Chapter 57

17 4 0
                                    

57: Code’s memory

Hindi ako mapakali habang tinitingan si Kyra na hawak ang cellphone ko. Binuksan niya ang power nito at may kinakalikot dito.

“I sent him ‘hello’.” Halata sa mukha ni Kyra na sabik na sabik siya sa mga mangyayari.

Lerden has 8 hours left. I still can’t figure out how can I escape this laboratory. 

Napasinghap ako ng marinig na magring ang cellphone ko.

“Oh! I was about to call Code but he’s so excited. Wait a little longer, Sugar. Soon you’ll be with him.” Kinindatan niya pa ako.

Puno ng pangamba ang nararamdaman ko ng sagutin niya ang tawag.

“Code, this is me Kyra.” Sandali siyang nakinig. “I know where is she. Code you have to help her. She’s---I can’t tell you. I don’t understand why is she being like this but I think you’re the one who can talk to her.”

Ginamit niya ang tono ng pananalita niya saamin. Walang bakas ng Kyra na ipinapakita niya ngayon. Sigaw ako ng sigaw pero mukhang malabong marinig ako ni Code.

“Okay, I will tell you where she is.”

Hindi ko na nagawa pang marinig ang pag uusap ni Kyra at Code sa tawag dahil lumabas na si Kyra ng laboratory at kumaway pa ito saakin. Pinagsisipa at pinaghahampas ko ang salamin at umaasang mababasag ito pero hindi ko magawa. Masyado itong makapal at hindi ito kayang basagin ng isang babaeng gaya ko.

Napaupo ako at napatitig sa mga kamay kong namumula. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pwedeng pumunta dito si Code dahil mapapahamak siya. At hindi ko narin alam ang gagawin lalo na’t papabawas ng pabawas ang oras na natitira kay Lerden.

Three hours have passed pero hindi parin bumabalik si Kyra. Patuloy ako na nagdadasal na sana ay maging ligtas si Code.

Yakap ko ang dalawang tuhod habang nakatungo. Ilang minuto pa ang nagtagal hanggang sa narinig kong bumukas na ang pinto. Inangat ko ang ulo at bigla akong napatayo at napatakbo sa salamin ng makita si Code na naglalakad papasok at sa likod niya ay ang naglalakad na si Kyra. May hawak hawak siyang isang syringe sa kabila niyang kamay.

Napatingin si Code sa direksyon ko. Lalapitan na sana ako nito ng mapahawak siya sa ulo niya at biglang sumigaw. Napaluhod si Code at napasabunot sa buhok niya. Nasisilabasan din ang mga ugat niya sa noo. Maging si Kyra ay nagulat sa biglang nangyayari kay Code.

Pilit kong kinakalampag ang salamin pero mukhang hindi nila ako naririnig. Napasigaw ako ng makitang bumagsak si Code sa sahig at nawalan ng malay.

Kinuha ni Kyra ang remote at ng may pindutin siya ay naririnig ko na siyang magsalita.

“He set his own grave here. I don’t need this anymore.” Tinapon niya ang hawak niyang syringe. Bumaba siya at hinawakan ang pisngi ni Code. “Sleep well.”

Pinindot niya muli ang remote at isang amoy ulit ang nagpawala sa malay ko. Hindi maaari…Dalawa na kami ni Code na hawak ni Kyra.  

Bumalik ang malay ko at pagdilat ko ay nakita kong nasaloob narin si Code. Nakahandusay siya sa sahig at pinagpapawisan. Palipat lipat ang pagbaling ni Code ng ulo niya. Agad ko siyang nilapitan at tinapik tapik ang pisngi.

“Code, gising…Code…”

Biglang pumitik ang katawan ni Code at nagising sa malalim niyang bangungot. Pinunasan ko ang pawis niya gamit ang mga palad ko.

Tiningnan ako nito at biglang umupo at niyakap ako.

Sobrang higpit ng yakap niya. Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now