Chapter 54

30 4 0
                                    

54: The past

Pagpasok namin ng bahay ni Kyra ay wala na ang mga bakas ng dugo. Sariwang sariwa parin sa’kin ang nangyari sakanilang dalawa ni Lerden. Hinatid ko si Kyra sa kwarto niya at sinabing maghintay na lang si Code sa baba.

Pagkapasok namin ay naupo kaming dalawa sa gilid ng higaan niya.

“Thank you so much, Sugar for taking care of me. Alam kong hirap na hirap ka na.” hinawakan niya ang kamay ko.

“Now, promise me something. Mag iingat ka lagi. I can’t afford to lose a friend like you. Lerden, Code and you are the most precious thing that I got in Brainiac Academy. No one is allowed to die, okay?”

Ngumiti siya at tumango. Isang mahigpit na yakap ang binigay ko sakanya.

I hope maging maayos na ang lahat. I want to live with them without any problem like this.

I want to be happy. Please, let me be.

Bago kami umuwi ay pinuntahan ko sa study room si Principal Thomas at mukhang malalim ang iniisip nito at hindi napansin ang pagdating ko.

“Uhm, Principal Thomas,” tawag ko sa atensyon niya.

Saka niya lang napansin na nasa harapan niya na ako.

“You’re here…”

Sa lagay ni Principal Thomas ngayon ay mukhang madami siyang iniisip at puno ng pangamba.

“We’re heading home now, Sir. Please look at Kyra.” Paalam ko at tumango siya nang marahan.

Tatalikod na sana ako ng may mapansin. Napatitig ako sa mesa ni Principal Thomas.

“What’s wrong?”

Hindi ko siya pinansin at dahan dahang nilapit ang kamay ko sa bagay na nasa mesa niya.

“I’ve seen this key before.” Sambit ko habang hawak ang susi na may initial na T.L.

Ito yung naiwan ni Kyra sa bahay na sinabi niyang sobrang importante. Naalala ko pa kung ga’no siya magmadali ng makuha niya ang susi sa’kin.

Kinuha itong muli sa’kin ni Principal Thomas.

“This is mine. This is the only key to the cabinet where botulinum toxin is placed.”

Napasinghap ako at napaatras.

“P-pakiulit nga po.” Pakiusap ko at kinakabahan.

“Still remember when I told you in the chemical laboratory that the cabinet of toxins have only one key and it has my initials. There’s no duplicate.” Nagtataka si Principal Thomas sa ikinikilos ko.

“You are the only who can open that cabinet because of that key.”

Thinking na isa ang school namin sa mga rarest form of organizations na mayroong mga poison dahil delikado ito at pinagbabawal kaya kailangan itong i-secure nang mabuti for the safety of the students. Maaari lang itong gamitin for special experiments. But it has been used in a wrong way.

“That key…”

I came into a realization. Napako ang tingin ko sa batang litrato ni Kyra.

Speculations are overwhelming me. I hope mali ang hinala ko. Sana mali ako.

“May problem aba? Bakit namumutla ka?” tanong ni Code at agad akong nilapitan ng makalabas.

Tiningnan ko siya.

“Code, I have to confirm something. Let’s go into Dad’s place.”

Nang makarating kami ay dali-dali kaming umakyat ni Code para makapunta sa ama ko.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now