang pag-aalala pero parang walang narinig si Code at agad na pumara ng taxi. Pagkapasok niya ay agad na rin akong sumunod.

Walang kumikibo ni isa saamin. Hindi narin ako nagsalita dahil baka hindi naman siya makinig. Mas mabuti na lang ang manahimik pero nakakapanibago lang na ganito ang itsura ngayon ni Code.

Pagkababa namin ay nag madaling tumakbo si Code papasok ng bahay. Wala sakanya ang susi kaya bumalik siya saakin.

“Susi.” Nakalahad ang palad niya sa tapat ko.

Agad kong hinalughog sa bag ko ang susi at binigay sakanya. Binuksan niya ang pinto at kinuha ang isang sketch pad sa ilalim ng mesa.

“Nagmadaling umuwi para mag drawing.” Napairap ako at pumasok na lang ng kwarto.

Tinapon ko ang sarili sa higaan at tumingala sa kisame. May mga oras talaga na pagtahimik si Code ay ang lagi niya lang hawak ay ang sketchpad na yun at yung charcoal pencil na binigay ko sakanya. He’s fond of drawing as far as I observed pero nakapanibago lang talaga siya ngayon.


Sumapit na ang hapunan at balak ko sanang tawagin si Code para kumain pero nakatutok itong mabuti sa ginagawa niya. Bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko at nagpasiyang buksan ang laptop ko.

After 2 hours of searching in the internet I decided to close my laptop. There’s nothing new about missing persons. Ang sakit na ng mata ko kababasa ng mga samu’t saring pangalan.

Anong oras na ba? Napatingin ako sa wall clock ko at 10 pm na pala.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig. Pagkatapos kong kumuha ay tumungo ako sa sala at nadatnan kong nakatulog si Code sa nakabukas niyang sketchpad sa mesa. Pinatong ko ang tubig na kinuha ko at may kinuha sa bulsa ko. Nilabas ko ang gamot na hiningi ko sa nurse kanina para kay Code.

Tinapik ko ang pisngi ni Code para gisingin sya.

“Code, sinabihan ako ng nurse na ipainom ko daw ‘to sayo.” Mukhang malalim ang tulog niya. Hinayaan ko na lang ang gamot sa mesa. Bumalik ako ng kwarto para kumuha ng sticky note at idinikit sa baso ng tubig.

“Drink this medicine. -S” that’s what I wrote.

Papaalis na sana ako ng mapunta ang tingin ko sa sketchpad. Something caught my eye. Dahan- dahan kong tinaas ang ulo ni Code at kinuha ang sketchpad.

“Sulat?” napatingin ako sa natutulog na si Code. This is not what I expected na gagawin ni Code sa sketchpad niya.

Dulot ng kuryosidad ay sinimulan kong basahin ang sinulat ni Code.



I’m wearing a school uniform. Someone is running towards me. A girl wearing a white outfit. Then a black car stopped in front of me and someone held my hand but I smiled.
I was thrown to another place and it turns out to be scary. It’s already dark and the wind is so cold.  A car stopped in front of me and grab me and push me inside. I started to scream out of anger and tried my best to stop the car but I didn’t expect what happened next. I heard a loud crash. The car bumped in the tree. And then suddenly everything gets blurry.

Nagulat ako sa nabasa ko at hindi makapaniwala. Ito ba yung mga naaalala niya? Kaya ba siya nawalan ng alaala dahil sa aksidente. Napatingin ulit ako kay Code na mahimbing na natutulog. May mga bagay na nangyari sakanya na pillit niyang inaalala. Mabuti man o masama. Bigla akong nakaramdam ng awa para kay Code.

Isasara ko na sana ang sketchpad ng mapasin kong may nakatuping pahina sa gitna. Maingat ko itong binuksan at mas lalong kumunot ang noo ko. Isang sketch.

Someone wearing a black hoodie. Who is this?

Nabigla ako ng madapo ang mga mata ko sa gilid ng drawing.

You kept on appearing in my nightmare. Who are you?

Parang biglang nagsitayuan ang mga balihibo ko at nakaramdam ng panlalamig sa sistema. Posible bang itong nakaitim na ‘to ang responsible sa nangyari kay Code?

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang isang pangyayari. No’ng araw na pabalik ako ng Brainiac Academy ay may nakabangga ako someone wearing a black hoodie. At mas lalong nagpalamig saakin ay nang maalala ko ang papel na lukot na nabitawan niya. At do’n ko nakita ang mukha ni Code. Mukhang napagtagpi tagpi ko na ang nagyayari.

Ibig sabihin nasa paligid lang ang taong may gawa nito kay Code.

Habang hawak ko ang sketchpad ay biglang gumalaw si Code at ngayon ko lang napansin ang tagaktak niyang pawis. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan.

“Code, ayos ka lang ba?” tanong ko at inangat ang ulo ni Code mula sa mesa. Panay lang ang pagngiwi ni Code ng mukha niya at pangungunot noo. Ramdam ko rin ang panginginig niya.

“’Wag…’Wag please…” nagsasalita na siya habang tulog.

Tinapik-tapik ko ang pisngi niya para gisingin siya…

“Code, wake up! Binabangungot ka lang. Wake up.” Panay pa rin ang pag tapik ko ng pisngi niya habang nakakapit ako sa kabilang braso niya.

“Wag...Wag----!”

“Code!” sinabayan ko ang sigaw niya ng sigaw ko.

