Chapter 26

54 10 3
                                    

26: Again?

“Tapos ka na bang i-comfort si Kyra?” tanong ko habang nakapikit.

“I…didn’t.” biglang napamulat ang mga mata ko at tiningnan ang nagsalita.

“L-lerden? Anong ginagawa mo dito? I thought you were….” Napahinto ako sa pagsasalita ng titigan niya ako.

“You thought I’m Code? No wonder he’s always with you.” Bumuntong hininga siya.

Lumipas ang ilang minutong walang nagsasalita saamin. Nilamon kami ng isang nakakabinging katahimikan.

Umubo ako at ‘di ko inasahan na uubo rin siya kaya nagkatinginan kaming dalawa.

“This is our way of…”

“Breaking the silence.” Sabay naming sambit.

Ngumiti siya at bumuntong hininga.

“I miss the old times.” Siya lang ang nagsasalita saaming dalawa. “I miss being with you.” Napatingin ako sakanya. Inayos niya ang kwelyo ng lab coat niya. “All these years the only thing I can do is to get the fire extinguisher be the hero in the scene just to see you and to be with you closer.”

Siya ang laging pumapatay ng apoy sa laboratory kahit hindi ko siya ka lab. Akala ko ginagawa niya lang ‘yon para mag pasikat at inisin ako.

“There’s more, I tried to get your attention but I failed. The girls here at Brainiac Academy drools over me.” Tumawa pa siya nang mahina pero inirapan ko lang ito. “You always avoid me and I always want to be with you. I tried so many times to talk to you but it ended up always in an argument. I never knew that this will be the consequences of what I have done. I’m sorry, Sugar.”

Huminga ako nang malalim at humugot ng lakas ng loob para magsalita.

“Bakit mo ‘yon ginawa?” tanong na lumabas sa bibig ko.

“I remember what you have said earlier, sinabi mo na iba ibang klase manloko ang mga lalaki. Whether it is meant for me or not, Sugar hindi kita niloko.”

“Everything has a scientific explanation.”

“I can’t tell you right now.”

“Why?” inis kong tanong sakanya dahil ayaw niyang sabihin sa’kin ang rason kung bakit iniiwan ako ng lahat.

“I’m afraid…I’m afraid I can’t protect you.”

Napatitig ako sakanya. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Para bang hindi kakayanin ng I.Q ko ang lahat ng sinasabi at pinapakita niya.

Nagsalubong ang mga titig namin at tila sinasabi sa’kin ng malungkot niyang titig na andami niyang gustong sabihin pero natatakot siya. Napaiwas ako ng tingin dahil parang hindi ko na kakayanin ang tumitig pa sa mga mata niyang nakikitaan ko ng pagkadurog.

“Sugar---” may sasabihin pa sana siya sa’kin ng biglang mag vibrate ang cellphone ko.

Kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan. Nakatanggap ako ng isang mensahe mula kay Code.

From: Code

Sugar, hinahanap ka ni Kyra. Please lang ingatan mo naman yang mga lalabas sa bibig mo.

Nakahinga ako nang maluwag.

Saglit kong tiningnan si Lerden at tumango siya sa’kin. Mukhang nakuha niya kung anong gusto kong iparating.

“Go ahead.”

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa laboratory. Minsan talaga kahit nakakainis si Code ay may naitutulong rin pala siya. Buti na lang at tinext na ako para may dahilan akong umalis.

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now