Chapter 38

119 10 6
                                    

38: A motivation

“Dablyn, ayos ka lang? M-may nangyari ba?” agad ko siyang nilapitan at sinubukan ko sa abot ng aking makakaya na magsalita nang maayos kahit na kinakapos rin ako sa hininga.

Hinawakan ko siya sa balikat ngunit nagulat ako ng bigla niya itong tabigin.

“S-stay a-away f-from m-m-me!” sigaw niya nang mapakalakas at biglang humagulhol.

“Dablyn, I know---”

“Stay away from me!” nanlaki ang mga mata ko ng kinuha niya ang isang vase sa tabi niya at binasag ito. Kinuha niya ang isang matulis na bubog at nilaslas ang pulsuhan niya.

“D-dablyn,” hindi ako makapag isip ng tama at makakilos nang maayos sa ginagawa ni Dablyn sa sarili.

“Dablyn! What are you doing?!” biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mama ni Dablyn. Agad niyang nilapitan ang anak at inagaw ang basag na parte ng vase at niyakap ang anak.

“What are you doing to yourself? Why are you doing this?” napaluha na rin ang ina ni Dablyn habang sinusubukang takpan ng kamay niya ang pulsuhan ng anak niya.

“I-I w-wan to die! I want to die! I want to die!” pagsusumigaw ni Dablyn habang pilit kumakawala sa yakap ng ina niya at humahagulhol.

Napatulo ang luha ko sa kanang pisngi at agad itong pinunasan. Dablyn has reasons.

Matapos gamutin si Dablyn ay pinatulog nila ito. Katabi ko ang ina ni Dablyn na pinagmamasdan ang anak niya.

“Dablyn, attempted again to kill herself.” Napatakip ng bibig ang ina ni Dablyn at pinipigilang umiyak. “How did she become a suicidal person? She’s not like that.” Hindi na napigilan pa ni Mrs. Mendoza ang umiyak at hinawakan nito ang kamay ni Dablyn.

Pinagmasdan kong mabuti si Dablyn at napakunot ang noo ko ng may mapansin. Ginilid ko ang buhok na humaharang sa leeg ni Dablyn. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makitang may mapulang marka ang leeg ni Dablyn tanda ng pagsakal sakanya. Kaya ba siya abot abot sa paghinga dahil may sumakal saknaya bago ako pumasok? Hindi kaya binalikan siya ng killer?

“Ma’am, Dablyn didn’t try to kill herself, someone wants to kill her!”

Napasalubong ang kilay ni Mrs. Mendoza.

“You saw it! Nilaslas ng anak ko ang pulsuhan niya at sinabi niyang gusto niyang mamatay. At hindi ba nilason niya ang sarili niya at ikaw pa nga ang nagligtas sa anak ko. So, stop speaking nonsense.”

Umiling ako.

“No, Ma’am listen to me. Dablyn’s life is in danger! Someone wants to kill her! She didn’t suicide! Please believe me---”

“I know my daughter well. Stop saying that somebody wants to kill her and if it’s true I will protect my daughter. I’m her mom and that’s now my responsibility. Now, I want you to leave this room.”

Sa sandaling iyon nakaramdam ako ng ingit kay Dablyn na kanina ko pa pinipigilan. Pakiramdam na mayroon kang ina na poprotekta sa’yo.

“No. Please listen to me---”

“Leave!” bulyaw niya at tinuro ang pinto.

Wala na akong nagawa kun’di ang tumango at lumabas.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang gusto ko lang gawin ay hanapin ang killer at panagutin siya sa lahat ng ginagawa niya. Mas lalo pang tumindi ang pag kahayok ko na mahanap siya dahil ang isang inosenteng bata pinatay niya!

Pero biglang nanindig ang mga balahibo ko at nanlamig.

I think someone is watching me from a far.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now