Chapter 31

50 8 1
                                    

31: Reconcile

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala. Nakaawang ang bibig niya at titig na titig saakin.

“Don’t pity me, I hate it.” 

Bumalik na lang ako sa mga bata at kinausap sila.

Biglang lumapit sa’min si Code at tinipon kami. Hinila niya ako para tumabi sakanya at hawak niya ang cellphone niya.

“Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ‘to na nakikita kitang nakangiti.” Sambit niya na nagpatigil sakin.

Napatitig ako sakanya.

“Saka ko na aalalahanin ‘yong sinabi mo. Wala rin akong pagsasabihan.” Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya.

“Sandali.” Umalis ako at tumakbo. Hinanap ko si Kyra at nakita kong pinapakain niya na ang mga batang nakausap niya. Nasa may isang kubo sila at duon nakaupo.

“Mga bata hiramin ko muna saglit si Ate Kyra, okay?” tumango ang mga bata.

“Where are we going?” tanong niya.

Hinila ko si Kyra at pinatabi sa’min.

“Hindi pwedeng kulang tayo.” Nakangiti kong tiningnan si Kyra at kumapit ito sa braso ko.

“Hoy. Kunan mo nga kami ng picture. ‘Yan ingatan mo ‘yan.” Biglang inabot ni Code ang cellphone niya sa napadaan lang na si Dablyn. Wala na siyang nagawa dahil hawak niya na ang cellphone.

“Tsk. Okay, 1, 2, 3!”

Pabatong binigay ni Dablyn ang cellphone kay Code.

“Sige.” Napairap si Dablyn sa ugali ni Code.

“Kids, may tanong ako bakit hindi kayo nagpalista doon para mas maturuan namin kayo nang maayos?” napakunot ang noo ko sa tanong ni Lerden sa mga bata. “Pero maswerte kayo dahil linapitan kayo ni Ate Sugar para turuan kayo dito.” Napatingin sa’kin si Lerden.

Kaya pala naglalaro lang ang mga batang ito no’ng nagtipon ang mga bata sa lugar na’to para turuan ng mga estudyante ng B.A.

“Hindi ko alam.” Bulong ko. Gumuhit sa labi ni Lerden ang ngiti dahil sa naging tugon ko.

“Ate Sugar, bagay po kayo ni Kuya Lerden. Yieee!” pinagdikit ng mga bata ang mga kamay namin ni Lerden. Nakngiti lang si Lerden sa mga bata at ako naman ay naiilang at napapangiti.

Si Kyra naman ay panay ang cheer saamin kasama ang mga bata.

“Hooooooooy!”

Hindi maipaliwanang ang mukha ni Code at isa isang sinermonan ang mga bata.

Nagpaalam ako sakanila na maglilibot lang ako. Namamangha parin ako sa ganda ng kapaligiran sa bayang ito.

Sa paglilibot ko ay nakakita ako ng isang batis. Agad akong tumakbo papalapit dito at bumaba para iharang ang kamay ko sa dumadaloy na tubig. Napakalamig at napakalinaw ng tubig. Nakikita ang mga bato sa ilalim sa sobrang linaw ng tubig. Sa taas nito ay puno ng mga baging at iba’t ibang halaman. Napakatahimik rin at mga huni ng ibon at paghampas ng puno ang naririnig ko.

Pinagmasdan kong mabuti ang tubig. Malaya itong dumadaloy, umaagos at rumaragasa ng walang takot at pangamba sakaling sa dulo ay matuyo sila. Wala silang takot na tumigil sa pag agos. Hindi tulad ko na natatakot sumabay sa takbo ng panahon dahil gaya ng tubig baka matuyo ako bigla at mabigo sa patuloy na pagdaloy. Lagi kong pinapanguhanan ang lahat ng bagay. Pero para din akong tubig na patuloy na rumaragasa matupad ko lang ang pangarap ko kahit na madaming nakaharang na bato.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now