Chapter 20

86 9 1
                                    

20: I’m here for you

“Ah, by the way, I’m Colt.” He gave me a salute and wink.

Natigilan ako at malalim na nagisip. Napailing iling na lang ako. Mali siguro ang iniisip ko.

Nakalabas na siya at naiwan akong mag-isa sa kwarto. Hihiga na sana ako ng bumukas ulit ang pinto.

“I thought aalis kana---Code!” nagulat ako ng makita si Code na humahangos papasok. Tagatak ang pawis niya at namumutla. Gulo-gulo rin ang buhok niya at suot niya parin ang pajamas at t-shirt niya.

Naligo na ba ang specie na ‘to?

“Anong ginagawa mo dito at pa’no mo nalaman na nandito ako?” hindi niya ako sinagot.

Agad siyang lumapit saakin at tiningnan ako ng maigi. At napatingin siya sa braso ko.

“Don’t worry I’m fine---!”

“Aish!” natigilan ako ng makita ang inis na inis na mukha ni Code. Nakita rin niya ang papel na hawak ko at inagaw ito sa’kin. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

“Gano’n mo na ba talaga kagusto na umalis ako sa bahay mo para gawin mo ‘to nang mag-isa at ilagay sa panganib ang buhay mo?” nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Code.

Napairap ako.

“Kumalma ka nga. I’m still alive and kicking. I’m just helping you.” Dahan-dahan akong humiga pero biglang lumapit sa’kin si Code at inalalayan ako.

Akala ko ba galit ang specie na ‘to? Ugh, this specie is confusing me.

Ilang segundo kaming nagkatitigan. Napakunot bigla ang noo ko. Napaturo ako sakanya at napatingin sa pinto.

“May nakasalubong ka ba sa labas na galing dito bago ka pumasok?” Interisado kong tanong sakanya.

Saglit siyang nag isip. “Ah! Hindi ko napansin kasi nagmadali akong pumasok pero alam kong may nakasalubong ako pero hindi ko tinignan. Bakit may problema ba?”

“Ha-ha wala.” Awkward kong sagot sakanya. Kumuot lang ang noo niya at naupo sa sofa.

Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako. Hapon na ng magising ako at pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita kong nakatitig sa’kin si Code.

“Hoy!” nagulat si Code sa biglaang tawag ko saknaya at nanlaki ang mga mata nito.

“Bakit? May masakit ba? Saan?” tumayo siya at lumapit sakin.

Agad ko siyang binatukan at taka siyang tumingin saakin.

“Para sa’n ‘yon?” tanong niya.

“Napaka O.A mo. At kanina ka pa ba dito? Hindi ka pa ba umuuwi? Kumain kana ba?”

Umiling siya at bumalik sa pagkakaupo.

“Pa’no ako makakakain kung nandito ka?” sabi niya at ngumuso.

“Tigilan mo nga yan kung ayaw mong ikaw ang pumalit dito sa pwesto ko. Nakakadiri.” Sambit ko at inirapan siya.

Biglang nanlaki ang mga mata namin ng marinig ang isang malakas na tunog. Tunog ng pagkalam ng sikmura namin.

Napakagat labi ako dahil sa hiya at bigla siyang tumawa ng mahina.

“Teka, hintayin mo ako dito ikukuha kita ng pagkain.”

Tinaguan ko na siya at tuluyang lumabas.

Napabuntong hininga ako. Nakakapanibago. Nakakapanibago na may isang tao na dumalaw sa’kin dito sa hospital at nagbabantay saakin. Masyado na ata akong nasanay na mag-isa dahil sa t’wing nao-ospital ako ay sarili ko langang katuwang ko. Nakakapanibago pala.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now