Chapter 32

48 10 3
                                    

32: Interrupted

Mabilis akong naglakad at naghanap sa masukal na gubat. Kinakapitan na rin ng mga amorsiko at dumi ang pantalon at laylayan ng lab coat ko. Hinawi ko ang halamang nakatakip sa dadaanan ko. Napahinto ako.

I got you.

Tahimik kong pinagmasdan ang isang babae na nakaupo sa damuhan habang yakap-yakap ang tuhod niya at napansin ko rin ang pagtaas baba ng balikat niya.

“Umiiyak ba siya?” takhang tanong ko sa sarili.

Humakbang ako para lapitan siya. Kailangan kong malaman kung narinig niya ang pag uusap namin ni Lerden at masiguradong mananatili itong sikreto until I graduate in Brainiac Academy.

“Sugar?”

“Oh my!” napahawak ako sa dibdib ko ng may biglang humawak sa braso ko at tumawag sa’kin. Nakatingin sa’kin nang nagtataka ang mukha ni Kyra.

“Why are you here? Oh, isn’t that Dablyn?” turo niya sa kanina ko pang tinitingnan. “Let’s call her. Dab---” agad kong tinakpan ang bibig niya.

“Shh. Tara.” Agad ko siyang hinila at nilayo doon.

Dinala ko siya sa batis na pinuntahan ko kanina.

“Anong ginagawa mo do’n?” agad kong tanong sakanya.

“Shouldn’t I be asking that to you?” alangan niyang tanong.

“Ah, U-uhm.” Peke akong umubo at iniwas ang tingin sakanya. “Naglilibot lang.”

Tumango siya kahit na halata namang hindi siya naniniwala. Nilibot niya ang mga mata niya. “Wow. This place is so cool.” Mangha niyang sambit.

Napangiti ako.

“It seems like we both like it.” Sambit ko at bumuntong hininga. Nabaling ko ang aking tingin kay Kyra ng makita siyang nakatitig sa’kin. “May dumi ba ako sa mukha?” napahawak ako sa mukha ko.

“You smiled.” Bigla niyang sambit habang nakatangin sa’kin na nakangisi at para bang may balak siyang masama.

“Hindi ah. Naghahalucinate ka lang yata. Ayusin mo nga yang mukha mo. You look like a creepy killer.” Inayos ko ang suot kong lab coat.

“What?!” bulyaw niya. Nagulat ako ng bigla siya lumapit sa batis at tinapunan ako ng tubig.

“H-hoy!” turo ko sakanya. Inulit niya ulit ang paghagis ng tubig papunta sa direksyon ko.

Agad din akong lumapit sa tubig at binasa si Kyra ng tubig.

Tinitigan niya ako nang masama. Binasa ko ulit siya ng tubig. Gumanti na rin siya at gumanti rin ako.

“Ya! Tama na! Hahaha---Hooy!” tuloy-tuloy ang ginawa niyang paghampas sa tubig.

“Ikaw!” mas nilakasan ko ang paghampas ng tubig kaya napapaatras siya.

“Sugar!” tumatawa niyang pagpapatigil sa’kin.

Hindi ko siya tinigilan kahit pareho na kaming basing-basa. Pareho kaming tumatawa habang nagtatapon ng tubig sa isa’t isa.

“Sugar, wait.” Tuloy lang ako sa pagbasa sakanya at atras siya ng atras. “Sugar, Sugar. Ah!” nagulat ako ng biglang matumba si Kyra at mapaupo.

“Kyra!”

Agad akong lumapit sakanya pero bago pa ako makalapit ay napalingon ako sa biglang tumawag sa’kin.

“Sugar!”

Napakunot ang noo ko ng makita si Code at Lerden na kanina pa pala nanonood sa’min. Patakbong naglakad papalapit sa’min si Code.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now