Chapter 52

28 4 0
                                    

52: A father

Pinagpahinga namin si Kyra at sinigurado namin na may magbabantay sakanya. Binantayan naming tatlo si Kyra nang mabuti habang natutulog ito. Nilinis narin namin ang mga buhok na nagkalat kanina para maibsan ang takot na nararamdaman niya. Malalim ang tulog ni Kyra. Ang mga kasamahan ko lalo na si Lerden ay nilalamon na ng antok pero tinatapik niya ang pisngi para gisingin ang sarili. Si Code naman ay malalim ang iniisip. Nakaupo silang dalawa sa mini sofa dito sa loob ng kwarto ni Kyra.

“I’ll get coffee for us.” Presenta ko at tumayo mula sa higaan ni Kyra.

“Sama ako.” Tumayo si Code at inayos ang damit.

“No. magpahinga muna kayo dito. I know inaantok pa kayo pero kailangan nating bantayan nang maigi si Kyra.” Matigas na sabi ko.

“Andito naman si Lerden.”

“Code, making kana lang. You need to stay here because Lerden might fall asleep. Pa’no kung biglang dumating yung gagong killer? We don’t know if when he will come.”

Iniwan ko na sila at lumabas. Bumaba ako at hinanap si Principal Thomas. Habang hinahanap ko siya ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay nila. Sobrang lawak ng espayso nito. Wala akong nakikitang mga katulong o iba pang tao dito bukod sa’min.

Pumasok ako ng study room ni Principal Thomas at tinawag ito pero mukhang wala ito dito. Aalis na sana ako ng mapansin ang isang litrato. Family picture. May isang maliit na bata mukhang nasa pitong taong gulang ito at hawak ng isang lalaki at babae ang dalawang kamay niya.

“It’s Kyra when she was seven.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Principal Thomas.

“S-sorry po. I came to look---“

“It’s my wife.” Turo niya sa babaeng may hawak ng kamay ni Kyra. “But, she’s not her mother.”

“Huh?” naguluhan ako bigla.

“We adopted her because I can’t bear a child.” Nagulantang ako sa narinig.

Hindi totoong anak ni Principal Thomas si Kyra?!

“We’re happy before until my wife got upset. She can’t accept Kyra. She can’t give her the love she needs for a mother.  It is because Kyra isn’t from her womb. I can still remember how hard it is for us especially for Kyra. She’s the one who suffered the most.”

Napatitig ako sa litrato. Kyra’s picture looks familiar. I think I’ve seen it somewhere I just can’t remember it.

“So, where’s your wife now?”

A heavy sigh came out.

“She died.” Hinawakan niya ang picture frame at hinaplos ito. “Kyra is the only one that’s left to me. I can’t bear to lose her. Please help her.”

Bumalik ako sa kwarto ni Kyra at naabutan kong tulog parin ito. Nakatulog na nga si Lerden pero nakabantay si Code.

“Coffee.” Nilapag ko sa harap ni Code ang isang tasa ng kape.

“Salamat.”

Tatlo ang dala kong kape at ang isa ay para kay Lerden.

“Gisingin ko ba siya?” tanong ni Code at tangkang gigisingin si Lerden. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at pinigilan ito.

“Let him rest.” Nagtama ang tingin naming dalawa.

Agad akong umiwas at binitawan ang kamay niya. I cleared my throat.

“I need to go back in B.A.” I need to finish the antidote.

“Bakit? Hindi ba masyadong delikado?” alalang tanong niya.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now