Chapter 6

222 27 0
                                    

06: Housemate

I can't believe na pinatira ko siya dito sa pamamahay ko. I can't believe that I let him stay.

"Wala ka bang maalala?" usisa ko at nakaupo siya sa harap ko at ngayon binigyan ko na siya ng tubig.

Umiling siya, "Wala."

"You mean may amnesia ka?" suhestiyon ko.

"Yes, if that what it's called. Ang tanging naaalala ko lang ay Code."

"Code?" nagtataka kong sabi. “Okay tell me what it is let’s try to figure it out.”

"No. I mean Code ang pangalan ko. Nakita kong tinatawag ako ng isang babae sa panaginip ko at ang tawag niya sakin ay Code." paliwanag niya. Napaisip ako.

"Maaring hindi 'yon panaginip. Maaaring isa na ‘yong alaala. That's good that you remembered your name at least."

"So how can I help you Mr. Amnesia Boy?" tiningnan niya ako ng seryoso.

"Ang naaalala ko bago ako magising dito ay nakahiga ako sa isang kwarto at may nakatusok saking dextrose. At pagkagising ko wala na akong maalala. Pero nang bumangon ako at lumabas at ng makita kong madilim na ang langit ay biglang sumakit ang ulo ko at sa 'di ko malamang dahilan tumakbo ako at lumayo sa lugar na 'yon at nakapasok ako sa bakod sa likod ng isang malaking gusali at umakyat sa isang kwarto sa ikalawang palapag at pagpasok ko ay bigla na lamang may pumutok at sumabog." tiningnan niya ako at nag iwas ako ng tingin. "At bigla na lang ako nawalan ng malay. Ang gusto kong malaman ay kung sino ako at kung ano ang buong pagkatao ko."

Nakapuslit pala siya sa B.A at kaya pala bukas ang bintana ng sumabog ang mga kemikal. So what I've thought is purely a misunderstanding.

"Please help me know who I am."

Napasip ako. Paghindi ko siya tinulungan at natagpuang patay ay kargo de konsensya ko pa siya.

Tumango ako, " I will help you."

Magsasalita na sana siya ng sumingit ako, "Pero diba the safest place is the hospital for a person like you. Bakit ka tumakbo palayo ng hospital gayong wala ka namang naaalala?"

"Inisip ko na rin yan. Pero pakiramdam ko ay isang nakakatakot na lugar ang hospital at kailangan kong lumayo. 'Di ko alam kung bakit."

There's something fishy, I know.

"Fine. I will help you in one condition."

Napakunot ang noo niya.

"Ano?"

"I will help you but in exchange you will give me a favor." tumayo ako.

"Anong pabor naman yun?" nakatingala siya saakin at nakakunot parin ang noo.

"Malalaman mo pagkatapos ng misyon natin."

Nanatili siyang walang kibo.

"Ah, by the way my name is Sugar..." sambit ko habang naglalakad papunta sa kwarto. "Sugar Lovei."

Pumasok ako ng kwarto ko at nagbihis at nag ayos. Sinuklay ko din ang buhok ko dahil mukha akong taong gubat. Naglagay din ako ng concealer sa mukha para takpan ang pasa ko at nagsuot ng turtle neck at jacket.

Lumabas ako at nagtungo sa sala.

Naabutan kong nakaidlip ito. Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. Namamaga at may kalmot. Mukhang kinuryente din ang buhok niya dahil sa sabunot ko. Napansin ko rin ang kanina pa palang punit na damit niya at ang madumi niyang paa.

DSWD na ba ako ngayon? Kailangan ko pang amponin ang taong 'to.

Sinadya kong ibagsak muli ang kawali na nasa sala para magising siya.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now