13

136 2 0
                                    








Mabilis ang mga pangyayari at namalayan ko na lamang na umiiyak ako sa sarili kong katangahan.

Agad kong kinumutan ang aking sariling hubo't-hubad. Maraming dugo sa kama at alam kong akin iyon. The night is so painful and full of desire.

What have I done with myself?

Pinasadahan ko ang aking buhok saka nagitla sa malakas na pagkalabog ng pintuan.

Iniluwa nito ang matandang babae  na galit na galit at may dalang itak. Pulang-pula rin ang kanyang mga mata at sa likod nya ay ang matandang lalaking kinakasama nya.

"Apo, anong nangyari?"pasiuna ng matandang lalaki at sabay nila akong tinungo.

Tinitigan ko lamang sila. Hindi ako makaimik.

"Lagyan na natin ng baywang ang ating bintana't pintuan , selya...Mukhang pinaglalaruan tayo ng bampirang iyon-"

"Teka, bampira ba kayo?"tanong ko sa kanila. Biglang napaisip dahil sa pagpula ng kanilang mga mata.

Dahan-dahan silang napatango. "Ngunit mabubuti tayong bampira at hindi kumakain ng tao. Masasamang bampira ang angkan ng Cervantes at kinakain nila ang mga dayo dito."aning matandang lalaki saka isinarado ang bintana.

"Kanina lang namin napag-alaman na may sumpa pala ng pulang buwan ilang minuto ang nakaraan kaya ka namin pinuntahan dito..."anang matandang babae.

"Pumunta ba dito si Sergio, iha?"anang matandang lalaki na tinitigan ko lang.

Animo'y hindi makagalaw ang aking panga.

Pano kapag sinabi kong oo?

"Sa tingin ko ay hindi naman sya pinuntahan Romeo..."anang matandang babae saka nagkatinginan sila.

"Mabuti naman at ayaw kong mapabilang ka sa ibang kababaihang bampira na nauuhaw sa kanya..."anang matandang lalaki.

"Ano pong ibig nyong s-sabihin?"utal kong tanong.

"Sa pagdating ng sumpa ng pulang buwan. Ang sinumang babaeng makatalik ng lalaking bampira ay makakaisa sa kanya. Ibig sabihin,
habangbuhay ng magkaisa ang inyong kaluluwa kung sakali at ayaw kong mangyari iyon sa iyo...."

"Kunh saka-sakali'y baka halos gabi gabi ka ng uhaw sa kanya..."bulalas ng matandang babae saka sila magkasabay na nagpaalam sa akin.

Nakatulala lamang ako sa kisame habang pilit na rinerehistro sa utak ang sinabi nila.

"Anong ibig nilang sabihin...."naiiyak kong tanong sarili.

Sinapo ko ang aking noo. "Hindi pwede...bakit nangyayari sa akin to?"naglalandasan ang luha habang iniisip kong habang buhay na lang ba akong magpakababoy sa gawaing iyon.

VAMPIRE'S KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon