Chapter 51

33 4 1
                                    

51: Warning

Pinagmasdan ko silang tatlo. Nag uusap si Lerden at Code nang masinsinan habang nasa tapat ng bintana.  Biglang lumingon si Code sa direksyon ko kaya nagtama ang tingin namin. Agad akong nag iwas ng tingin.
Hinanap naman ng mga mata ko si Kyra. Nakatitig lang siya sa mga chemicals na nakapatong sa mesa. Malalim ang iniisip at puro buntong hininga. Bigla niya akong tiningnan at nilapitan.

“Sugar, can we talk?” seryoso niyang saad.

Tumango ako.

“Not here.” Nagpaalam siya saglit sa dalawa saka ako hinila sa labas ng laboratory.

“Bakit, may problema ba?” alalang tanong ko.

“Sugar, sana ‘wag mong kakalimutan na tatapusin natin ang antidote mo. Huwag mong kakalimutan na ginawa mo ‘yon para maibsan lahat ng nararamdaman mong sakin. And even if Code is here, you should remain focused. Always remember Code rejected you. He hurt you. He and your father.”

Napaiwas ako ng tingin.

“Sugar, even if we’re facing this kind of crisis we should finish that antidote. If you let your heart rule you, we’re going to lose it.”


Kinabukasan ay bumalik kami sa dati naming ginagawa ni Kyra. Sobrang konti na lang matatapos na namin ‘to. Sa dami ng tests na ginawa namin malaki ang posibilidad na magtagumpay kami sa antidote na ‘to.

Lerden always call and visit us from time to time. Bumibisita din siya sa hospital para tingnan si Dablyn. Sinisiguro namin na ligtas ang isa’t isa.

Kinahapunan ay nagkita kita kami sa dati naming tinatambayan. Ang puno. Nakaupo kaming lahat sa damuhan at magkakaharap. Nakasandal si Lerden at Code sa puno habang kami naman ni Kyra ay nasa harapan lang nila.

“Nakakamiss din pala ‘to.” Bulong ni Code.

“Bigla bigla ka kasing nawawala kaya hindi tayo makompleto dito.”

Kumikirot parin ang puso ko sa lugar na ‘to. Naaalala ko ang ginawang pagluhod ni Code sa harapan ko. Palihim ko siyang sinulyapan at nakita kong nakangiti lang itong kinakausap ni Lerden as if nothing has happened here.

“Why did you come back?” biglang tanong ni Kyra na nakatingin kay Code kaya natigil sila sa paglolokohan ni Lerden.

“I chose to be brave. I should not be coward if I want to protect someone that is precious to me.” Nakatingin lang siya sa’kin na para bang para sa’kin lahat ng sinasabi niya. “And I want to chase my dream.”

Napaiwas ng tingin si Kyra.

Walang kumibo sa’min hanggang sa nagsalita si Lerden. He’s always the silence breaker.

“Naisip ko lang guys. Masyadong seryoso ang pinagdadaanan natin. I think we should tell Inspector Garcia about this.”

“No!” napataas ang boses ni Kyra.

Lahat kami nagulat sakanya. Tumayo siya at kinakagat kagat ang kuko.

“We should think logically. If the killer hears that we asked for a police, I think that killer would be alarmed and we don’t know what risks might happen.”

Tama si Kyra kapag nalaman ng killer nahumingi kami ng tulong sa police ay baka mas maging mahirap ito para sa’min at baka madaliin niya ang pagpatay saamin.

“Then what should we do?” tanong ko habang nakatingin sa mga mukha nilang malalim ang iniisip.

“We should make sure that everyone is safe.”

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now