62

76 0 0
                                    





Wala akong sinayang pa na mga oras.

"Ma'am! Ang gig nyo po!" pahabol na sigaw ng isang bakla.

"Your make-up is ruined, Ma'am!" segunda pa ng isa.

Nasira ata ang layers ng make-up dahil sa pag-iyak ko kanina.

Totoong kailangan na kailangan ko ng pera pero sa tingin ko ay mas kailangan kong siguraduhin ang kaligtasan ng anak ko.

"Ma'am paano po iyong fashion show nyo? Sa Valora? Ma'am---"

"I'm sorry, tell the management that I have an emergency." bulalas ko saka agad na umalis na ng building.

Pinagkatitinginan pa ako ng mga taong dumadaan at may nabubunggo pa akong ilan na nagmumura pa sa Ingles na lengwahe.

"Sorry....sorry..." pagpaumanhin ko.

Dumarami na rin ang mga tao sa building na ito at karamihan sa kanila ay mga businessman mula sa iba't-ibang products at naghahanap sila ng model mula dito sa event na Valora fashion show.

Sadly, mukhang wala akong makukuhang ilang mga kontrata at iba ang prayoridad ko ngayon.

Namataan ko pa si Sergio kasama ang kasamahang mga businessman rin kaya agad akong yumuko para hindi na makita at mas binilisan ang paglakad palabas ng building.

I run towards the front exit nang mamataang patungo rin ang grupo nila Sergio sa dadaanan ko kaya agad akong naghanap ng ibang daan.

Kumaripas ako ng takbo patungong emergency exit at mula doon ay nakasalubong ang mga maintenance na nagtataka pa sa akin dahil sa suot-suot kong galanteng outfit mula sa Red room.

Nang tuluyan na akong makalabas ay napahinga ako ng maluwag saka ko lamang napagtanto na ang bilis-bilis pala ng tibok ng puso ko kanina.

Damn it. Nandito lang si Sergio, so sino namang gagalaw sa anak ko?

"Hello..."

Napatalon ako sa gulat ng makita syang pormal na pormal sa kanyang tuxedo.

All this time, nasa likod lang pala sya ng front door.

Dumoble pa ang pagtibok ng puso ko ng agad na lumitaw ang kanyang ngiti.

VAMPIRE'S KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon