Agad akong nakarating sa CSC-1 building. Hindi naman kasi traffic dito sa Canada kumpara sa Pinas.
"Miss Coleen? This way, Ma'am..."agad na lumapit sa akin ang isang receiptionist at iginiya ako sa isang room sa floor 1.
"You're so pretty, Ma'am..."nakangiti nitong wika sa akin.
I smiled kasi kahit papaano ay may nakaka-appreciate pa din naman sa akin kesyo agad kumunot ang noo ko ng may mapagtanto.
"Pilipino ka ba?"
Tumawa ito. "Oo naman po. Karamihan sa kompanyang ito ay mga Pilipino na OFW, pinatrabaho ni Sir..."
Kumunot ang noo ko saka may pumasok na mga make-up stylist sa RedRoom.
"Aside sa hunky si Sir, may mabuting puso sya...ang swerte ni Miss Lisha sa kanya."dagdag pa nitong wika na nagpairap sa akin.
Of course, Lisha. Hindi ko na itatanong kung paano nila sya nakilala lalo naman at narinig ko na ang boses nito sa labas.
"Ang ganda lang ng lovestory nila Ma'am Lisha at Sir. Sergio. Alam mo yun, yung malditang babae tapos mabait na lalaki. Kakakilig sobra." pasimuna pa ng isang bakla.
Ewan ko ba pero kumuyom ang kamao ko nang marinig iyon.
Bakit? Maldita din naman ako, ah'?
"Lalabas m-muna ako. M-magpapahangin." bulalas ko, nauutal pa ako doon at pinagpapawisan.
Halo-halo ang emosyon kong lumabas at malakas ang kalabog sa pagsarado ko sa pinto.
Ewan ko ba at medyo naiinis ako tuwing pinag-uusapan ang bagay na iyan.
"Galit si Ma'am?"dinig ko pang wika ng isang bakla bago ako tuluyang nakalabas sa Red Room.
BINABASA MO ANG
VAMPIRE'S KISS
VampireColeen, ang pangalan ng babaeng ingrata na nagpakantot sa isang bampira.