Chapter 27

51 6 0
                                    

27: Wrong culprit

“W-what t-the hell is t-this?”  utal-utal kong saad matapos makita ang isang nakahandusay na bangkay ng isang lalaki. Dilat na dilat ang kanyang mga mata at nakanganga ang bibig at may umaagos pa nadugo. Duguan ang katawan niya at may mahabang sugat sa mukha na may umaagos na dugo pababa sa kanyang leeg. Nanghina ang mga tuhod ko ng makitang duguan ang dibdib nito. Wala na siyang buhay.

Hindi ko na napigilan na mapaupo sa sahig at titig na titig ako sa bangkay. Bangkay ng isang lalaking kahapon lang ay nakaalitan ko. Ang basketball player na si Martin Lim.

Nakatingin lang sa’kin si Code na tila hindi alam ang gagawin. Pabalik-balik siyang naglakad bago lumapit sa’kin at kinuha ang cellphone ko at may tinawagan siya.

“Hello? Ako ‘to si Code… Nandito ka pa ba sa B.A?... Kailangan mong pumunta dito ngayon na.” sambit ni Code sa kausap at binaba ang tawag.

Nakita kong nagdial ulit siya at may tinawagan.

“Hello? Inspector Garcia.” Naglakad pabalik balik si Code habang nakikinig sa kausap niya. “Kailangan niyo pong pumunta dito…Opo ngayon na.” binaba niya na ang tawag at binalik ito sa bulsa ko at tinulungan akong tumayo.

Dinala niya ako sa pader na nahaharangan ang CR para hindi ko ito makita.

“Alam kong nabigla ka Sugar pero kailangan mong ayusin ang sarli mo. Hindi ka pwedeng humarap kay Inspector Garcia ng ganyan.” Napalunok na lang ako at napatango.

Maya-maya ay naunang dumating ang mga pulis at lumabas si Inspector Garcia at lumapit sa’min.

“Ikaw yung tumawag hindi ba?” tanong ni Inspector Garcia kay Code.

“Opo.” Binuksan ni Inspector Garcia ang binder niya at kinuha ang ballpen na nakasabit sa bulsa ng polo niya.

“Ms. Sugar Lovei, ikaw ‘yan hindi ba? Anong ginagawa mo dito? Sangkot ka na naman ba sa insidenteng nangyari dito?” sunod-sunod niyang tanong kaya hindi agad ako nakasagot.

“Inspector Garcia, ‘wag niyo po muna siyang bibiglain. Ako na po muna ang sasagot sa mga tanong niyo.” Suhestiyon ni Code at tiningnan ako ng mabuti.

Napahinga ako nang maluwag dahil parang nakakasakal ang lupang inaapakan namin ngayon.

“Maaari mo bang isalaysay kung anong nangyari?” matalas na tingin ang pinukol ni Inspector Garcia kay Code.

Tumango si Code. “Malapit ng mag alas nwebe ng gabi ng lumabas kami ni Sugar galing sa library. Maghapon kaming nandoon dahil may tinatapos si Sugar. Papauwi na kami at naglalakad hindi lumalayo sa lugar na’to ng bigla kaming makarinig ng isang sigaw. Pinili kong tingnan kung anong nangyayari at kung saan galing ang sigaw na ‘yon. Sumunod naman sa’kin si Sugar at pagbukas ko ng pinto ay nakita namin ang katawan.” Tango tango si Inspector Garcia habang nagsusulat.

“Kilala niyo ba ang biktima?”

“Opo. Siya po si Martin Lim.” Lakas loob kong sagot. Tiningnan ako ni Code na para bang sinasabi niya na siya na lang ang sasagot pero hindi ko siya pinansin.

Napalingon kaming tatlo ng makita si Kyra na tumatakbo papunta sa direksyon namin. Kunot na kunot ang noo niya at nagtataka. Sinilip niya ang lugar kung saan pinalilibutan na ng mga nag iimbestiga at kinukuhanan ng litrato.

Agad na lumabas si Kyra na gulat na gulat.

“W-what h-happened? W-what happened to Martin? W-what’s happening again?” tarantang tanong niya ng makalapit sa’min.

Hindi ako nakasagot sakanya. Agad ko siyang hinawakan sa balikat para pakalmahin.

“Ang mabuti pa ay umuwi na muna tayong lahat. Sila ng bahala dito.” Tiningnan ni Code si Inspector Garcia.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now