Chapter 59

11 3 0
                                    

59: Escape

Tuwang tuwa si Kyra na nagawa na niya ang gusto niyang mangyari. Tinutulungan siya ni Code sa laboratory niya at hanggang ngayon ay nagdudusa parin ako sa lamig ng kwarto.

Lumapit sa’kin si Kyra para kausapin ako habang si Code ay may ginagawa sa mesa.

“So, how does it feel to be unloved?” nakangiti niyang tanong.

Puno ng pagkamuhi ang nararamdaman ko sakanya. Napakasama niya at mahirap kalabanin ang may sakit sa utak pero kahit gano’n ay hindi ko parin matanggap ang mga ginagawa niya saaming lahat. Naging totoo kami sakanya at minahal bilang isang kaibigan.

Kahit na hinang hina na at nanlalamig ay nagawa ko itong irapan.

“You’re still with that attitude despite of everything?” natatawa niyang saad.

Isang irap muli ang binigay ko sakanya. Napapagod na ako sa labang ito. Gusto ko ng sumuko at maglaho na lang bigla. Ito lang naman ang tanging paraan na nakikita ko sa ngayon para pigilan at tapusin ang pagdurusa at sakit na nararanasan ko.

“Just kill me already.”

Mas lumapad ang ngiti sa labi niya. “Don’t be so much excited. Soon.”

Pinagmasdan niya ang katawan ko at mas lalong nagiging kita ang mga pasa sa katawan ko. Napansin ko na ito simula nung mga nakaraang buwan at alam kong may kakaibang nangyayari sakin.

“Ikaw ba ang may kagagawan nito?” turo ko sa braso ko.

Humalakhak siya nang sobrang lakas at napatingin sa direksyon namin si Code at lumapit.

“Correct!” hinawakan niya si Code bilang suporta dahil sa katatawa. Kasiyahan sakanya ang makita ako sa ganitong sitwasyon. Hindi man lang gumalaw si Code at nanatiling nakatingin sa’kin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Naaawa ba siya? Naiirita? Natatawa? Nasasaktan? Hindi ko alam. Mas malamig pa yata sa freezer kong kwarto ang mga mata niyang nakatingin sa’kin.

“Do you want to know why Lerden suffered all of those things?” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kyra. May kinalaman ba ‘tong nangyayari sa katawan ko kaya napahamak si Lerden? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako sa lahat ng mga naiisip ko. At mas lalong hindi dapat nararanasan ni Lerden ang mga bagay na ‘to. Hindi doesn’t deserve all of this. He did everything to protect me and to help us.

Unti-unting sumilay sa labi niya ang isang nakakatakot na ngisi. “He learned my secret. He saw me drugging your drink.”

Napasinghap ako at napaawang ang bibig. “I also put some poison on your water dispenser so you can drink my poison every day. That’s what I did when I visited you on your house. Oh, I remember! I almost got caught because of that darn dog. That dog saw me and I’m glad poor animals can’t speak.” Sandali pa siyang tumawa. “And every time we’re together I always put poison on you juice, water, or food. Brainy isn’t it?”

Napaawang ang bibig ko. Puno ng pagkabigla at takot at namayani saaking sistema. She’s been drugging---poisoning me all the time! She’s trying to kill me slowly. How the hell I didn’t notice that?! It felt like I have been cooperating to her to kill me and I even invited her into my house that gave her access to poison me more.
Naiyukom ko na lamang ang mga kamao ko at hindi magawang sumagot.

“Oh, the water I’m letting you drink here has a poison as well, in that way you won’t miss a day drinking the poison. And from what I can see it has been effective. It will slowly crush you. It has no cure after all. Remember what I always tell you? You will slowly die.”

Napapikit ako dinama lahat ng sinasabi niya sa’kin. She did a smart way to kill me without anyone suspecting. No one can even tell in those moments we shared that she’s trying to kill me.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now