Chapter 28

66 10 0
                                    

28: Interrogate

Nagulat kaming lahat ng makatanggap ng tawag si Lerden mula kay Inspector Garcia.

“Inspector Garcia has something to say. Let’s go.” Napatango kaming lahat sa sinabi ni Lerden. Inabot niya ang kamay niya sa’kin para tulungan akong tumayo.

Napatitig ako sa kamay niya. Dapat ko ba itong abutin? Inangat ko ang kamay ko at tangkang aabutin ang kamay ni Lerden ng biglang tumalon si Code mula sa sanga ng puno at pumagitna sa’min. Naibaba ko ang kamay ko at nag iwas ng tingin.

“Ah…” nag unat pa si Code at nginisian si Lerden.

Ako na ang kusang tumayo at hindi sila pinansin. Tinulungan kong makatayo si Kyra dahil siya ang mas mukhang nahihirapang tumayo.

Nakarating kami sa office ni Inspector Garcia at pinasunod kami sa isang room na may malaking glass wall at sa loob ay nakaupo ang isang inmate para imbestigahan at tanungin. Pero ang nasa loob ay hindi kami makikitang mga nasa labas.

Sinilip ko kung sino ang nasa loob at ng mamukaan ko ito ay nakilala ko ang dating kaibigan ni Lerden na si Dave. Napayukom ang mga kamao ni Lerden habang nakatingin sa nakaposas na si Dave sa loob. Napailing iling naman si Code at nakakunot ang noo ni Kyra.

Kitang-kita ang bigote ni Dave, malalim na eye bags at buhok na gulo-gulo. Ang laking pagbabago ng naging itsura niya.

“Kilala niyo naman siguro ang nasa loob, hindi ba?” tumango kami sa tanong ni Inspector Garcia. “Nagsagawa kami ng imbestigasyon at may hindi malinaw sa mga pangyayari. Nahuli si Dave pero may pumapatay parin sa Brainiac academy.” May mga kinuha siyang litrato. Inabot niya sa’min ang tatlong litrato ng mga bangkay. Si Clyde na natagpuang patay sa dorm niya, si Samson na nakitang patay sa library at si Martin na nakahandusay sa sahig ng CR.

“Ano pong gagawin namin dito?” tanong ko.

“Gusto kong obserbahan niyo ang mga litrato habang isinasagawa ko ang interrogation kay Dave.” Pumasok na siya sa loob at napaangat ang tingin sakanya ni Dave.

“Kamusta Dave?” tanong niya at naupo sa harap ni Dave.

“May mga itatanong akong kailangan mong sagutin. Nagkakaintindihan ba tayo?” nginisian lang siya ni Dave.

“Bakit mo tinangkang patayin si Lerden Kang na kaibigan mo?” unang tanong sakanyan ni Inspecor Garcia.

“Wala man lang bang kumusta diyan?” nakangisi niyang sambit.

“Bakit mo tinangkang patayin ang kaibigan mo?” ulit ni Inspector Garcia at hindi pinansin ang sinabi ni Dave.

“Hindi ko siya kaibigan. Sinabi ko na sainyo ang sagot diyan.” walang buhay na sagot ng lalaki.

Tahimik lang kaming nakikinig at nagmamasid.

“Kilala mo ba si Samson Francisco?” tanong ni Insector Garcia matapos buklitin ang pahina ng hawak niyang file.

“Oo.”

“Sinabi mo sa salaysay mo na inis na inis ka kay Samson dahil napakadaming babae nito at kaya mo din gustong patayin si Lerden dahil mas nakalalamang ito sa’yo. Hindi ba’t magkakaibigan kayo?” ngumisi ulit si Dave at natatawang umiling.

“Wala akong kaibigan. Walang tototong kaibigan. Lahat sila peke at may tinatagong sikreto.” Napalunok ako sa seryosong sagot ni Dave na parang may iba pang kahulugan.

“Kung hindi mo sila tinuring na kaibigan at tiningnan mo sila bilang ka kompetensya…Ikaw ba ang pumatay kay Samson Francisco?” napatawa nang malakas si Dave na ikinagulat namin pero nanatiling kalmado si Insprector Garcia at pinagmasdan lang siya.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now