17

106 1 0
                                    










Dumoble ang kaba sa aking dibdib. What?

"I need your cooperation para hanapin at parusahan ang malanding iyon..."galit pang aniya saka sinampal ang babaeng desperadang-desperada kahapon ng madaling araw.

"Alam kong inaakit mo si Sergio , Amanda."galit nitong wika sa babaeng Amanda pala ang pangalan.

Dumoble pa lalo ang kaba sa aking puso.

"Maraming naghahabol sa kanya at iyon ang ayaw ko. Marami pang malalandi na nakikipagkaibigan sa akin."aniya saka sinunggaban ng kutsilyo si Amanda.

"Ilibing nyo sya..."utos nya sa ibang kababaehan saka dali-dali naman itong sumunod.

Nakaawang lamang ang labi kong pinanood sila.

Hindi naman siguro ako ang mang-aagaw na iyon, diba? At isa pa, hindi ko naman gusto ang mga nangyayari.

"Come here. Chill muna tayo.May ikekwento rin ako. Alam kong naguguluhan ka na sa mga pangyayari."anang Lisha saka kinuha ang aking braso at dinala ako sa isang reserved table.

Pinagpapawisan ang mga daliri at likod ko.

Hindi ako iyon. Hindi ako kailanman nang-aagaw ng may karelasyon. Huminga pa ako ng maluwag para pakalmahin ang sarili saka nag-order si Lisha ng tequila.

She told me her story and why she didn't told me about it. Ayaw nyang masira ang pagkakaibigan namin and everything.

"Oh here he is!"aniya saka itinuro ang nasa likuran ko.

Paglingon ko dito ay naging pamilyar agad sa akin ang nakakahalinang pisikal na kaanyuan ni Sergio. Nakakalaglag panga ang kagwapuhan nito pero agad kong pinaalahanan ang sarili na gwapo lang yan, hindi yan rumerespeto.

"Sergio , we need to talk."seryosong wika ni Lisha pagkalapit nito.

Agad kong naamoy ang kakaibang aroma mula sa kanya na nagpapalaway sa akin but no...not on this place and time.

Hindi ito pormal at lalong hindi kaaya-aya.

"Restroom lang ako..."I excused myself to them.

Ang bilis ng mga pangyayari at ngayon lang ay nasa harapan ko na agad ang puno't-dulo ng problema ko? I need air to freshen up a bit.

Sinulyapan pa ako ni Sergio at sa pagkakataong nag-abot ang kulay asul nitong mata ay ang kakaibang tibok ng aking puso.

I don't know why I feel this way kaya agad akong umalis doon.

VAMPIRE'S KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon