65

63 1 0
                                    







Ikaapat akong model sa Valora, ayon sa manager ko ngayon-ngayon lang. Si Sir Rico.

"Tapos ito naman ang susuotin mo sa next line up." anang Sir Rico saka sinenyasan ang mga bakla.

Nakatatlong rampa na ako bago pinalitan ang layer ng aking make-up. Sa sobrang dami ng tao sa fashion show ay hindi ko na halos mamataan ang mga kakilala ko man at hindi ako halos makafocus.

Iniisip ko nalang na para ito sa anak ko ang ginagawa ko.

Umeksena na naman ako sa entablado at naging pamilyar sa akin ang mukha ng isang lalaking Amerikano na ngitian ako. May ibinigay pa itong papel bago ako tuluyang umalis sa stage saka pinasuot ng Bohemian fashion dress.

Ang gara ng fashion show na ito!

Ngiti-ngiti pa ako ng bihisan ang sarili nang agad na namatay ang ilaw sa fitting room, naririnig ko pa ang sigawan ng mga bakla sa labas at dahil sa sigaw nila, nakumpirma kong ang buong building pala ang namatayan ng ilaw!

Wala bang generator?!

Agad umakyat ang kaba sa aking puso dahil di makapaniwalang ang isang top building ay namatayan ng ilaw?!

"Ma'am! Ma'am!"

Bumalik din naman ilaw kaya nakahinga ako ng maluwag.

Linapitan ako ng mga bakla nang makalabas na ako sa fitting room. Medyo hindi din maayos ang pagkakasuot ko sa damit kaya inayos-ayos pa nila.

"Ano bang nangyari?" tanong ko habang rineretouch nila.

Bumukas ang pinto ng Red Room, iniluwa nito si Sir Rico.

"Cancel ang fashion show! May namatay!" pag-aalarma nito saka kami dali-daling pinalabas sa room.

"Nandito pa daw ang bampirang salarin ata ng krimen!" dagdag pa nitong wika.

"Bampira po?" kinakabahan at kuryosong tanong ng isang bakla.

Kumunot doon ang noo ko.

"Oo, kahawig ang mga insidente sa nangyayari nitong nakaraang mga araw."

Kinakabahan man ay sama-sama kaming pinalabas at iilang mga businessman rin ang umatras.

Isang malaking trahedya itong nangyari ngayon!

Pinadaan na kami sa ground hall kung saan nandoon rin ang bangkay ng namatay at pinapa-autopsy ng mga pulis.

Nilagyan pa ng mga marka at cone mark.

"Halika na, Ma'am!" natatakot na bulalas ng kasama kong bakla.

Nanliit ang tingin ko nang mamataang ang namatay ay pamilyar sa akin.

Tama!

Sya iyong Amerikano na nagbigay sa akin ng papel kanina sa entablado!

VAMPIRE'S KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon