Chapter 33

57 8 0
                                    

33: Expect the unexpected

It’s already seven o’clock kaya nag aayos na ang lahat para makauwi. Nagpaalam na rin ang lahat ng mag-aaral ng Brainiac Academy sa mga nakasaluma nilang tao.

Naglilibot ako ng tingin at napatingala sa kalangitan. Napabuntong hininga ako ng walang makitang kahit isang bituin. Puno ng mabibigat na ulap ang langit at malakas ang ihip ng hangin.

“Mukhang uulan.” Bulong ko sa sarili.

Papasok na sana ako sa bus ng makita ko si Dablyn na naglakad paalis. Agad ko itong sinundan nang palihim.

Napahinto ako ng makita si Dablyn na nakaupo sa isang malaking bato at humihikbi. Kahit madilim ay nakikita ko parin ang mukha ni Dablyn dahil sa mga mata kong may abilidad na makakita nang malinaw sa dilim.

Iyak lang ng iyak si Dablyn.

Napaka maldita at mataray ni Dablyn pero nawala ang lahat ng impresyong ‘yon ng makita ko mismo ang sakit sa pag iyak ni Dablyn.

Sandali ako napaisip. Pinagmasdan ko nang mabuti si Dablyn. Humihigpit ang hawak ko sa gilid ng aking pantalon. Nangangamba ako na baka pagdating ng panahon umiyak din ako kagaya ni Dablyn. Ayoko ng masaktan ulit. Once is enough.

“It’s already dark and I should not meddle in other’s business.” Sambit ko sa sarili at tumalikod para umalis.  Hindi pa ako nakakalayo ng mapailing. “May itatanong nga pala ako sakanya.” Naglakad ako pabalik ngunit nagulat ako ng makitang nakatayo at galit na nakatingin sa’kin si Dablyn.

“Why are you watching me?!” inis na bulyaw sa’kin ni Dablyn.

Hindi ako nakagalaw at nakatitig lang sa mukha ni Dablyn na kalat na kalat na ang mascara dahil sa pag iyak.

“Don’t you ever tell it to anyone or else you’re dead.” Banta niya sa’kin at inis na naglakad papasok ng gubat.

“H-hoy! Saan ka pupunta? Aish!” inis akong sumunod sakanya papasok ng gubat. Ptakbo kong nilapitan si Dablyn at halos nakakalayo na kami sa site. Hinawakan ko ito sa braso.

“Wait!” humahangos ako at sandaling huminga nang malalim. Agad na inalis ni Dablyn ang braso sa pagkakahawak ko.

“Bakit mo ba ako sinusundan?!” sigaw niya.  Ngunit nanatili akong nakatitig sakanya. “W-what?!”

“Para saan ‘yang mga luha mo?” natigilan si Dablyn sa tanong ko. “Is it for Clyde?”

“D-don’t you ever mention his name.” matigas na sabi niya ngunit kasabay nito ang sunod sunod na pagbuhos ng luha niya. “Who.killed.Clyde?” matitigas na bitaw niya sa harapan ko. Napapahakbang ako paatras sa paglapit ni Dablyn. “Who killed Clyde?!” sigaw niya at kasunod nito ang bigla niyang paghagulhol. Hindi ako kumibo. “I miss him so damn much.”

“We are still looking for the killer. Walang magagawa ang pag iyak mo sa kaso ni Clyde.” Bigla akong tinulak ni Dablyn kaya napaupo ako sa lupa. Napadaing ako ng makita ang galos na natamo sa kamay.

“I told you not to mention his name. If it weren’t for you Clyde would not die. Kung nanahimik kana lang hindi masisira ang relasyon namin. At kahit gaano pa kadami ang babae niya handa akong patawarin siya nangpaulit-ulit. Kung hindi kami nag away no’ng araw na ‘yon hindi ko sana siya iniwan at dapat kasama niya ako. At kung kasama niya ako hindi siya mamamatay. Pero dahil sa’yo namatay si Clyde!”napahiga ako sa lupa ng bigla akong paghahampasin ni Dablyn na puno ng galit at nag tatagis ang mga bagang. Agad kong dinepensahan ang sarili at lumayo kay Dablyn.

“Is it my fault? You being crazy with that guy and even if you already know that he is cheating you still love him?” tanong ko sakanya na hindi makapaniwala.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now