Chapter 19

71 9 2
                                    

19: A weekend to investigate

“Sugar?”

“Oy, Sugar sorry na.”

Sabado ngayon at maganda ang panahon. Wala rin akong pasok kaya nanatili muna ako dito sa bahay. Nasa loob ako ng kwarto ko habang nasa labas si Code at kanina pa nagsasalita. Hindi ko siya pinapansin dahil bukod sa abala akong mag-isip ng paraan kung pa’no matatapos ang antidote ko ay kanina pa ako naghahanap mg impormasyon tungkol sakanya.

Kanina ko pa pinapaikot-ikot ang swivel chair ko at kagat-kagat ang ballpen ko habang nag iisip nang malalim. Pinahinto ko ang pag ikot ng upuan at pinagmasdan ang paglabas ng isang coupon bond sa printer. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

Lista ito ng mga police station na pupuntahan ko mamaya. Dinamihan ko na dahil sabi nga nila “the more entries you sent, the more chances of winning.

Agad akong nagbihis ng kulay itim na t-shirt at jeans. Nilugay ko lang rin ang buhok ko ang buhok ko at binitbit ang lista.

“Saan ka pupunta? Sama ako.” Salubong saakin ni Code pagkalabas ko ng kwarto.

Nakasuot siya ng pajamas at nakasuot ng puting shirt. Gulo-gulo rin ang buhok niya.

“No. Dito kalang. Bantayan mo ‘tong bahay. I need to go somewhere.” Matigas kong sabi sakanya.

“Pero—” agad ko siyang pinatigil ng kamay ko.

“No buts.”

Walang nagawa si Code kung hindi ang maupo na parang isang maamong tuta at sumimangot.

“Good.” Pinitik ko pa ang buhok ko.

Binuksan ko na ang pinto at tangkang lalabas na. Hindi pa ako nakakahakbang ng marinig ko si Code.

“Please be careful. I’ll wait for you.”

Tinaas ko na lang ng bahagya ang kamay ko at tuluyan ng lumabas.

Pagkasara ko ng pinto ay napahawak ako sa dibdib ko at napasandal sa pader.

“What’s wrong with my heart? Ba’t ba lagi na lang akong nagugulat at naapektuhan sa mga ginagawa at sinasabi ng specie na ‘yon?” pabulong na tanong ko sa sarili.

Inayos ko na lang ang tayo ko at napailing-iling. Bumuga ako ng hangin.

Mas mabuti pang hanapin ko na ang pagkatao niya kasi habang tumatagal mas nahihirapan ako. Natatakot ako na baka pagdating ng panahon na aalis na siya matulad ulit ako gaya no’ng dati. Ang maiwan mag-isa. Kaya sa mas lalong madaling panahon ay umalis na siya.

Una kong pinuntahan ang police station na malapit sa Brainiac academy. Pumasok ako dito at nakasalubong ko ang mga police.

“Excuse me Sir, can I ask something?” tanong ko sa police officer na nadaanan ko.

“Bakit hija? May kailanagan ka ba?” tanong saakin ng matabang pulis.

“If it is not too confidential to ask may I know who are the missing persons this year?”

“Oo naman hija. Bakit may nawawala ka bang kamag-anak?” usisa ng pulis habang pinapasunod ako sa isa sa mga opisina.

“Hm.” Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot sakanya.

Inabot niya sa’kin ang isang napakakapal na file. Napalunok ako nang wala sa oras.

“Ikaw na bahala hija. Medyo madami dami yan.”

“Opo. Thank you.”

Iniwan na muna ako ng pulis at inumpisahan ko ng maghanap at magbasa. Napakaraming bata pala ang nawawala at ang iba naman ay mga matatandang nawawala na sa katinuan.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now