Prologue

757 46 15
                                    

      Natapon ang iba't ibang kemikal at naghalo-halo pero ang mas nagpabilis ng puso ko ang nang mapunta ang mga natapon na kemikal sa mga ibang bote ng kemikal na nakaimbak dito sa laboratoryo.

Nagsimula na itong sumilyab at nakarinig ako ng sabay-sabay na pagkabasag ng mga salamin.

Napaupo ako at tinakpan ang ulo ko ng lumilipad na ang mga silab ng kemikal.

Hanggang sa lumaki ang apoy nito at agad kong tinakpan ang ulo ko ng makarinig nang malakas na pagsabog.

Tila nayanig ang buong palapag at nagsibagsakan ang mga gamit saakin.

Umuubo-ubo akong tumayo at unti-unti ng nawawala ang apoy. Makapal na usok ang bumalot saakin at pinagpag ko ito at para akong nabulunan sa paraan ng pag ubo ko.

Lumapit ako sa binta nang makitang nakabukas ito. Umuubo man ay nagawa ko paring lumanghap ng hangin.

“Uggh….”

Halos tumalon ang puso ko ng makarinig ng pag ungol at pagbagsak ng mesa.

Nilingon ko ito at ‘di ko makita nang maayos dahil sa nangingitim na usok. Pinaypay ko ng usok gamit ang suot kong lab gown at halos mayanig ang buong sistema ko ng mawala ang usok.

Parang nahinto ang paghinga ko ng makita ang isang nilalang na nakatayo sa harapan ko. Dilat na dilat ang mga mata ko at hindi makapaniwala.

Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa at masasabi kong.

"T-tao."

Matangkad ito at tama ang laki ng katawan at may kahabaan ang buhok na tumatakip sa mga mata niya. Maputla rin ang balat nito at nakayapak. At masasabi kong isa siyang lalaki kahit hindi ko na silipin ang pinakatatago niya.

"S-sino ka?" halos kapit na kapit na ang kamay ko sa bintana.

Bunga ba siya ng maling eksperimento ko? Pinadala ba siya dito mula sa ibang planeta? Isa ba siyang alien na naligaw? O isa ba siyang substance na naging tao dahil sa pagkakahalo-halo ng iba't ibang kemikal?

Mababaliw na ako sa kakaisip kung ano siya ng bigla siyang humakbang papalapit saakin.

"S-sino k-ka? W-wag kang l-lalapit!" mukhang hindi niya ako naiintindihan dahil patuloy lang siya sa paghakbang.

"W-wag! W-wag ka sabing l-lalapit! W-waaaaaaaaag!"

Locked with Code (COMPLETED)Where stories live. Discover now