02

192 4 0
                                    






"Your Lola,Coleen...Magmano ka." Daddy hissed when we reached the peak of the province.

Hindi na kaya ng sasakyan namin ang tirik at mabatong bukid kaya naglakad kami ng ilang oras na nakakapagod para lang pagalangin ako sa matandang ngayon ko palang nameet.

"Kamusta, iha...dati ay bata ka pa at cute ngayon ay medyo di na kaaya-aya. Mukhang lumihis ata ito sa tamang landas, Romeo..."anang matanda kay Daddy na inirapan ko.

Ano bang alam mo ha?

"COLEEN! GUMALANG KA SA MAS NAKAKATANDA SAYO!" pagsisigaw na utos sa akin ni Papa.

Pinaikot ko pa ang bilog sa aking mata bago nagmano sa matanda.

"Halikayo at pasok...."naiilang ako sa ngiti ng Lola ko daw.

I am disliking everything and it includes my presence here.

Nag-usap si Daddy at ang matanda ng ilang oras kaya inabala ko ang sarili sa paglalagay ng mga damit sa loob ng assigned room ko.

They say, I'll be here for about two months and that's it.

Kailangan ko lang i-survive pero parang ngayon palang ay nangangati na akong makapagparty at makipagsocial interact. You know, social life...

"Sige Romeo. Ako na ang bahala kay Coleen. Huwag kang mag-alala. Sige. Paalam-"

"DAD!"pagsisigaw ko sa labas ng pintuan pero hindi na ako pinakinggan ng nagbibingihan kong Ama sa loob ng sasakyan.

I'm doomed!

After I finish my dinner at nagpaalam ang matanda sa aking pagtulog, I immediately dress up and planned for an escape night.

Mamatay ako sa sobrang boring dito,no.

I have my guts and that is to sneak around.

Napalunok pa ako ng paulit-ulit bago tahakin ang madilim na daan. This is it. Now, I need to gear up myself and go to a clubhouse. If ever, mayroon.

And there is.

A blood ball party.

"Hello hottie. Isang margarita naman dyan. " malandi kong wika sa bartender na nakabusangot pero nakasuot sya ng itim na mask. Ewan ko lang kong paano ko napredict na busangot but I know he is. Most of bartenders is.

Liningon-lingon ko ang paligid at medyo nacecreep out kasi nakatingin silang lahat sa akin.

And all of them are wearing a mask. May masquerade party ba?

"Here is my cash."bayad ko ng limang libo na sinulyapan lamang ng bartender.

"Sorry lady, this is not the currency that we need."

"Huh?"litong-lito kong wika.

Iyan oh, solid na 5k at tatanggihan nito.

"I need your blood."ani nito na nagpataas ng balahibo ko.

VAMPIRE'S KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon