47

67 1 0
                                    






"Oh, here he is!" bulalas ni Lisha saka linapitan ang matangkad at maskuladong lalaki na nakakunot ang noo.

Napalunok pa ako ng paulit-ulit!

Lisha's ex is ooozing hot!

I wonder how he look if nakatopless lang sya or what since his arms says how masculine he is! Kahit na balot na balot ito sa corporate na attire, aside from his handsome face, may ibubuga rin ang pagiging maskulado.

I feel so chickened out. Magaling talaga pumili si Lisha. Napatikhim ako doon saka ko naisip kong magaling din ba akong pumili.

The man's eyes look straight into me. I was dazzled for an instant at agad na iniwas ang tingin.

Parang napapaso ako sa tingin nito!

Ang init! Sheeet!

"This way Miss Coleen."anang staff kaya iniligoy ko na ang makamundong pag-iisip sa trabaho!

Pinapaalahanan ko pa ang sarili ko ng paulit-ulit tungkol sa plano ko dito.

I need job, I need money.

Tinalikuran ko na sina Lisha at ang gwapo nyang ex. Akala ko ba ex na sila pero mukhang ayos pa rin naman at kung makakapit si Lisha dito ay parang tuko.

Hindi ko nalang sila pinakialaman saka pinapasok na ako ng staff sa audition room.

Pakiramdam ko agad ang baba ng tingin sa akin ng lahat ng nandito! Ang gaganda at sesexy nila!

"Here's your bikini , Miss Coleen. We will call you once the photographer is ready."anang babaeng staff saka lumapit sa team manager.

Napatikhim pa ako habang pumasok sa dressing room at kasalukuyang minamake-upan ng make-up artist ang isa sa mga nag-audition.

Lima lang kami! At ayon staff ay ang CEO mismo ang pumili base sa resume na pinasa namin online!

Pinamulahan ako dahil doon. Ang galing pumili at matataas ang standard ng beauty ng mga models na ito at mukhang ako lang iyong naligaw!

Does the CEO think I'm pretty enough to compete with this gorgeous ladies? O baka nagkamali lang sya?

"Black bikini strap?" namilog ang mata ko nang tinanggap ang binigay ng staff na nakangiti na sa akin ngayon.

VAMPIRE'S KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon