61

66 0 0
                                    







What now?

Ngumiti pa ito ng kaytamis tamis sa akin.

"Sige dyan ka na ha, kailangan kong puntahan ang soon to be official husband ko." wika pa nito.

Let me clear this things up.

I really want answers from Mommy! Ang sabi nya sa akin ay asawa ko si Sergio at kaya kami umaalis sa puder nya ay dahil papatayin lang ako ng asawa ko.

Or let's say dating asawa.

Wala na talaga akong maalala sa lahat tungkol sa asawa ko. Gusto kong maalala lahat pero ansakit kasi habang pinanood ko ang singsing na suot-suot ni Lisha...pakiramdam ko sa akin dapat iyon pero wala akong alam sa lahat ng bagay.

Hindi ko namalayan na tumulo at naglalandasan na pala ang luha sa aking mga mata mabuti nalang at walang masyadong dumadaan at nakaalis na rin ang haliparot na si Lisha.

Nalilito na ako.

Kung papatayin ako ni Sergio, bakit hindi nya ako pinatay ngayon----

Teka, ang anak ko!

Agad kumalabog doon ang aking puso at agad kong pinunasan ang mga luha ko.

Hindi maaring tama ang kutob ko.

Paano kapag hindi naman talaga ako ang pagagantihan ni Sergio? Paano kapag ang puntirya nya ay ang anak ko?!

Jusko, gusto ko ng malaman lahat-lahat. Ang mga ala-ala.

VAMPIRE'S KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon