Epilogue

16 4 1
                                    

Epilogue



Isang malakas na hampas ng alon ang nagpadilat sa mga mata ko. Pinagmasdan ko ang sinag ng papalubog na araw na tumatama sa dagat. Napakaganda ng kulay nito, napakagandang pagmasdan pero ang liwanag nito ay mayroon ding hangganan.

Pinagmasdan ko ang sketchpad na hawak ko. Ang sketchpad na naglalaman ng mga ala alang kahit kailan ay hindi ko makakalimutan. Mga guhit na nagpapahiwatig ng mga salitang  sinasabi ng puso ko.

Binuksan ko ito at bumungad saakin ang unang guhit. Ito ang unang pagkikita namin ni Sugar, sa laboratory kung saan may mga pagsabog na naganap. After waking up after a while, she’s the most beautiful and strange person that has caught my eyes.

Ibinuklit ko ang kasunod na pahina. Narito ang guhit ng mukha niyang gulo gulo ang buhok at may mga pasa. Napatawa ako nang bumalik saakin ang mga ala alang ito. Ito ang una naming pagkakasakitan. But still, despite of that messy hair she’s still beautiful. Dito ko rin unang napansin na parang ay kakaiba sakanya at yun ay ang mga mata niya. Puno ng misteryo at lungkot.

Sunod na pahina ay nakaguhit ang nakangiti niyang mukha noong nasa San Sergio kami habang nakikipaglaro siya sa mga bata. Napakaganda ng mga mata niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit nito kailangan ikubli ang saying nararamdaman niya at itago ang mga nararamdaman niya. Pinakamasaya ang puso ko kapag nakikita siyang nakangiti. Noong una hindi ko pa maipaliwanang kung ano talagang nararamdaman ko. Baka dahil masyado lang akong nababalot sa mga trahedyang nangyayari saamin kaya ganito ang nararamdaman ko pero habang tumatagal ay mas lalo ko itong naiintindihan.

Sumunod ay ang mukha niyang natutulog sa ilalim ng puno. Kahit guhit lamang ay napakaganda parin ng mukha niya. Napakaamo at parang walang bitbit na problema. Kung ganito na lang sana ay mas gugustuhin ko siyang makita na walang mabigat na dala sakaniyang dibdib.

Nakita ko rin ang guhit ng mukha niyang nag aaral, nage-experiment at mukhang nakatitig lamang sa kawalan.

Maraming alaala ang mananatili saakin. Hinding hindi ko ito kakalimutan. Napapikit ako habang dinadama ang hangin na yumayakap saaakin.

Bumalik sa alaala ko ang kasal naming dalawa. She’s walking in the aisle with a very beautiful white gown and her gorgeous smile. Nasa tabi ko si Lerden at siya ang pinili naming best man. Magaling na siya at nakalabas na ng hospital kasama ni Dablyn na siya namang naging Maid of honor ni Sugar. Nagkaroon sila ng pagkakaibigan kahit na sa sandaling panahon. Hindi ako makapaghintay na ikasal na kay Sugar. Hinihintay ko na iabot saakin ng kanyang ama ang mga kamay niya.

Hanggang sa ipinaubaya na siya saakin ni Dr. Silanty na pinipigilan ang sariling umiyak. Nagyakapan sila ni Sugar at napakasaya ko para sakanila. Nagkaroon ng pagkakataon na magkalinaw ang lahat at magkaroon ng pagpapatawad sa puso ni Sugar. Hinding hindi matutumbasan ng kahit ano ang sayang nararamdaman ko para sakanya.

Humarap na kaming dalawa sa altar at tinanggap ang basbas ng panginoon para pag isahin kami ng aming pag iibigan. At ang pinakamagandang ala ala ay ang makita ang mukha niyang puno ng galak at pagmamahal. Lubos ang pagmamahal ko sakanya at habang may oras pa ay wala akong sasayangin na pagkakataon para hindi ito maiparamdam sakanya.

Dumampi ang mga labi namin sa isa’t isa na puno ng pagmamahal. Hindi hindi ko ipagpapalit ang pagmamahal na ito. Wala akong kahit anong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari saamin, masaya man o masakit dahil parte na ito ng paglalakbay namin.

Narito kami ngayon sa dagat at nakahiga siya sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

Bago kami pumunta dito ay dumaan muna kami ng Brainiac Academy para kunin ang painting na matagal kong ipinipinta doon. Larawan ito ni Sugar na nakasuot ng labcoat at diretso ang mukha. Nagulat siya nang makita ang pinagkaabalahan ko noong nasa academy pa kami. Ibinigay ko ito sakanya pero ibinalik niya ito saakin para ako na ang magtago.

Nakikinig lamang ako sa bawat sinasabi niya at mga gusto niyang mangyari. At narito kami ngayon sa dalampasigan, nakaupo sa buhangin habang pinagmamasdan ang ganda ng paglubog ng araw.

“Code,” tawag niya saakin. Dinako ko ang tingin sakanya. Nakangiti itong pinagmasdan ako.

“Oh, bakit? Gwapong  gwapo kana naman sa asawa mo.” Pagbibiro ko. Nahampas niya ang dibdib ko dahil dito. Pero agad akong umiwas ng tingin ng mapansin ang mas dumami niyang mga pasa. Sa bawat araw na magkasama kami ay pilit kong itinatago ang sakit na nararamdaman ko habang nakikita ang pagkasira ng katawan niya. Ang bawat araw ng pag susuka niya ng dugo, pagkahilo, pangangatal, at pag durusa niya.

‘’Crazy specie,” natatawa niyang saad. Araw araw ay pinipilit niyang maging matatag at masaya kahit alam kong nahihirapan siya sa lahat ng nararamdaman niya. Pinipilit naming maging metatag para sa isa’t isa. “I am really happy to be your wife.”

Ngumiti ako sakanya at binigyan ito ng malambot na halik. “I am much happier to be your husband.”

Isa sa pinakamagandang nagawa ko sa buong buhay ko ang dalhin siya sa altar at pakasalan. Saksi ang panginoon sa pagsusumpaan naming dalawa.

“Do you still remember my wish?”

Tumango ako at nakinig nang mabuti. Ano mang hiling ang hingin niya saakin ay malugod ko itong susundin.

“My last wish…I want you to be happy.”

“I am happy right now---“

“I want you to be happy even if I’m gone.”




Dinilat ko ang mga mata ko at lumubog na ang araw. Naramdaman ko din ang basa kong pisngi at pinunasan ito.

It’s been a year since she left us but her memories are still fresh and as if just happened yesterday. Hinawakan ko ang suot kong singsing. Kahit sa sandaling panahon ay naging masaya kami bilang mag asawa.
Paulit ulit ko noon na tinatanong paano ako magiging masaya kung wala na siya sa tabi ko? Napakahirap maging masaya kung ikaw yung naiwan. Ganito pala kasakit ang naramdaman niya noong pakiramdam niya ay iniwan na siya ng lahat. Pero kahit masakit ay bitbit ko sa puso ko ang pagmamahalan naming patuloy na gumigising saakin.

“Code, we have to go now!”

Bumangon na ako bitbit ang sketchpad ko nang marinig ang sigaw ni Lerden. Nakiusap ako sakanila na pumunta muna dito sa dalampasigan bago bisitahin ang puntod ni Sugar.

“Code, we will visit her com’on.” Sunod na sambit ni Dablyn at papalapit sila saakin ni Lerden.

Lumapit ako sa tabi ng dagat at hawak ko ngayon ang bote na naglalaman ng antidote of love na ginawa ni Sugar.

Pinaanod ko ito sa tubig kasabay ang pagbitaw sa mga masasakit na nakaraan at masasakit na damdamin.

And the substance that she made is now drifted into the sea. She already realized that she’s also a person that can be hurt and be loved. I am happy for her. She’s a brave woman.

Tinapik ni Lerden ang balikat ko. “I’m sure she’s happy wherever she is now.”

Tumango ako sakanya. Isa din siya sa mga nadurog at nasaktan noong pumanaw si Sugar. Matagal bago namin matanggap ang pagkawala niya ngunit lagi kong inaalala ang kahilingan niya saakin.

“We’ll be happy now, Sugar. Thank you for the sweet memories.”

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now