Chapter 18

79 7 0
                                    

18: High blood

“Hi, Sugar.” Hahambalusin ko na sana ng bag ko ang sino mang humila sakin ng makilala ko ito. “It’s me.”

Napairap ako at tiningnan si Kyra. “Ba’t kailangan mo pang manghila?”

Ngumiti siya sa’kin na parang nahihiya. “May itatanong lang sana ako.”

“Ano?” inis kong tugon sakanya na hindi niya pinansin.

“Kamusta na si Code?”

Kamusta na si Code? Hinila niya ako dito para tanungin yun? Halos mabulok na nga ako sa bahay dahil sa specie na yon! Binabadtrip ata ako ng babaeng ‘to.

“Hinila mo ba ako dito para tanongin ako tungkol kay Code?” kalmado kong tanong sakanya at pinipigilan ang sarili na sigawan siya dahil ang aliwalas ng mukha niya para sigawan.

Nahihiya pa siyang nag ayos ng buhok at ngumigiti nang palihim na halata namang kinikilig. “Oo. Actually, I want to know him better. And I thought you can fill that for me because you are always with Code, right?”

Lihim akong napalunok.

“Wait, magkaano ano ba kayo ni Code?” tiningnan niya ako sa mga mata at nag-aabang sa sagot ko.

“A-Ah! Magkapit bahay kami. Oo. Kapit bahay.” Taranta kong sagot. Hindi ko pwedeng ipaalam sakanya na nakatira kami ni Code sa iisang bahay lang dahil siguradong gulo ang abot nito.

“Oh, kaya pala lagi kayong sabay pumapasok.” Tumango-tango siya at tumango rin ako.

Gosh, buti naman naniwala siya sa alibi kong ‘yon.

“Kailan ba pumasok dito si Code?’ naglakad siya papunta sa mga nakaimbak na chemicals at acids. “I mean dito sa Brainiac Academy. I haven’t seen him before and I don’t see any records of him dito sa  academy. I’m just wondering, by any chance do you know?”

Napakamot ako ng ulo.

“Well, Nakita ko na lang din siya at sumabay siya sa’kin kaya ganun.”

Magtatanong pa sana siya pero inunahan ko na siya.

“Hindi ba’t may klase tayo? We’re already late.”

“Oh that? Don’t worry Sugar, Prof Carstein said that we just need to finish our research for the finals.” Napatango ako sa sinabi niya at bumalik sa sinasandalan ko kanina.

“Anyways, are you done about your antidote?” bigla niyang tanong.

‘Yan na naman siya sa antidote ko. Napailing na lang ako.

“I’m still working on it.”

“Are you still thinking about my proposal? We can be partners for that and we can strengthen the research we have to pass right?” pagkukumbinsi niya saakin.

“No, I can do this alone.” Pagtanggi ko.

“But you spent how many years to complete that antidote. Do you think it’s time to ask for help?”

“I don’t need help from anyone.” Walang alinlangan kong sagot. Napabuntong hininga na lang siya.  “If you don’t mind I will go now like what you said I still need to finish my research.” Aalis na sana ako ng biglang mag-ring ang phone ko.

[ Code ]
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang tumatawag.  Hindi ko alam kung bakit siya tumatawag at kung paano siya sasagutin.

Huminga ako ng malalim at inayos ang boses ko saka ito sinagot.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now