Chapter 37

82 8 0
                                    

37: Something’s fishy

Dalawang araw na simula nang nangyari kay Dablyn. Patuloy parin akong binabagabag kung anong nangyari sakanya at kung anong gusto niyang sabihin sa’kin.

Binisita ko siya sa unang araw niya sa hospital kasama sina Lerden, Code, at Kyra pero hindi pa ito nagigising. Bumalik naman ako kanina kasama si Kyra at nadatnan kong wala parin siyang malay. Susubukan ko ulit bumalik ngayon baka sakaling magising na siya. Babalik ako nang ako lang mag isa.

“Squidward, saan ka pupunta?”

Napahinto ako sa pagbukas ng pinto palabas ng bahay ng magtanong si Code na nakaupo sa sofa at nagda-drawing.

“Uhm…Uhm…Bibili ng grocery!”

Mukhang nakumbinsi naman siya kaya bumalik siya sa pagda-drawing. Lumabas ako ng bahay at agad na nagtungo sa hospital.

Habang naglalakad ako papunta sa room ni Dablyn dala-dala ang isang basket ng prutas ay nagulat ako sa mga nurse na nagtakbuhan papunta sa room ni Dablyn at nabangga pa nila ako.

“Aw!” daing ko at napahawak sa balikat ko.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narealize. Agad din akong sumunod na tumakbo at pumasok sa silid.

Napakapit ako sa pader ng makitang nakabukas na ang mga mata ni Dablyn. Chineck siya ng doctor at lumabas matapos kausapin ang magulang ni Dablyn.

Naupo muna ako sa sofa at hinintay matapos kausapin ni Mrs. Mendoza ang anak niyang si Dablyn.

“I’m so glad that she’s awake now but sad to say she’s not yet talking. Anyways, thank you Hija sa pagbisita ulit dito. O siya iwan na muna kita. Ikaw na munang bahala kay Dablyn.” Tinapik ni Mrs. Mendoza ang balikat ko at lumabas.

Nang makalabas na si Mrs. Mendoza ay agad kong nilapitan si Dablyn.

Maputla parin ang balat niya at maitim parin ang ilalim ng mga mata niya. Tinitigan ko siya at nakatingin lang siya sa kawalan.

“Dablyn?” tawag ko sakanya pero hindi niya ako pinansin.

“Masaya akong makita kang nagpapagaling. Dumalaw nga rin pala sina Lerden, Code at Kyra---” napahinto ako at napakunot ang noo ng mapansin ang pagyukom ng kamao niya at ang paglukot sa bedsheet.

“I just want to ask the thing you said…something that you would tell me?” hindi niya ako tiningnan.

Napahinga na lang ako nang malalim at hinawakan ang kamay ni Dablyn.

“I will not force you to tell me what it is but I’m willing to wait until you’re ready. I know we don’t like each other but I know you, you will not do something like that…you will not kill yourself. I believe in you.”

Lahat ay pinaniniwalaang nagsuicide siya dahil sa mga nangyayari sakanya at dahil sa pagkawala ni Clyde at pati maging mga magulang niya ay naniniwalang nag suicide siya. Pero hindi ako, hindi ako naniniwalang nagsuicide siya dahil ando’n ako. Hindi man nakita ng mga mata ko pero ramdam ko.

Biglang tumulo ang luha ni Dablyn na maya-maya’y naging isang hikbi.

I don’t know what to say to Dablyn but I just held her hand tightly telling her that it’s okay.

Dahan dahan niyang nilingon ang ulo niya at tiningnan ako. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot at pangamba.

“Tell me what’s bothering you?” hindi ko na napigilan pang itanong.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Sinubukan niyang ibuka ang bibig niya. Sinusubukan niyang magsalita.

“D-d-don’t t-trust h-h---” natigil siya sa pagsasalita nang bumukas ang pinto at pumasok si Kyra.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now