Nakatulugan ko na lamang ang buong maghapon at bumaba na para sa dinner. Tinawag na ako ng babaeng kasambahay namin at narinig ko pa silang tumitili kasi may gwapo daw na nakapasok sa mansyon.
Alam kong ang depinisyon ng gwapo para sa mga kasambahay ay hindi naman talaga gwapo. Kaya hindi ako interesado.
Mas maraming gwapo sa bar...
"Coleen , nakuha ko itong report card at nakakalungkot lang talaga ito."anang Daddy.
Nag-usap kami sa hapag hanggang sa matapos na kami sa pagkain.
Dumating ang isang mistisong lalaki na hindi na nakamaskara pero alam kong sya iyong nakita ko kaninang umaga.
"Anak, sya nga pala si Sergio Cervantes. Galing sa probinsya..."pagpapakilala ni Daddy sa dumating na lalaki na iniligpit ang pinagkakainan namin.
"Huh?"litong-lito kong harap sa kanila.
What about him?
"Si Sergio , ang anak kong si Coleen ang isa sa amo mo. Coleen, this is Sergio at kasambahay natin sya. Nakapag-apply sya kaninang umaga..."ngiti-ngiting wika ni Mommy.
Ewan ko nalang talaga kung bakit nagtataasan ang balahibo ko sa kanya. Pakiramdam ko talaga ay may kakaiba sa kanya kaya ipinagkibit-balikat ko na lang ang pagpapakilala.
Sya pala iyong gwapong tinitilian ng mga babaeng kasambahay namin.
Pakiramdam ko ay may nahulog na kutsara mula sa aking pinggan at nagkalapat ang aming mga kamay.
He looked down on me.
Sa mga titig palang nya, I know something doesn't sound right and the name Sergio is like the name of someone I have met before.
Tumikhim ako saka ibinigay nalang sa kanya ang kutsarang pinagkakainan para iligpit nya na.
Tatalikod na sana sya ng may katanungang bumabagabag sa aking isipan na nangangailangan ng kasagutan.
"Uhmm...Sergio, have we met before?"tanong ko nito.
Nagkatitigan muli kami ng ilang segundo bago nya mapagpasyahang sagutin ang katanungan ko.
"No."his voice so cold and serious firmly replied my question.
BINABASA MO ANG
VAMPIRE'S KISS
VampireColeen, ang pangalan ng babaeng ingrata na nagpakantot sa isang bampira.