Chapter 21

68 10 0
                                    

21: A worried friend

             Matapos kong maligo nang pahirapan dahil sa cast na nasa braso ko ay dumiretso ako sa kwarto at nahiga. Kailangan ko pang maghintay ng dalawang lingo para matanggal ‘to.

Napatingin ako sa mga sugat at pasa ko. Napabuga ako ng hangin at tumayo. Tumungo ako sa harap ng salamin at naupo. Kinuha ko na rin ang medicine kit ko at nagbukas ng band-aid. Papatapos na ako maglagay ng band-aid ng may kumatok.

“Sugar?” si Code.

Minadali kong tapusin ang paglagay ng band-aid at nagmadaling buksan ang pinto.

“Bakit anong kailangan mo---ano ‘yan?” taka kong tiningnan si Code. Nakasuot na siya ng pantulog at may dalang isang baso ng gatas.

Siya naman ang napatingin sa’kin at nagkunot noo saka umiling.

“B-bakit?” kinakabahan kong tanong dahil nakatingin siya sa’kin nang masama na para bang kakainin ako ng buhay.

“Tss.” Aba’t anong problema ng specie na ‘to.

Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ang balikat ko at pinatalikod at tinulak ako papasok ng kwarto ko at sinarado ang pinto.

“H-hoy! A-anong ginagawa mo?” atras ako ng atras at lapit siya ng lapit. Nilapag niya ang gatas sa side table ko at dahan-dahang lumapit sa’kin.

“H-ho-hoy! Anong binabalak mo?” napatakip ako sa dibdib ko. “P-pervert!”

“Waaah! Help!” bigla niya akong hinila at pinaupo sa harap ng salamin ko. Hindi ba dapat sa kama niya ako---gosh! Ang dumi ng isip mo Sugar.

“Stay still.” Kinuha niya ang medicine kit ko.

Hinila niya ang isang kamay ko pero hinila ko ito pabalik. Hindi siya nagpatalo at sinamaan ako ng tingin.

“Fine.” Napairap na lang ako. Inumpisahan niyang tanggalin ang mga band-aid na nilagay ko at pinalitan ng bago.

“Sa susunod kung ayaw mo ng tulong do it right.” Sambit niya at pinakita sakin ang lukot na pagkakalagay ko ng band-aid. Ang hirap naman talaga lalo na kung hindi mo magamit ang isa mong kamay.

Pagkatapos niya sa braso ko ay sa mukha naman ang sinunod niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang baba ko at tinangal ang mga band-aid sa noo at pisngi ko. Bigla akong napatingin sakanya at nagulat ako ng biglang magtama ang mga tingin namin. Parang hindi ako makahinga dahil ang lapit ng mukha niya sa’kin.

“What’s wrong with me again?” sigaw ko sa isip ko.

Parang nabingi ako dahil nakita ko ang pagbuka ng mga labi niya at parang may sinasabi siya sa’kin pero ang naririnig ko lang ay ang malakas na pagkabog ng puso ko.

Am I going to have a heart attack? Respiratory disease?  It feels like it’s going to burst.

“Hahalikan kita pag tinitigan mo pa ako nang ganyan.” Banta niya.

“H-huh? Ano ulit?”  tanong ko ng bumalik ako sa wisyo.

“Sabi ko mahal kita.” Natigilan ako at ‘di nakapagsalita. Nakatingin siya sa’kin tipong tatagos sa mga mata ko ang tingin niya.

Mahal niya ako? May nagmamahal sa’kin?

“Uy biro lang. Bingi ka kasi ang sabi ko ang pangit mo.”  Napasimangot na lang ko at nagpatuloy siya sa paglagay ng band-aid.

Biro lang pala. Pero bakit gano’n there’s a part of me that feels disappointed.

Biro lang pala yung mahal niya ako. Sana lahat ng bagay pwedeng biruin, sana pati sakit pwedeng biruin.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now