Minulat niya ang mga mata niya at mamamalas dito ang takot. Nanginginig siya at puno ng pawis ang katawan.

“Thank god you’re awake.” Sambit ko at bumuntong hininga at binitawan na siya.

Nagtataka ako dahil nakatingin lang siya sa’kin ng seryoso at hindi kumukurap.

“B-bakit?” tanong ko at nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang yumakap saakin na parang bata. Nakahiling ang ulo niya sa dibdib ko at ang higpit ng yakap niya. Susubukan ko sanang kumawala ng magsalita siya.

“Natatakot ako.” Ramdam ko parin ang panginginig niya. Umayos ako ng upo at sumandal sa sofa.

“Shhh. Everything will be alright.” Pagpapakalma ko sakanya.

Hindi ko alam pero namalayan ko na lang ang sarili ko na tinatapik ang likuran niya. Lumuluwag na rin ang yakap niya sa’kin. Parang mga butil din ang pawis niya sa noo. Inangat ko ang kanang kamay ko at pinunasan ang pawis niya sa noo gamit ang long sleeves ko.

“It is supposed to be a good news that you can now remember events but it turns out to be the scariest nightmare.” Napabuntong hininga ako.







“Ugh…” ba’t parang may mabigat na nakapatong sa’kin.

“A-ang bigat…” dahan-dahan kong minulat ang mata ko at. “Waaaah! Waaah!”

Agad akong tumayo at tinulak ang nakadagan na si Code saakin. Pagtulak ko sakanya ay nakauntog pa ang ulo niya sa mesa.

“Aray…”

Agad kong tiningnan ang sarili ko. Kompleto pa naman ang damit ko wala naming nawawala saakin. Teka, ba’t ba dito ako natulog at magkayakap pa kaming dalawa? Inalala ko ang nangyari kagabi. Lumabas ako ng kwarto. May binasa ako. Binangungut si Code. Niyakap niya ako. Tinapiktapik ko ang likod niya. Tapos…tapos….

“Ah!” kinurot ko ang sarili ko dahil baka binabangungut lang ako pero hindi e masakit. Ibig sabihin nakatulog ako kagabi dito at katabi pa ‘tong specie na ‘to.

Oh my god what to do? Should I be angry? Hindi, kasi ako yung nakatulog.

Should I be happy? No! baka isipin niya natutuwa ako sa ginawa niya?

Should I pretend that nothing happened? Yes! That’s the right thing to do.

I cleared my throat.

“L-let’s prepare na for school.” Tumalikod na ako at iniwan siyang nakaupo sa sofa at nakatingala.

Agad akong pumasok sa kwarto sa at lumundag sa kama. Ba’t ba kasi dun ako natulog?

Napaharlem shake at gimme gimme ako sa higaan ko ng dahil sa inis at  kabaliwan. Lumabas ako ng kwarto para maligo sa CR. Bago pumasok sa CR ay sinilip ko pa si Code sa sala. Asan na yung specie na ‘yon? Pinihit ko ang seradura ng pinto at binuksan. Dali-dali kong tinulak ang pinto. Nabitawan ko ang hawak kong tuwalya at nanlaki ang mga mata ko at tila hindi makahinga. Napalunok ako at tumingin mula sa itaas hanggang sa ibaba.

“I’m like TT, just like TT ireon nae mam moreogo neomuhae neomuhae I’m like TT, just like TT Tell me that you’ll be my baby~” kumakanta at sumasayaw pa siya.

Dahan-dahan siyang humarap.

“Waaaaaaaaaah! Aaaaahhhhh!” nagsisisigaw ako habang nakadilat ang mga mata.

“Waaah! A-anong ginagawa mo dito?” kapwa nanlaki ang mga mata namin at napasigaw.

“H-hoy!” bigla siyang napatakip sa ano niya.

“Waaaaah!” sumigaw ulit ako ng napakalakas at nagtakip ng mga mata. Agad akong tinulak ni Code palabas at nagsara ng pinto.

Nasa loob ng CR si Code! Naliligo! I saw his gentalia! The tail popping up in Cicero’s ad Familiares. Oh my specie! My innocent precious eyes! Agad akong tumakbo sa kwarto ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto mula sa CR. Napapikit ako. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang lumabas. Hiyang hiya na ako sa lagay ko at ang init init na ng mukha ko. Para akong lalagnatin.

“Ehem! T-tapos na ako ehem!” kumatok si Code sa pinto ng kwarto ko at umarteng umuubo.

Ayokong lumabas! Napapadyak ako sa sahig at inis na sinabunutan ang sarili.

Ilang minuto pa ang lumipas at kahit alam kong male-late ako ay hindi ako lumalabas ng kwarto.

“Oy Sugar, una na ako.” Dinikit ko ang tenga ko sa pinto para making at makiramdam.

Narinig ko ang pagsara niya ng pinto at ang pagtunog ng kadena ng bike. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko mag hapon na akong mabubulok dito sa kwarto.




Pagkatapos kong maligo at magbihis ay napagpasyahan kong umalis na ng bahay pero hindi na ako pumasok sa unang klase ko dahil late na naman lang din ako.

Naglalakad ako sa hallway ng Brainiac Academy ng mapadaan ako sa isa sa mga laboratory.  Lalagpasan ko na sana ang laboratory ng may biglang humila sa’kin papasok at sinara ang pinto.

“Hi, Sugar.”

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now