Chapter 4

255 28 9
                                    

04: Specie

Nagulat ako ng makitang nakahandusay sa sahig ang nilalang na 'to na 'di ko alam kung saan nangaling. Dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sakanya at pinakiramdaman ang pulso nito sa leeg.

Pabalik-balik akong naglakad at nag-iisip kung paano itatago ang nilalang na 'to. Humupa na rin ang usok at mangitim-ngitim at gulo-gulong laboratoryo ang natira.

Napahawak ako sa sentido ko.

Problema na naman ba 'to? Ayoko na!

Dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako kung anong gagawin sa laboratoryo at sa nilalang na basta-basta na lang lumitaw. Pinaguuntog ko ang ulo ko sa salamin ng bintana. At mas lalo ko pang nilakasan dahil wala talagang pumapasok sa isip kong sulusyon.

Tumigil ako sa paguntog ng ulo ko at sinuri ng mga mata ko ang laboratoryo at ng makita ko ang katayuan nito bumalik ako sa pag untog sa ulo ko. Isang malakas na untog pa ulit ang ginawa ko.

“Aw!”

Napahawak ako sa noo ko dahil mukhang nagkabukol ako.

"Kainis!" napapadyak-padyak ako sa inis.

Gabi na at bago pa magsimula ang round ng gwardya ay kailangan ko ng makaalis dito bago niya madiskubri ang sumabog na laboratory.

Laking pasasalamat ko ng walang nag abalang i-check ang laboratory kung nakaramdam man sila ng pagyanig.

Dali-dali kong dinampot ang cellphone ko at nag dial.

Pag gusto may paraan. Nagawa kong ibaba ang lalaki at isakay ng taxi ng walang nakakapansin saakin.

Medyo nahirapan ako dahil masyadong mabigat at lalaki at nahirapan akong hilahin siya. Nilagay ko lang naman siya sa loob ng isang maleta. Nagpadala ako kanina ng isang malaking maleta na siguradong magkakasya siya. Medyo nawirdohan din sakin ang ibang nakasalubong ko.

Alam kong dahil yung sa madungis kong itsura at parang basahan kong uniporme. Hindi ko sila pinansin at taas noong naglakad hila-hila ang napakalaking maleta palabas ng B.A.

Napatingin saakin ang taxi driver at balak sana akong tulungan na ilagay sa likod ang maleta pero pinahinto ko siya.

Binuksan ko ang maleta at nagulantang siya sa nakita. Akala siguro pinatay ko 'to.

"A-ano yan Ineng?" gulat niyang turo sa lalaking nakahiga sa loob ng maleta. Pinakiramdaman ko ulit ang pulso niya.

"Buhay pa siya Manong don't worry," kinindatan ko pa siya. "Patulong na lang po na ipasok 'to sa loob." medyo naistatwa pa siya pero agad din namang nakabawi.

Nang mapasok na namin sa loob ang lalaki ay matiwasay kaming nagbyahe pauwi.

"Ineng, sigurado ka bang kaibigan mo yan?" kanina pa ako ni Manong inuusisa.

"Oo nga po Manong." napairap ako sa kulit ng taxi driver.

"E, bakit nga siya nakasilid sa maleta."

Napahinga ako nang malalim at kinalma ang sarili dahil baka makalmot ko si manong sa mukha sa sobrang inis.

"Alam niyo po bang yung huling tao na tanong ng tanong saakin ay sinilid ko din sa maleta? At ang mas masaya pa tinapon ko sa ilog nang walang nakakaalam." halatang natakot si Manong sa pananalita at itsura ko.

Buti naman at umubra ang teknik ko. Ha!

Napatingin ako sa lalaking katabi ko na walang malay.

Hahawiin ko sana ang buhok nito ng biglang hininto ni Manong ang sasakyan at napayakap saakin ang lalaking walang malay.

Nanlaki ang mga mata ko at sandaling natigilan. Nang bumalik na ako sa katinuan ay agad kong tinulak ang lalaking walang malay saka lumabas ng taxi na nakahinto na sa harapan ng apartment ko. Inis kong pinagpag ang uniporme ko.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now