Chapter 16

168 17 5
                                    

16: Images and Fear


Sariwang hangin ang sumalubong saakin sa garden. Naupo ako sa lilim ng isang puno. Maganda ang pwestong ito dahil tahimik at payapa. Napatingin ako hawak kong medalya. I received this because I saved this annoying academy. At sa apat na taon ko dito ay ngayon lang ako nakipagtulungan. Napabuntong hininga ako. Gaya ng lagi kong ginagawa ay pumikit ako at sumandal sa puno.

“Nagugutom na ako.” Halos mapalundag ang puso ko ng marinig ang isang reklamo. Hinanap ko kung saan ito nanggaling pero mukhang ako lang ang nag iisang tao dito. Napapikit ako at napakagat labi saka bumuga ng hangin. Mukhang alam ko na kung saan galing ang ingay na ‘yon. Tumingala ako at nakita ko ang nakangusong si Code at naka upo sa makapal na sanga ng puno.

“Anong ginagawa mo d’yan?” inis kong tanong sakanya.

“Dito ako tumatambay pag hindi kita kasama.” Napalunok ako. “Dito sa lugar na’to sinusubukan kong ibalik ang mga alaalang nabura sa isipan ko.” Pumikit siya at dinama ang hangin.

“D-dito rin ako pumupunta kapag gusto kong mapag-isa!” Napatayo ako. “Teka, ibig sabihin sa tuwing pupunta ako dito para magpahinga andyan ka lang lagi sa taas?”

Tumingin siya sa’kin at ngumisi.

“Ganun na nga.” Nasapo ko ang noo ko. Tumalon siya para bumaba at napaatras ako.

“Bilhan mo ako ng pagkain. Tapos samahan mo ako mamaya may pupuntahan tayo. Kailangan kita…”

Nakakunot ang noo ko at napakurap ng tatlong beses.

“A-ano kamo? A-ako kailangan mo?” Napahawak siya sa baba niya.


“Oo. Kailangan kita kasi kailangan ko ng pera. Tara!” nauna na siya saking maglakad. Napabuga na lang ako ng hangin at umiling-iling.

“What am I even thinking?” sambit ko sa sarili.





Nakatingin lang ako sa stop light at hinihintay na makatawid. Katabi ko si Code na nakapamulsa at panay ang pagbubulungan ng mga babaeng kalapit lang namin. Napairap ako.

“’Di ba napapagod sapag irap ‘yang mga mata mo?” tanong ni Code na namumutla.

“Hindi lalo na kung ikaw ang iirapan ko.” Isang irap ulit ang pinakawalan ko.

Nanatili na lang akong tahimik at pinagmamasdan ang stop light.  Hinihintay ko ang paglipat ng kulay nito. Nang makita kong nag iba na ay humakbang ako. Isang mabilis na hatak ang naramdaman ko at ang pagdaan ng mabilis na sasakyan. I’m in state of shock. Nakaharap ako sa dibdib ni Code at dilat na dilat ang mga mata.

Bumilis ang pintig ng puso ko habang nakatingin ako sa mga mata ni Code.

“Balak mo bang magpakamatay?!” bulyaw sa’kin ni Code at lahat ng tao nakatingin sa’min.

Napayuko ako.

“Gosh, hindi ba siya marunong sumunod sa batas?”

“She almost got hit.”

“Goodness. Teens this day.”

Napaangat ang tingin ko kay Code.

“I almost die.” Muntikan pa akong matumba kung wala ang suporta ni Code dahil nanginginig ang mga tuhod ko.

Namalayan ko na lang na hila-hila na ako ni Code na tumawid sa pedestrian lane kasabay ang maraming tao. Sumulyap si Code saakin habang hila niya ang kaliwang kamay ko.

Thank you….

Huminto kami sa tapat ng isang mall. Narinig ko ang sunod-sunod napag-ubo ni Code.

“May sakit ka ba?” papakiramdaman ko sana ang noo niya ng umatras siya.

“Whoa. Concern ka? Tara na nga sa loob.” Nauna na siyang pumasok at binalewala ang tanong ko. Sinundan ko siya at ilang minuto rin kaming nag-ikot. Huminto si Code at hinarap ako.

“Ano bang ginagawa natin dito at ano bang bibilhin mo?” naiirita kong tanong dahil kanina pa kami lakad ng lakad.

“Tara.” Sa loob ng isang shop ay bumungad samin ang mga nakadisplay na ibat-ibang mga cellphones.

“I need one. Pwede na ‘to.” Sabi niya sabay turo sa isang phone. Napaawang ang bibig ko dahil sa presyo.

“What…the…”





“I repeat you have to pay me!” kanina ko pa siya kinakausap pero nakatingin lang siya sa cellphone na hawak niya. After naming lumabas sa mall pinapasunod niya na naman ako sakanya.

Nakabusangot akong naglakad kasabay niya.

“Number mo.” Inabot niya sa’kin ang cellphone na mas maganda pa nga ata sa cellphone ko. Inis ko itong hinablot at sinave ang number ko. Agad ko ding inabot ito sakanya na may nakabusangot na mukha.

“Smile!” nagulat ako sa biglaang pagkuha niya ng litrato saakin.

“Bagay. Mukha kang bulldog na aso dahil sa nakasimangot mong mukha.” Tuamawa pa siya at biglang umubo kaya napalapit ako sakanya at balak tapikin ang likod niya. Ngunit agad kong inatras ang kamay ko at napailing iling.

“Bumalik na tayo sa B.A. May klase pa ako.” Nagtataka siyang tumingin sa’kin pero hindi ko na lang ito pinansin at nauna ng naglakad.



Pumasok kami ng B.A at habang naglalakad kaming dalawa sa pasilyo ay nakasalubong namin si Lerden.

“Sugar, are you okay?” salubong na tanong ni Lerden. Kunot-noo ko siyang tininganan.

“Excuse me.” Sinimulan ko ng maglakad dahil I still get irritated by his presence. Pero kusa ng huminto ang mga paa ko ng magsalita ulit si Lerden.

“I saw what happened, Sugar. Please remember your father’s warning.” Nayukom ko ang mga mata ko. So, nakita niya pala ako kanina na muntik masagasaan. How nice.

“It’s none of your business.” Iiwan ko na sana sila ng si Kyra naman ang lumitaw sa harapan ko.

“Sugar! I’m looking for you…” masiglang sambit niya. Pero agad ding nabaling sa iba ang atensiyon niya.

“Code, you’re here!” napaka aliwalas ng mukha ni Kyra ngunit biglang nag iba ang ekspresyon ngayon ni Code.

Nanlalaki ang mga mata niya at nanginginig din ang mga kamay niya. Bigla siyang napapikit at napahawak sa noo niya. Tangkang lalapitan ko siya ng bigla siyang alalayan ni Kyra.

“Code? Are you okay? Maiinit ka. Let’s bring him to the clinic.” Inakay na ni Kyra si Code papunta ng clinic.

Naiwan kaming dalawa ni Lerden. Aalis na sana ako ng magsalita na naman siya.

“I’m sorry. Please mag iingat ka.” Napabuga ako ng hangin at nagpatuloy sa paghakbang.

“I miss you so much, Sugar.” Napaharap ako sakanya.

“What is it now?” irita kong tanong. Kailangan ko pang tumingala dahil ang tangkad niya at mukha siyang model dahil sa suot niyang puting coat.

“I have a lot to say will you give me the chance?” nanatili akong tahimik. Mamamalas sa mga mata niya ang sinseridad. Pero nanatili akong matigas at nakatingin ng deretso sakanya.

“I feel guilty…I feel guilty about everything. You live your life alone and away from your father. I’m sorry. I’m really sorry.” Lumapit siya sa’kin at tangkang hahawakan ang kamay ko.

“Don’t you ever dare to touch me. We’re not the same as before Lerden. I’m not the old Sugar anymore. I already killed that person. And please don’t act as if everything will change just by saying sorry. You’re just wasting your time.”

“Then I will work for it Sugar. I will work for your forgiveness and to at least lessen the burden in your heart.”

“Stop it.”

“I still remember our promise. To stay in each other side until forever.” That’s our promise when we we’re still kids back then,

“That’s the promise I don’t even want to remember. I can now live by my own and I don’t need a person like you.  I hate you so much.” Madiin kong bitaw. Ang bigat bigat na ng dibdib ko at baka pag hindi pa ako umalis dito ay sasabog ako.

“I accept those words. I deserve that. But I will not give up.” Tinapik niya ang balikat ko. “And don’t worry your secret is safe.” Bitaw niya saka umalis. Nanigas ako at tumulo ang malamig kong pawis. Why do he need to bring that up?

Anong problema ng lalaking ‘yon? Ba’t bigla bigla na lang siyang lalapit sa’kin at hihingi ng tawad? Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang mas lalong nadagdagan ang bigat. Bigat na dinadala ko ng 11 taon. Napailing-iling ako. Wala sa vocabulary ko ang maging mahina.

Napahawak ako sa bulsa ko ng biglang magvibrateang cellphone ko. Unregistered number. Kahit na nagdadalawang isip ako ay sinagot ko ito.

“He---“

“Sugar! Puno.”

“Ano?----Hoy!” binaba niya na ang tawag. Sa mga araw yata na pagtira ni Code sa bahay ay mas naging pamilyar saakin ang boses niya. At anong ibig sabihin niya? Puno? Hindi ba’t nasa clinic siya.

“Aish! This specie!” nagsimula na akong maglakad kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko.


Narating ko ang puno na lagi kong pinupuntahan at natanaw ko si Code nakaupo sa taas ng puno sa makapal na sanga.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko at sumandal sa puno.

“I’m scared.” Napatingin ako sakanya.

“What? Scared of what?” nakatingin lang siya sa malayo at biglang pumikit.

“I’m starting to remember things.”

“Isn’t that gre---”

“I’m in a closed room. It is dark and I’m alone. And I saw myself chained then suddenly I saw the door opened and ah!” napahawak siya sa ulo niya at mas lalong namutla.

“Code! Don’t force yourself to remember----Code!” napasigaw ako ng biglang mahulog si Code sa puno at bumagsak sa lupa.

“Code! Code! Gising!”



Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now