25

107 1 0
                                    








Pakiramdam ko ay nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog at nang magising ako ay sumalubong sa akin ang mukha nina Lolo at Lola.

"Gising ka na pala, Coleen..."bulalas ni Lolo na abot-abot sa mata ang saya.

"Hmm...what happened? Natulog lang ako pagdating ko sa probinsya?"kinusot-kusot ko pa ang aking mata.

"Oo nga eh..tinawagan ako ng Mommy mo. Sabi nya ay nagbago na ang isip nila at pababalikin ka nalang sa Manila-"

"Talaga?!"masaya akong bumalikwas saka biglang napaaray sa sakit ng palad.

Anong nangyari sa palad ko?

"Nandito na ang driver nyo, Coleen...Ihahatid ka nasa Manila."anang Lola.

Nalilito man ako kung saan galing ang tila malaking sugat sa aking palad ay masaya naman ako kasi pababalikin na ako nila Mommy sa Manila.

I mean, ang bilis naman atang nagbago ng isip nila at gusto ko iyon?

Marami akong katanungan habang nilisan ng aming sasakyan ang probinsyang iyon at walang imik kong pinagmasdana ng peklat ng sugat sa aking palad na medyo mahapdi pa rin.

Hindi ko matandaan kung saan ko ito nakuha.

As soon as I arrive home, hindi magkamayaw na saya akong yumakap sa mga magulang ko.

"I'm sorry , Coleen...."panimula ni Mommy na nagpakunot ng noo ko.

"Bakit po? I mean, I know na medyo harsh ang pagtransfer sa akin sa province pero parang ang bigat naman ng sorry nyo sa akin..."biro ko pa na tinawanan lang nila Mommy and Daddy.

Inakyat na nila ako sa aking kwarto para makapaghinga.

Hinalikan pa nila ang aking noo nang mahiga sa kama.

"Magpahinga ka muna, anak...You need to rest."anang Mommy saka marahan na isinara ang pinto.

"Sure Mom..."wika ko saka agad na dinakmat ang cellphone para kontakin ang bestfriend kong si Lisha.

Gusto kong ikwento sa kanya na pinauwi kaagad ako mula sa pagkakalagay sa probinsya na malayo sa sibilisasyon and with that, makakapagparty na ako!

Gusto ko rin sana syang i-invite sa isang bar na sa tingin ko ay maganda daw pero walang sumasagot sa mga tawag ko.

Inis akong tumayo sa pagkakahiga sa kama dahil sa inis na hindi nya sinagot ang mga tawag ko.

Hinawi ko ang kurtina sa bintana saka pinagmasdan ang isang lalaking nakamaskara  mula sa  ibaba.

Kinakausap nya si Mommy.

I feel something on him at hindi ko matukoy kung ano ito.

Tumingala sya sa direksyon ko at nagtama ang aming mga mata.

May kakaibang kulay pula na dumaan sa pagkakatanaw ko sa kanya.

VAMPIRE'S KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon