Chapter 13

156 24 7
                                    

13: Accusations


      Hawak-hawak ko ang libro ko sa chemistry at nagbabasa habang naghihintay kay Professor Carstein pero kahit anong gawin ko walang pumapasok sa isip ko dahil laman parin ng isipan ko ang nangyaring insidente. Idagdag pa ang mga bulong-bulungan ng mga classmates ko. Naibagsak ko ang libro ko sa mesa at sinubsob ang mukha dito. I really don’t know what to do. Wala pa rin sa’kin ang phone ko. Biglang pumasok sa isipan ko ang malamig hanggang sa naging matalim na tingin ni Lerden. I know he’s accusing me again of something that I haven’t done.

“Nakita mo  na ba yung blog?” rinig kong tanong ng isang babae na kaklase ko.

“Yah. And I saw a recent post. It states the Sugar is the killer.” Pabulong niyang sambit.

“Ah, that’s possible though. We all know that Sugar is a bitter person, so she has the capability to kill a person.”

“Hahaha! Indeed. Don’t you think that Sugar killed Clyde? Before Clyde died Sugar ruined the relationship of him and Dablyn. And that proves that she hates lovers.”

“So, you mean she killed Samson? Oh my! She’s definitely a killer---! Gosh!”


Halos matumba sila sa kinauupuan nila ng makitang nasa harapan na nila ang taong kanina pa nila pinaguusapan. Pinatong ko sa mesa ang dalawang palad ko at tiningnan ang tatlong kaklase ko na pinag uusapan ako. Isa-isa ko silang tiningnan nang diretso sa mga mata at halos hindi na sila makahinga.

“Girls, can you please repeat again what you said earlier?” napalunok sila at nagtinginan. “You.” Turo ko sa babaeng nasa kanan.

“A-a-hm…”

“Say it properly.” Seryoso kong sambit.

“S-she’s definitely a k-killer.” halos hindi na makahingang sambit niya.

“Do you have an evidence saying that I’m a killer?” lahat sila umiling. Kalmado lang ang pananalita ko pero may halong diin. “Then to inform you I haven’t killed anyone. And if you are going to chitchat about a certain person make sure that the person you are talking about is not around.” Sunod-sunod ang ginawa nilang pagtango. Inayos ko ang tayo ko at bumalik sa upuan.  Napatingin ako kay Kyra na na saakin ang tingin. Tiningnan ko siya at binigyan ng ‘what-look’. Magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at sabay kaming napalingon dito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Pumasok ang isang babae na nakasuot ng puting lab coat at tinanggal ang suot niyang shades. Kitang-kita sa pagngisi niya ang mapula niyang labi.

“Good morning, everyone. Dablyn Mendoza is back.” Nakangiti niyang bati, kumaway at naglakad papunta sa direksyon ko.

“Remember of what I have told you? I’m going to make you pay for killing my boyfriend. “ bulong niya sa tenga ko at napayukom lang ang mga kamao ko.

“Seems that Sugar is really much surprised seeing me. Are you that afraid of knowing that the girlfriend of the person you have killed is standing here in front of you?” nanatili akong nakatingin sakanya at mas humigpit ang hawak ko sa gilid ng uniporme ko. “Oh my Sugar. Balita ko may pinatay ka na naman daw?” lahat nakatingin saamin at halatang sinasadya niya na ipahiya ako sa harap ng mga kaklase namin.

“Stop it already, Dablyn.” Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko.

“Why? Are you guilty? Oh guys! This girl is the killer---!”

“I said stop it already!” napasigaw ang iba sa biglaan kong pagsugod kay Dablyn at paghablot sa kwelyo nito.

“Aah! Let go of me!” nahihirapan niyang sambit. Mas hinigpitan ko ang hila sa kwelyo niya at bigla kong nakita ang pagngisi niya. Anong iniisip ng babaeng ‘to?

“H-help! S-she’s going to kill me!” agad kaming iniawat ng mga kaklase namin at ako ang pwersahang tinulak nila. Kyra held my back. Tiningnan ko lang siya.

“I’m so scared.” Pekeng umiyak si Dablyn sa isa kong kaklaseng lalaki.

They are looking at me as if I did something that is big deal.  Ang sama ng mga tingin nila sa’kin. Napayuko ako at mas lalo kong diniinan ang pagkakayukom ng kamao ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tinatago kong inis. Kahit anong sabihin ko hindi nila paniniwalaan kaya there’s no point of explaining.

Sa gitna ng mga matatalim nilang tingin ay nakaramdam ako ng pahila sa kamay ko paalis sa silid na ‘yon. Paglabas namin ay napatingin ako sa lalaking humila ng kamay ko.


“Code…”

Tiningnan niya ako. “Hays. Dapat sinigawan mo sila at tinarayan. “ patuloy lang siya sa pag-check sa’kin. “Buti na lang at wala kang sinaktan sakanila.” Natatawa niyang sambit. Mas inalala niya pala yung mga classmates ko. What a lunatic!

Nanatili akong walang kibo at bumuntong hininga. Napatingin ako sa kamay kong hawak parin ni Code. Inis ko itong hinila at naglakad patungo sa garden. Nang makarating ako sa garden ay napansin kong hindi sumunod sa’kin si Code. Saan nanaman ba pumunta ang specie na ‘yon? Pumunta ako sa isang puno at naupo sa ilalim nito. Ilang ulit akong napabuntong hininga.

“Sugar.” Napaangat ang tingin ko sa taong tumawag saakin. Napairap ako ng makita kung sino ito. Tumayo ako pinagpag ang uniporme ko.

“What is it now?” irita kong tanong. Binigyan niya ako ng seryosong tingin. “Anong kinalaman mo sa pagkamatay ng kaibigan ko?” napakurap-kurap at napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba sa’kin niya ibibintang ‘to.

“Wala. Pero alam kong hindi ka maniniwala. Don’t worry I will prove my innocence towards your wrong accusations.” Tangkang maglalakad na ako paalis ng hawakan niya ang braso ko.

“Prove it. Make sure that you have nothing to deal with---“

“Bitawan mo nga siya!” hindi na natapos pa ni Lerden ang sasabihin niya ng alisin ni Code ang hawak niya sa braso ko. Napatingin ako kay Code at may hawak itong isang bote ng mineral water.

“Ayos ka lang ba? May ginawa ba sayo ‘tong lalaking ‘to?” inirapan ko lang si Code at napahawak sa noo ko.

“Excuse me nag-uusap pa kami.” Tabig sakanya ni Lerden. Binaling ulit ni Lerden ang tingin saakin. Bago pa makapagsalita si Lerden ay humarang na sakanya si Code. Nagsukatan silang dalawa ng tingin. Mas lalo pa silang naglapit at base sa mga tingin nila ay mukhang naghahanap sila ng away. Napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawa kong palad.

“Pwede ba tigilan niyo na yan? Hindi ko na nga alam ang gagawin sa mga nangyayari saakin at sa mga bintang ng mga students at lalo na sa bwisit na gumawa ng blog na ‘yon para sirain ako, ‘wag niyo ng dagdagan pwede? This is a damn mess! I will really make sure to clean my name and find that damn blogger!” napapadyak ako sa inis. Napatingin ako sa dalawa na walang kibo. Nakatingin lang sila sa’kin at tulala. Mas lalo akong nainis at napairap na lang at inis na iniwan sila.

“Aish!”

Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi na ako nag abala pang lumingon. Dinala ako ng mga paa ko sa cafeteria. Kakaunti lang ang mga students na kumakain. Umorder lang ako at humanap ng mauupuan at napili kong sa pinakasulok na lang umupo para tahimik at makapag isip ako ng tama. Hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko ay namataan kong tumatakbo at lilinga-linga si Code sa cafeteria. Tinangka kong magtago sa ilalim ng mesa pero huli na ng makita niya na ako at agad siyang tumakbo papalapit saakin at umupo sa harapan ko.

“Andito ka lang pala.” Hinihingal niyang sambit. “Tubig oh,” tiningnan ko lang siya. ”Hays. Akin na nga lang.” ininom niya ang mineral water na kanina niya pa dala-dala.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa pagkain ko at ginagalaw lang ito nang marahan. Pakiramdam ko ay wala akong ganang kumain.

“Hindi ko maintindihan kung bakit nila sayo ibinibintang ang patayan na nangyayari. Hindi ko sinasabi na wala kang kakayahan--- “ nahinto siya ng tingnan ko siya ng masama. “I mean hindi mo naman talaga kayang gawin ‘yon at kasama kitang umuwi diba? Pero yung oras ng pag alis mo…mahirap sabihin na hindi ikaw kahit na alam naman natin na hindi. Lalo na’t may nakuha pa silang ibedensiya. Yung cellphone mo.”  Bumuntong hininga rin siya. Inis kong pinagtutusok ang pagkain ko at napausog si Code sa kinauupuan niya at dinig na dinig ang pagtunog ng pagtama ng tinidor sa plato ko. Hindi ako nagsasalita pero nasa pagkain ang inis ko. Napalunok si Code at bigla niya na lang inagaw ang tinidor at inusog ang plato ko sakanya. What the!

“Kawawa naman yung karne. Tinotorture mo.” Sinubo niya ito at siya na ang kumain. Nasapo ko na lang ang noo ko.

“I don’t know what to do.” Reklamo ko.

“Kailangan mo lang naman linisin ang pangalan mo.” Sambit niya sa gitna ng pagnguya.

“’Yon na nga e hindi ko alam kung pano.” Napasubsob na lang ako sa mesa dahil sa pagkadismaya.

“Simple lang naman. Hulihin mo yung killer.” Naangat ko ang ulo ko sa sinabi ni Code at napaisip.

“Pa’no ko huhulihin ang isang tao na ayaw magpahuli? Alangan naman pumunta siya dito sa harapan ko at mag sabi ng ‘Hi’?” sarkastiko kong sambit sabay irap.

“Edi sabihan mo ng ‘Hello’ tapos sabunutan mo then bam bam bam!” umarte pa siyang sumampal at sumuntok sa hangin.

Tama siya kailangan ko lang hulihin ang killer and things will go back to its normal state. Make sure to be not caught by Sugar Lovei or else you will face hell.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now