Chapter 40

40 4 0
                                    

40: That girl

Imbis na dumeretso sa room ay lumiko ako at umakyat papuntang Chemical Laboratory.

Pagpasok ko sa puting silid ay tumambad saakin ang iba’t ibang apparatus at mga bote ng chemical. Agad akong tumungo sa shelf na may mga iba’t ibang bote. Sumilip ako sa pinto at siniguradong wala pa ang bantay. Hindi ako pwedeng pumasok dito ng walang permiso. Pero para makumpirma ang hinala ko ay kailangan kong gawin ‘to.

Inisa-isa ko ang mga bote at binasa ang mga descriptions nito. Sobrang dami nila kaya kailangan kong bilisan. Nadako ang tingin ko sa mga maliliit na bote na kasing laki lang nga hintuturo ko. Bumaba ako at tiningnan ang mga ito.

Bigla akong napaisip. Bakit naman sila mag lalagay ng nakakamatay na lason dito at hindi sa mas private na lalagyan?

“Mas private na lalagyan….” Nilibot ko ulit ang tingin ko at hinahanap kung saan ba nila pwedeng itago yung mga delikadong substance dito sa Chem. Lab.

Napansin ko ang isang puting cabinet. Nilapitan ko ito at hinawakan ang sliding glass nito.

“Locked?” sambit ko ng hindi ko mabuksan ang puting cabinet.

“Imposibleng makuha ko ang susi dito.” Napabuntong hiningan ako.

Sinubukan kong silipin ang mga boteng maliliit mula sa salamin ng cabinet.

Thanks to my eyes.

I can read what’s written on the small bottle and what surprised me is…

I saw the Botulinum Toxin.

“The killer is here in Brainiac Academy.” Balisa kong sabi.

“What are you doing here?” napigil ang paghinga ko at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko  at kahit pag lingon ay hindi ko magawa nang marinig ang isang boses.

Natusok sa leeg ko ang dulo ng isang syringe. Pag lumingon ako o gumalaw maari itong tumusok diretso sa ugat ko sa leeg at hindi ko alam kung maari ko bang ikamatay ang laman ng syringe na ‘yon.

“Why did you come in here?” malalim na boses na nakakapanlamig at nakakapanghina ng tuhod.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala ng makita ko ang repleksiyon nito sa salaamin ng cabinet.

“H-h-how?”




“Sugar!” tawag sa’kin ni Code at kumakaway-kaway pa mula sa malayo at patakbong lumapit sa’kin.

Gumuhit ang bitin na ngiti sa labi ko.

“Code….”

Lumapit siya sa’kin at naupo sa tabi ko dito sa madalas namin tambayan na malaking puno dito sa hardin.

Ang aliwalas ng mukha ngayon ni Code tila ba ang saya saya niya ngayong araw.

“Ba’t parang ang saya mo?” usisa ko.

Humiga siya sa damuhan at pinatong ang ulo sa dalawa niyang braso.

“Malapit ko ng matapos ang painting ko.” Nakangiti niyang saad.

“Ano bang pini-paint mo ‘don?” kunot-noo kong tanong.

“A very special thing to me ever since I enter Brainiac Academy.” Pumikit siya.

Ano naman kayang naka guhit ‘don? Very special thing?

Napatitig ako sa mukha ni Code at napaisip.

Bakit kaya siya napunta dito? Bakit ba kami pinagtagpo? At ngayon andami pa naming pagsubok na pinag dadaanan.

Napaiwas ako ng tingin at napatingin sa malayo ng maalala ang nangyari sa Chemical Laboratory. Hindi ako makapaniwala at parang sinasakal ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Napahawak ako sa leeg ko.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now