"Mabuti at naagapan pa..."dinig kong wika ng matandang babae at may linagay sa noo ko.
"Hayop na Sergiong iyan at pinili ka pa talaga sa sumpa nya!"umalingawngaw ang galit ng matandang lalaki.
Pinakalma sya ng matandang babae saka pagod silang humarap sa akin. "Kilalang maraming babae ang lalaking iyon at hindi namin alam kung bakit sa dami ng babae sa probinsya ay ikaw pa ang pinili nyang magkaganito...."
"Pasensya ka na apo, hahanapan namin ng lunas ang sumpa pero hangga't wala pa kaming lunas ay kailangan mo ang dugo nya upang lumakas..."anang matanda saka kumunot ang noo.
"Kaninang madaling araw ba ay pinapakain ka nya?"dahan-dahan akong umiling doon.
"Puntahan mo ang kampo nya sa kweba ng Silangan. Ito ang mapa ng kweba nya, iha..."ibinigay sa akin ni Lolo ang isang mapa.
"Sauluhin mo ang daan para kapag tumatagal ay hindi mo na kailangan ng mapa."
Hindi ko tinanggap ang mapang iyon saka tumingala sa kisame.
"Kaya ko po ang sarili ko. Ngayong gabi, pupunta ako sa clubhouse doon unang naging miserabla ang buhay ko at sa tingin ko ay doon ko sya makikita."mapait at maikli kong wika sa kanila.
Nagsitinginan lamang ang dalawang matanda lalo na at alam kong wala silang magagawa sa desisyon ko.
Pagkagat ng gabi ay tinungo ko ang daan patungo sa club house. Mabuti nalang at memoryado ko ito.
"Ang sarap ng halik ni Sergio kahapon , mainggit ka..."dinig kong wika ng isang babae at nang lingunin ko ito ay nakumpirmang sya nga ang isa sa babaeng nakita ko kahapon ng madaling araw.
Kumpara kahapon na ang landi-landi nya talagang tingnan dahil nakahubad syang nakaharap kay Sergio, ngayon ay pormal sya at parang inosente tingnan.
"Narinig ko'y may itinali na raw si Sergio na babae. Hindi ko alam kung sino pero sa tingin ko ang babaeng iyon ang dahilan kung bakit hindi nya ako kinantot kahapon."dagdag na wika ng babae sa kasamahan nya na halos magpasuka sa akin.
Ilang babae ba ang humahabol sa bampirang ito?
BINABASA MO ANG
VAMPIRE'S KISS
VampireColeen, ang pangalan ng babaeng ingrata na nagpakantot sa isang bampira.